Chapter 18
Fastforward.
Last day at Boracay.
Andito ulit kami sa tapat ng mini bar. Napagtripan na namin tong tambayan.
Hay. Last day na pala namin dito. Bukas na alis namin. Ang bilis naman nung 6 days. Di ko ramdam promise. Sa halos one week na yun, wala naman masyadong nangyari. Pagkatapos nung dare ni Sophie na di kausapin si Chester, bumalik yung sweetness nila. Di ako nagseselos. Wala naman akong karapatan eh. Sa tuwing nakikita ko silang nagalalambingan, iniisip ko na lang yung Mr. Right na darating sa buhay ko. Yung gagawa ng mga bagay na ikasisiya ko. Yung magpaparamdam saking, ako lang. At higit sa lahat, yung Mr. Right na magmamahal sakin ng walang nasasaktan. Kaya ayun, medyo nakekeri ko naman silang panoorin. Araw araw ngang may romance dito sa Boracay eh.
"Ano na namang iniisip mo?"
"Ay gwapong Chester!"
O_O
What did I say?
"Ako pala iniisip mo ah." Chester.
"Che! Nagulat lang talaga ko! Asa ka naman!" Ako. Nakakahiya! Bakit ba kasia ko ipinanganak ng magugulatin? Si mama may kagagawan nito eh! Lols. Nangdamay pa ko.
"Eh anong ibig sabihin ng 'ay gwapong Chester!' aber?" Tapos ginaya niya yung accent ko. Luh? Pano ko ba malulusutan to?
"Ah kasi, may sikretong tinatago tong si Bes. Nag iisip yan lagi ng gwapo. Tapos kung sino unang makita niya, nasasabi niya yung pangalan. Kaya ayun, 'gwapong Chester' lumabas. Sakin niya lang sinabi yung sikretong yun." Pagtatakip sakin ni Chen. As if namang gagana yan.
"Ah ganun ba? Kala ko ako na iniisip ni Jillian eh." Chester. Hay nako, ikaw talaga Chen! Napakaimbentadora mong tao.
"As if namang iisipin ko yang nakakasuka mong mukha. Duh?" Pagtataray ko. Namiss ko din kasi to. Yung tatarayan ko siya, tapos bigla siyang magyayabang.
"Ok." Tss. Asyuming ko talaga.
"Ok? Iba ka ata ngayon? Parang di ka nagyabang?" Di ko matiis hindi magtanong eh. May kadaldalan din kasi ako.
"Kasi po behave ako ngayon. Andito kasi si commander." Sabi niya sabay tingin kay Sophie.
"Ah ok." Sabi ko na lang.
"Guys! Sulitin na natin tong araw nato. Last day na to oh." Froilan. May nasasabi rin pala tong matino. -_-
"Tara! Let's go banana boating!" Sabbie.
"Gamee!" Sabay sabay naming sabi. Ganado kaming lahat ngayon. Last day eh.
Pumunta kami kung saang lugar man kami dapat pumunta.
"Kuya! Pasakay 2 boat." Trixie.
"Pano kung ayoko?" Sabi nung kuya.
Aba?! Suplado?! Mukha namang kalbong shokoy.
"Hay nako kuya! Wag ka ng gumanyan kung wala ka lang din namang itsura. Pamwisit ka pa eh! Sasakay na kami bago pa kami maalibadbaran sa atmosphere dito!" Go Chen!
"Oh ayan na! binibiro ko lang naman kayo, ang sakit sakit niyo magsalita. It hurts kaya." Bwahaha. Natawa na lang kami kay kuya at pumunta na dun sa mga boat.
Una unahan kaming sumakay. Syempre one for girl. One for boy.
Ganto yung ayos.
Sa girls..
Trixie
Ako
Sophie
Sabbie
Chen
Sa boys..
Froilan
Gabriel
Chester
Troy
Then, nagsimula ng umandar. Infairness, nakakahilo ah.
"Ahhhh! Ayoko pang mamatay. Magpapakasal pa kami ni Trixie!!!!!" Sigaw ni Froilan.
Binatukan naman siya ni Gabriel na nasa likod niya.
Woooooooooooo! Ang saya! :)))))
Maya maya lang ay natapos ma yung ride namin.
"Wahh! Nakakahilo!!!!" Ako.
"Nahilo ka lang sa kagwapuhan ko eh." Chester.
"Eh kung ganun lang din, wala nang dapat ikahilo." Ako.
"Ah ganon?!" Sabay tingin sa akin. Yung tingin nato! Alam ko to! PT to eh! As in....
"POWER TICKLE!!!" Sabay habol niya sakin. Ako naman to, takbo kahit hilong hilo na.
Pero sa kasamaang palad, Eto na naman si katangahan. Siguro dahil hilong hilo na din naman ako.
*BOOGSSSH*
Hinintay kong tuluyan akong bumagsak. Pero bakit ganun? Imbes na lupa yung bagsakan ko, parang malambot na ewan..
Minulat ko yung mata ko.
O__O
Why? oh why?
Si Chester kasi, nasalo pala ako. Hapit niya yung bewang ko. Tapos... tapos... tapos... m-malapit yung mukha niya sakin.
Dugs. Dugs. Dugs.
"Uh eh... T-Thanks." Ako. Tapos tinayo na niya ko at binitawan.
"Baboy ka talaga! Leche, ang bigat!" Siya.
Walangya. Ako hiyang hiya dito, tapos siya, mang aasar lang?!
Nag death glare nalang ako sa kanya. Talo kasi ako lagi dito sa asaran.
Ng biglang...
"Ehem. Nakakagulo ba ko sa paglalambingan niyo?" Mataray niyang tugon.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...