Chapter 45
Kami na ulit...
Kami na ulit...
Kami na ulit...
Paki ulit nga?
Kami na ulit...
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko, para akong itinapon sa impyerno, para akong binugbog ng sandamakmak na beses at binaril sa ulo.
Hayop. Napakasakit.
Sobrang sakit.
Napatalikod na lang ako sa kanila dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin at sasabihin ko. Para akong tuod na dahang dahang tumalikod sa kanila.
"Jillian... May problema ba?"
Problema? Punyeta mukha bang wala?! Mamamatay na ko dito sa sakit tapos sa tingin mo walang problema? Bestfriend ba talaga kita?! Bakit hindi mo maramdaman na NASASAKTAN AKO? Bakit hindi mo maramdamang HINDI KO KAYANG MAKITANG MAY IBA KA!
At bakit hindi mo maramdamang MAHAL KITA?!! BAKIT?
"A-Ah, walang problema.." Sagot ko nang nakatalikod sa kanila.....habang umiiyak.
Ang hina hina ko. Nakakainis. Lagi na lang akong nasasaktan.
"Sigurado ka ba? Gusto mo ihatid na kita? Hal--"
"H-Huwag na, k-kailangan ko na rin namang umalis...m-mauna na ko." Hindi ko na pinatapos si Chester sa sasabihin niya. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makarating na ko sa labas ng mall. Hindi ko rin alam kung bakit nakakaya ko pang magsalita at tumakbo sa sa kabila ng kalagayan ko.
Napaupo ako sa gilid.. Habang yung puso ko parang patuloy na binibiyak.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...