Chapter 27
Pageant na ngayon! Goodluck to Chester and Sophie. Alam kong sa pagkakataong to, magagawa nila kung ano man ang ikakasaya ng province namin. Alam niyo kung bakit?
Inspiration kasi nila ang isa't-isa. :)
Hay. Andito na nga pala kami sa classroom. Hindi ko nga alam kung papayagan ba kami ng prof naming manood ng pageant. Yung dalawa ata nasa gym na. Ganda siguro ni sissy ngayon noh? Tinding pagka inlab ni Bro pag nagkataon.
"Goodmorning class." Biglang pasok nung professor.
"Goodmorning Ms. Procopio." Bati din namin sa kanya.
"Ok. You may take your seat." Sabi niya.
Sinunod muna namin siya at sabay sabay na umupo bago siya muling magsalita.
"Today......
...... Is your free day."
"WOHOOOOOOO!" Sigaw ng mga estudyante sa buong classroom. Tsss. If I know, karamihan sa mga boys diyan, magcocomputer para makapagdota. Or di naman kaya, halungkatin ang mga pornography sites para makapangmanyak. Karamihan naman sa girls, magmamalling yan para makabili ng mga abubot kaeek ekan nila.
At dahil naman sa kabaitan naming barkada, syempre pupunta kami sa gym para makapanood at para suportahan si Chester at Sophie.
"So, you may now proceed to the campus gym to watch Mr. and Ms. EBU. Enjoy!" Tapos, sabay sabay kaming pumunta sa gym ng barkada.
Maya maya lang...
"Ang tagal naman magsimula!" Reklamo ni Froilan. Kanina pa kasi kami nandito, hindi pa rin nagiistart.
"Konting tiis lang brad!" Ako.
Pero, nakita naming papalapit dito si Ms. Trainiest. OMG. Nakakamiss rin pala siya. Haha.
"Iha, ikaw ba yung babaeng nasa gym nung isang araw? Yung tinawag ko para maipakita kay Sophie kung ano yung exact steps?" Natatarantang tanong niya.
"Ah. Opo. Ako nga po yon. Eh bak--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla niya kong hilahin.
Nakikita kong papunta kami sa dressing room. Anong gagawin namin dito? Wag niyong sabihing magiging P.A. ako?!
"Iha, let me explain. Sophie just called a while ago and she tell us that she would not be around. She is sick. Wala tayong muse. Kaya pwede bang ikaw na lang ang pumalit bilang muse ng freshman province? Kung tutuusin, mas magaling ka pa nga sa kanya eh." Hinihingal na sabi niya. Kakatakbo lang kasi namin.
Pero...
Yung pinapagawa niya. :(
Ayoko. Hindi ko kaya.
Alam niyo namang sa simula pa lang mahiyain na ako.
Hindi ko kayang humarap sa maraming tao. Tapos ang malala pa, wala man lang akong napratice kahit katiting.
"Sorry. Hindi ko po ka---"
"Please? Hindi lang ako at ang buong province ang mapapahiya. Pati rin si Chester mapapahiya. Alam kong mahalaga siya sayo, kaya kahit para sa kanya na lang, kahit sa kanya na lang." Sabi niya.
Sa narinig kong yon, alam kong sa sarili kong, hindi na ako nagdalawang isip pa.
Chester,
Ikaw na naman ang dahilan.
Ikaw na naman ang dahilan kung bakit hindi na naman ako makakatanggi.
Hayy. Patawarin sana ako ng pagiging mahiyain ko.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...