~TEAF Chapter 26~

162 3 0
                                    

Chapter 26

Andito na ako ngayon sa bahay. Sa kwarto ko. Hinatid ako ni Gabriel. Sabi ko nga dito muna siya pero ayaw niya naman. Mas gugustuhin na lang daw niyang makapagpahinga ako ng maayos kaysa makaabala pa siya. Hayy. Ang bait talaga nung taong yun.

"Hoy bruha! Ano yang emoterang peg mo ngayon?" Biglang pasok ni mama. Nakalimutan ko na rin palang magkwento sa kanya. Hahaha. Buti na lang may pagkaulyanin na to.

"Wala ma." Tipid kong sagot.

"Sus! Maniwala! Sige na, sabihin na kay mama." Pangungulit niya na para akong 1-year old na bata.

"Ma, hindi na ako bata." Ako.

"Eh hindi ka naman pala bata eh. Sabihin mo na lang!" Mama.

"Ano konek?"

"Wireless." -_-

"Ma! Tutulog na nga lang ako." Sabi ko at humiga na ng tuluyan sa aking kama.

Tapos ayun, umalis na siya. Tsk. Ang kulit talaga ng nanay ko.

Kinabukasan...

Andito na ako ngayon sa room. Halos puno na din ng estudyante yung kwarto. Yung professor na lang ang iniintay namin.

"Uy! Jilliang mataba!" -_____-

"Chester, tigilan mo muna ko!" Saway ko sa kanya.

"Bakit? Ano problema? Nananaba ka na naman noh? HAHAHA!" Pagkasabi niya nun ay siyang pagbalibag ko naman sa kanya ng notebook na nakalagay sa desk ko. Pasalamat siya hindi book yung naihagis ko. Ang kapal pa naman ng mga libro namin.

"Aray!" Tss. Paawa effect pa.

"Bat ba ang sungit mo ngayon?" Tanong niya habang nakahawak siya dun sa parte ng ulo niya na tinamaan ko. Nakaramdam naman ako ng konting guilt. Konti lang naman.

"Hindi ba obvious? Kase nakita na naman kita!" Pagtataray ko.

Bigla naman siyang lumapit sa akin at umupo dun sa katabing desk ko. Kanina kasi, nakaupo siya dun sa desk na may isang pagitan sa akin.

"Psst. Ano bang problema?" Seryosong tanong niya. Hindi ko na rin nararamdamang nang aasar pa to.

"Wala Chester. Hayaan mo nalang muna ako." Pagkasabi ko nun, eksakto namang dumating yung professor namin.

"Goodmorning class. Today is just a shorten period because of the preparation for tomorrow's school activity. You can enjoy the rest of the day. But the contestants, please proceed to the gym for your general practice. Thank you." Sabi ng prof. Agad namang sumunod si Chester at Sophie at lumabas ng klase para magtungo sa campus gym.

"And our lesson for today is all about... *bla* *bla* *bla*"

*RIIINNNNNGGGGGG*

"Bes, usap tayo." Agad na salubong ni Chen sa akin.

Mabuti rin siguro to. Gulong gulo kasi ako kung ano ba yung dapat kong gawin.

"Sige."

Tapos ay pinauna na niya yung barkadang umuwi para makausap kami ng pribado ni Chen.

@Tambayan

"Now, spill." Mabilis niyang tugon pagkaupong pagkaupo namin sa aming tambayan.

*Hingang malalim*

"About Gabriel.." Panimula ko.

"H-He loves me." Sabi ko pero hindi ko inaasahang ganun lang ang magiging reaksyon niya. Walang ekspresyon eh. Walang wala talaga. Normal lang.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon