~TEAF Chapter 24~

179 7 1
                                    

Chapter 24

Dissmissal na ng last class. So it means, na pupunta na akong gym. Hindi ako nagbabali ng pangako noh. Yung iba lang diyan! Ehem! *Cough* *Cough*

Makapunta na nga! Mukha akong tangang uubo ubo dito.

@Campus Gym

Konti lang ang tao dito. Baka nag uwian na yung iba.

Nakita ko namang andun na sa stage yung dalawa. Andun na din yung trainiest.

Maya maya lang, nagstart na yung practice.

Tapos ay nagpractice na din ng talent. Yung talent kasi, magkasama yung Mr. and Ms.

"Okay ganto, hawak iha sa balikat ni pogi. Tapos pogi, hawak ka naman sa bewang niya. Ayann.. Oh sige, make your move.. *move* *move* Iha, medyo mali yung pagkakaproject mo. Oh sige, one two three go!" Trainiest.

"Iha, mali nga yung pagkakaproject mo! Make an eye contact to him. Concentrate!" Medyo inis na yung trainiest.

"Naku naman iha! Sige, nose to nose naman. Feel him." Tapos nagstart na ulit sila...

"Hay naku!" Inis na sabi nung triniest at medyo iniba niya yung direksyon ng mata niya at napatingin sa direksyon ko.

"Uhm. Hey! Uy babaeng maganda!" Napatingin naman ako dun. Bwahaha.

"Come here iha." Sabi niya.

Huh?

Tapos tinuro ko yung sarili ko. Parang tinatanong na "Ako?!" Nagnod naman yung trainiest. Then, pumunta na ko sa stage. Nakakatakot kasi eh. Mukhang mangangain.

"Okay, ikaw nga. Sige, gawin mo yung ginagawa ni Ms. Sophie kanina."

Dugs. Dugs. Dugs.

Kinakabahan ako!

Unti unti akong lumapit kay Chester. Pagkalapit ko sa kanya, humawak nako sa kanyang balikat. Siya naman, humawak sa bewang ko. Bago magstart, may ibinulong siya sa akin.

"Goodluck. Make me proud of you." 

Sa mga katagang yun...... doon na lamang ako ginanahan.

Nagstart na kaming sumayaw. Naka eye contact ko sa kanya at siya rin naman. *Move* *Move* *Move*. Ikot. Hawak sakin. Forward. Backward. Forward. Backward. I love the way how we dance. Sana di na matapos tong moment na to.

Simula nung mga bata pa lang kami, nagkakaintindihan na kaming dalawa sa lahat ng bagay. Dati nga di kami mapaghiwalay niyan eh. Nung highschool, talagang kaming dalawa lang yung laging magkasama. Kala ko nga manliligaw to eh. Bwahaha. Pero di ko pa siya gusto noon. Until I realize that I already fall for my  bestfriend.

Ayan.. Inikot niya ulit ako. Tapos ibinend. Napatitig ako sa kanya. Ganoon rin naman siya. Mga 10 seconds din yun. Tapos itinayo na niya ko.

"PERFECT!" Ayt! May tao pa nga pala dito. Di ko napansin.

"Thank you po." Ako.

"Sophie, nakita mo ba yun ha? That's the exact steps I want you to do. Pag aralan mong mabuti yun. Sa isang bukas na ang contest at hindi ka pa rin nakakapagconcentrate!" Sabi nung trainiest kay Sophie. Mukhang di na ko kailangan dito.

"Ah, alis na po ako." Sabi ko dun sa trainiest.

"Ang galing mo pala sumayaw. Sige iha." Trainiest.

"Salamat po. Sige po, mauna na ko." Ako.

Paalis na sana ako ng...

"Congrats! You've made it." Napangiti na lang ako at tuluyan ng umalis.

"Bes! San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah?" Bungad sakin ni Chen.

"Wala. Diyan lang sa tabi tabi." Sabi ko tapos bigla niya kong binulungan.

"Pumunta ka sa gym noh?" Bulong niya.

"Gaga! May gagawin kasi ako sa gym kaya ako napadpad don!" Bulong ko pabalik.

"Aysus! So, nakapanood ka na naman ng romance dun?" Siya.

*Iling* *Iling* *Iling*

"Hoy! Ano mga pinagbubulong bulong bulong bulungan niyo diyan?" Froilan.

"Dami namang bulong nun!" Troy.

"Syempre, ilang buling ba ginawa nila? Diba more than 1? Oh ede madami yun!" Froilan.

"Tss. Dami mong alam!" Troy.

"Guyss!" Pagsulpot ni Chester.

"Oh bakit? Tapos na ba practice niyo?" Chen.

"Ako, okay na daw sabi nung trainiest. Si Sophie naman, kailangan pa daw ng practice, kaya ayun pinaiwan muna siya dun sa gym." Chester.

"Dapat kase, kayo na lang kasali ni Jillian eh!" Sabi ni Chen tapos ay pinandilatan ko siya ng mata.

"Haha! Pwede! Pero, akalain mong, sanay pala tong sumayaw?" Pambubusit ni Chester.

"Ay nako! Kung alam mo lang! Nagsasayaw to taon taon sa ati atihan!" Froilan. Luh? Ano naman alam neto sakin?

"Pagtulungan niyo pa ko! Sige lang!" Kainis. >.<

"Eto naman di na mabiro! Lika na nga! Libre nalang kita bespreng!" Siya. Tapos inakbayan niya ko. Ugh!

Tinanggal ko. Inakbay niya ulit. Tinangggal ko. Inakbay niya. Tinanggal ko. Inakbay niya. Tina--

"Hoy ano?! Mag aakbayan na lang ba tayo dito?" Chen.

Sa huli, wala nakong nagawa kundi pabayaan na lang siya. Siya rin naman mananalo eh!

"Ano gusto mo?" Tanong sakin ni Chester.

"Chicken burger at chocolate shake na lang." Ako.

"Aba himala at hindi mo pinakyaw tong buong canteen!" Siya.

Napipikon na ko ha. >,<

"Wag na nga, ako na lang." Tapos tumayo ako. Pero pinigilan niya at pinaupo ulit ako.

"Bilis mo naman magtampo! Ge, order na ko." Sabi ni Chester sabay alis papuntang counter.

"Jillian." Gabriel.

"Hmm?"

"Wala." -_-

"Corny mo!" Sabi ko tapos dumating na yung pagkain.

After 100000000 years, tapos na kaming kumain.

"Hay nakakabanas yung trainiest! Kulang na lang patayin ako eh!" Biglang sulpot ni Sophie.

"Ok lang yan babe! Andito naman ako pampawala ng pagod mo eh!" *Winks* Chester.

Pabiro naman siyang tinulak ni Sophie.

"Ikaw talaga!" With matching pacute voice.

Anong klaseng mga tao to? Try niyo kayang magharutan sa ibang lugar! Hindi sa harap namin! >.<

"Selos?' Leche ka Chen!

"Ulul! Asa!" Ako.

"K. Sabi mo eh."

Maya maya lang ay napagdesisyonan na naming umuwi.

"Jillian, tara na?" Gabriel.

"Sige tara." Ako.

Tapos hinatid na niya ko.

Drive lang siya ng drive.. Pero, di ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon