~TEAF Chapter 33~

128 4 0
                                    

Chapter 33

December 24 (The day before Christmas)

Nandito kami ni Chen sa sala. Pinapunta ko siya dito para magbalot ng mga regalo. Hindi naman sa hindi ako sanay, sadyang tinatamad lang ako.

"Hoy impakta ka! Kapag talaga wala akong regalo dito, yari ka sakin!" Reklamo niya. Ang dami ko kasing pinapabalot sa kanya. Mukha ngang napipilitan lang eh.

"Meron yan!" Sabi ko habang nakahiga sa sofa na feeling donya habang pasway sway pa ng paa.

"Eh may regalo ka naman ba dun sa mag syota?" Tanong niya.

"Sa dinami dami ba naman ng magsyota sa mundo, sa tingin mo ba mahuhulaan ko yun?" Ako.

"Tanga ka talaga! Si Chester at Sophie!" Napabalikwas naman ako ng higa ng marinig ko yun.

Si Sophie...

Nagawa na kaya niya?

Argh!

Dali dali kong kinuha yung phone ko at tsaka siya kinontact.

Enk. Enk.

Aish! Isa pa!

Enk. Enk.

Bakit ayaw sumagot?!

Enk. Enk.

Enk. Enk.

Enk. Enk.

Sa inis ko, nabalibag ko yung cellphone ko. Puta! Sasakalin ko talaga yung babaeng yun!

Napatigil naman si Chen sa pagbabalot nang alarmahin siya sa pagkakabalibag ko ng aking cellphone.

"Huy! Ano bang problema mo?" Tanong niya.

"Saka ko na lang ieexplain. Ang mabuti pa, ituloy mo na lang yung ginagawa mo." Sabi ko na lang sa kanya.

"Are you sure, you're okay?" Siya. Tumango na lang ako.

Kinuha ko ulit ang phone ko dahil hindi talaga ako mapakali. Buti na lang at gumana pa.

Sinubukan ko ulit kontakin si Sophie.

FINALLY!

Lumabas muna ako saglit at sinabi kay Chen na private to kaya umoo na lang siya.

"Nagawa mo na ba? Ano? Nasabi mo na ba ng harap harapan? Anong reaksyon niya? Umiyak ba siya, nagalit, nagwala or what? Ano, magsalita ka!" Sunod sunod kong tanong ng makontact ko na siya.

"Hey calm down. Mas ma--"

"Pwede ba sagutin mo na lang yung tanong ko! Ang dami mo pang dakdak! So, nagawa mo na ba?!" Galit kong tugon.

"Hindi ko pa nagagawa." Malumanay na sambit niya.

"PERO BAKIT?!!" Nanggagalaiti kong sabi.

"Pwede bang bigyan mo muna ako ng space at ng oras? Hindi ko pa kasi kaya." Siya.

"Kayanin mo! Kayanin mo! Kung ayaw mong ako ang magbulgar ng mga kabahuang itinatago mo!" Ako.

"Hey, maawa ka naman sakin. Sasabihin ko naman sa kanya eh. Please, please, please.. Konting panahon pa." Naririnig ko na lang na humihikbi siya. Alam kong acting lang niya yun para maaawa ako sa kanya.

"Pwede ba, ang landi mo na nga, ang arte mo pa! Kating kati na kong kalbuhin ka, pero dahil may puso pa naman ako, bibigyan pa kita ng konting panahon, tandaan mo, sa oras na hindi na ako makatiis na sabihin sa kanya, ora mismo, nasa tapat na ako ng bahay nila." Sabi ko sabay end call.

End of convo.

"Sino yung kausap mo?" Biglang sulpot ni mama.

"Ma, wag ka ngang nakikinig sa usapan ng iba." Ako.

"Kaya nga tinatanong kung sino yung kausap kasi hindi naman ako nakikinig." BoomBasag! Marunong din pala to mangbara.

"So, Ma, anong pinaglalaban natin?" Ako.

"Kapayapaan ng Pilipinas." Sabi niya at pumasok na rin naman kami sa loob.

"Tsk. Magmeryenda nga muna kayo ni Chenita!" Mama.

"Yes! May pagkain!" Sulpot ni Chen. Putek! Kung walang Froilan, may Chen naman! Aba matinde!

Tinigilan naman niya yung pagbabalot at nagsimula na kaming magmeryenda. Ay mali, siya lang pala. Wala din naman akong gana eh.

Tahimik lang ang buong bahay. Si mama kasi nasa kusina, si Chen, lumalamon. Eh ako? Nag eemote. Wala tuloy world war ngayon sa bahay.

Narinig ko na lang na may kausap si Chen sa phone. Nakita kong lumungkot yung mukha niya.

"Oh sige po, bye." Ang huling sabi na lang niya at bumalik sa tabi ko.

"Pst, ano yun?" Tanong ko.

"Sabi ni mama, may mahalagang meeting raw sila ngayon kaya bukas pa sila ng tanghali makakauwi. Dito daw muna ako kasi si kuya, nandun din sa kaibigan niya." Siya.

"Ok lang yan. Ginagawa din naman nila yun para sayo eh. Alam mo namang welcome ka dito sa bahay anytime. Tsaka mo ngang iganyan yung mukha mo. Para kang sanggol na hindi naiire ng maayos eh." Ako.

"Ayos ka rin mag-segway noh? Magcocomfort ka nalang, may lait pang kasama." Siya.

"Atleast napangiti kita. Yiiieeee." Asar ko. Nagagawa ko pang mang asar samantalang may sarili din akong problema.

"Manahimik ka, kung ayaw mong mawalan ng balot yun mga regalo mo." Siya.

"Walangya ka talaga. Ituloy mo na nga lang yan at baka makasapak pa ko." Sabi ko. Nagsimula na naman nga ang katahimikan.

Maya maya lang, nakita kong papalapit sa amin si mama. Mukhang may kaso pa ang mukha.

"Guys, baka naman gusto niyo akong tulungan dito? Nakakahiya kasi eh." Sabi niya.

"May ginagawa kami moms." Chen. Pinanlakihan naman siya ng mata ni mama. Nakupo! Baka ako pa iground nito.

"Tsk. Ikaw talaga Chen, napakatamad mo. Tingnan mo ako, nagliligpit." Sabi ko atsaka nagsimulang magligpit.

Tinulungan na din namin si mama sa pagluluto para mamaya.

The rest of the day, wala namang nangyari. Halos nagready lang kami para sa noche buena.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon