Chapter 51
"Ano ba naman kasi, oh. Humiga ka na dyan."
"Chester!? Bakit mo to pinapakialaman!?" Sabay hablot nung phone nya sa akin.
"Ah anak. Lalabas muna ako." Sabi ni tita tsaka sya lumabas.
"Sumagot ka! Bakit mo to pinapakialaman!" Sigaw nya. Bakit sya pa ang naninigaw sa akin? Ako tong durog na durog na pero patuloy pa rin sya sa pagdurog sa akin.
Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa mata ko. Habang si Jillian, nagsimula ng umiyak.
"Why are you using my things without permission?! Nananadya ka ba?!" Sigaw nito habang umiiyak. Alam na nya na nabuko ko sila.
"Sumagot ka! BAKIT KA NAKIKIELAM SA MGA BAGAY NA HINDI MO NAMAN PAGMAMAYARI!? Hindi ka nagpapaalam sa akin! Gago ka ba!? Gago ka ba ha!?" This time pinapalo na nya yung dibdib ko.
Tinaboy ko siya.
"OO GAGO AKO! GAGONG GAGO AKO KASI NAGMAMAHAL AKO SA ISANG TAONG MAY MAHAL NA PALANG IBA!" Napatigil sya sa pagwawala. Pati ako napatigil din. Pinapakalma ko ang sarili ko.
"Jillian, bakit? Bakit hindi mo sinabi agad? Ang masakit pa, wala kang balak sabihin eh. Tinago mo pa sa akin. Ano bang gusto mo? Na itatago nyo sakin to habang buhay? Hahayaan ko naman kayo eh. Mahal kita Jillian. Mahal na mahal kita kaya kung ano yung makapagpapasaya sayo, ayos na ako." Nakatulala lang sya. Nagugulat sa mga sinabi ko.
"M-Mahal? Mahal mo ako?" Tanong nya.
Di ako makasagot. Alam na nya lahat. Sa tagal ng panahon na tinago ko to. Finally, nakapagtapat na ako. Pero wrong timing din, dahil ngayon pang nalaman ko na sila pala ni Gabriel.
"Oh God." Napailing na lang sya. Patuloy ang pag agos ng mga luha nya. Gusto ko syang patahanin. But, not now. Not now.
Bigla niya akong niyakap.
"Tell me, mahal mo ba talaga siya?" Tanong ko.
Nagulat ako ng bigla syang umiling. Matinding iling ang ginawa nya.
"I don't." Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin.
"Bakit mo siya sinagot?" Tanong ko.
Bigla syang natahimik.
"Kasi.. Kasi alam mong matagal nya na akong nililigawan. Marami na syang nagawa para sa akin. Siya yung karamay ko sa tuwing umiiyak ako. Pinipilit nya akong pasayahin kahit nakakahiya na yung ginagawa niya. Chester, I just gave him a chance, mali ba yun? Na kahit sandali, na kahit lokohin ko yung sarili ko, mapasaya ko lang siya at makabawi sa lahat ng kabutihang nagawa niya sakin. I tried my best na mahalin siya pero di ko magawa. You know why? Because I'm inlove with someone else...
I'm..
..I'm inlove with my bestfriend"
Silence.
I'm inlove with my bestfriend
I'm inlove with my bestfriend
I'm inlove with my bestfriend
"anong sinabi mo?" Sa totoo lng narinig ko. Rinig na rinig ko. Hanggang ngayon nga nag eecho pa rin yung sinabi niya.
"Mahal kita Chester, mahirap bang intindihin yun? Oo alam ko nakakagulat. Pero naiinis ako kasi ang manhid mong gago ka. Buong buhay ko, sayo umikot. Inaalagaan kita, pinagaaksayahan ng oras, at itinuturing kitang higit pa sa isang bestfriend, pero bakit hindi mo maramdamang nahulog na ko sayo! Na hindi na isang kaibigan ang turing ko sa manhid na katulad mo! Ang tanga mo. Ang tanga tanga mo."
Parang biniyak na ng tuluyan ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o dahil ba sa sakit. Tuwa dahil sa nalaman kong mahal rin pala ako ng minamahal ko, o sakit dahil nalaman kong napakawalang kwenta ko pala. Oo, tama siya. Ang tanga ko para hindi mahalata na nahulog na pala siya sa akin, and all this time, parehas kaming nagmukhang tanga. Parehas kaming nakulong sa isang relasyon na kahit kailan hindi naman namin kayang panindigan. Pero mas nabiyak ang puso ko dahil sa sakit na malamang hindi pa rin kami pwedeng magkatuluyan dahil kay Gabriel. Dahil hanggang ngayon, nakakulong pa rin siya sa isang relasyon na hindi naman niya gusto.
"No.. hindi. Di mo ko mahal. You're just hallucinating. Mahal na mahal ka ni Gabriel and I know you're doing the same.." Yun na lang ang nasabi ko. Hindi kami pwedeng maging masaya kung merong isang taong nasasaktan.
"P-pero sabi mo mahal mo ko? Bakit parang hindi ka masaya?"
I took a sigh. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Jillian, listen carefully. I love you, i really really really do. Sobrang mahal kita na umabot sa puntong muntik na kitang itakas sa mundong 'to para maakalis na tayong dalawa sa gulo. Ang dami ko ng nagawa, ang dami na nating pinagdaanan, lahat na ng paghihirap pinasan ko para lang sayo. Pero hindi talaga tayo yung para sa isa't isa eh. Hindi natin pwedeng ipilit yung hindi pwede. At dumating na yung time, para i-let go kita. Alam ko pagod ka na din. Wala tayong relasyon, pero tinatapos ko na lahat. Mahal ka ni Gabriel, at alam ko mas mamahalin mo pa sya ng higit sa pagmamahal mo sakin.. Masakit mang sabihin, pero iiwan na kita. Lalayo na ako. Ingatan mo sarili mo ha. Ayokong makagulo..."
Alam ko naiintindihan pa ako ni Jillian, kahit na iyak sya ng iyak, alam ko pumapasok lahat ng sinasabi ko sa puso't isip nya. Mahal ko yung kaibigan ko kaya ko to ginagawa.
"Ayoko.. Hindi ko kaya Chester. Hindi ko kayang mawala ka ulit sakin. Mahal kita Chester, wag mo kong iwan.." Iyak pa rin sya ng iyak. Oo ang sama sama ko. Pinapaiyak ko na naman sya.. Nasasaktan na naman sya.
"You don't deserve me, i don't deserve your everlasting love. Palagi ka na lang nasasaktan sakin. Palagi kang umiiyak, palagi kang problemado. Pero si Gabriel, mamahalin ka nya ng totoo. Magiging masaya ka sa kanya."
Alam ko tama ang gagawin ko. Alam ko ito yung makakabuti para sa lahat.
"I love you.. and i'll always will." Ang huling salita na nasabi ko bago ko binitawan ang mga kamay nya. Bumuhos na rin ang mga luha sa mata ko, habang unti unti akong lumalakad palayo sa kanya..
"Chester!"
Sa biglaang pagtawag nya ay napalingon ako sa kanya.
Nagulat na lang ako na dinikit nya ang mga mapupulang labi nya sa labi ko. The kiss last for 15 seconds. She hugged me afterwards.. A very very meaningful and tight hug
Probably.. our last kiss.. our last hug..
..and our last moment of being together.
Mahal na mahal kita Jillian.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Novela JuvenilMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...