~TEAF Chapter 32~

135 3 1
                                    

Chapter 32

Fuck them 100x

Nagsimula ng tumulo yung luha ko.

Anong nakita ko?

Si Sophie.

She's making out.

And worst...

Not with Chester.

Bakit niya ginaganito yung bestfriend ko?

Hinayaan ko siya kasi akala ko aalagaan at papasayahin niya si Chester. Akala ko, hindi niya ito mgagawang lokohin.

Iyak lang ako ng iyak dito. Kahit tigang tiga na yung mga paa kong pumasok doon sa loob at saktan si Sophie kaso di ko magawa. Nanghihina ako. Pero dapat kong tatagan para maipagtanggol yung walang kamalay malay kong bestfriend.

Hanggang sa naramdaman ko yung paglabas nila. 

*PAK!*

Isang makabuluhang sampal ang natanggap niya mula sa akin.

Napagilid naman yung mukha niya at tumakip yung buhok niya, dahilan para hindi niya makita kung sino ang sumampal sa kanya.

Medyo niyakap naman siya nung kalandian niyang haliparot na mukhang tsonggo na lalaki. Parehas sila. Napakapangit ng ugali nila. 

"How. Dare. You. ?!?!" Nanggagalaiti na sabi ni Sophie pero napanganga siya nung naiangat niya yung ulo niya at nakita ako.

"Ohmygod! Let my explain siss---"

"Damn!! Sissy?! How dare you too na tawagin pa akong ganyan pagkatapos ng ginawa mong kalandian?! Hindi ba pumasok diyan sa maliit mong kokote na may boyfriend ka?! Napakalandi mo!!! Napakababoy niyo!!!" Pasigaw na sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luhang galing sa mata ko. Nasasaktan ako para kay Chester. Sobra niyang minamahal si Sophie. Pero niloloko lang pala siya nito.

"N-No.. H-Hindi! M-Mali ang iniisip mo! H-Hindi yun yung ginagawa namin.. Maniwala ka Jillian." Akmang hahawakan na niya yung kamay ko. Siguro kasi iisipin niyang maawa ako sa kanya. Pero sorry siya. Saktan na niya ako, wag lang yung bestfriend ko.

"Napakatanga ko naman siguro kung maniniwala pa ako sayo!! Hoy malandi, may mata ako at kitang kita ko yung lahat ng kahayupang ginagawa niyo!! Mahiya ka naman Sophie! Ipinaubaya ko siya sayo kasi akala ko papasayahin mo siya!! And what is the fucking meaning of this?!" Sigaw lang ako ng sigaw dito at halata namang pahiyang pahiya na si Sophie. Kulang pa yan. Kung sana hindi mo inuna yung kalandian mo.

Binaling niya yung atensyon niya kay dun sa lalaking kasama niya na mukhang walang alam sa mga nangyayari. Narinig kong pinaalis niya muna yun at umalis na yung lalaking isa pa palang walang kamalay malay sa mga pangyayari.

Binaling niya muli ang atensyon niya sa akin at nagsimulang magsalita.

"Jillian.. Listen.." Nagbuntong hininga muna siya bago magpatuloy. "Ok, sorry. Aamin na ako since nakita mo na naman ang lahat. Una kaming nagkita sa bar, nagkataong parehas kaming lasing nun. Wala kami sa sarili naming katinuan kaya kung ano ano ang nasasabi namin sa isa't isa. Hanggang sa sunod sunod nalang yung mga aksidenteng pagkikita namin. At sa pagkakataong yun, nagkakalabuan na kami ni Chester. Kaya I didn't notice na naeentertain na pala ako kapag kasama ko yung lalaking yun, si Bryan. At... tulad ng ibang love story... Nagkadevelopan... nainlove... nahulog... at eto... we're making out."

*PAK!*

Ikalawang sampal mula sa akin.

Ang kapal ng mukha ng haliparot na babaeng to! Imagine yung tono ng pananalita niya na parang wala lang lahat sa kanya?! Ang sarap pumatay!

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon