Chapter 25
"Ah.. eh.. Gabriel, s-san tayo pupunta?" Kinakabahan ako. Iniba niya kasi yung direksyon papunta sa bahay namin.
"Diyan lang sa bagong bukas na park. Hindi pa kasi tayo masyadong close. So starting today, I wanna make sure na magiging close friends na tayo." Siya.
"Baka nga more than pa dun eh." Dugtong niya.
Pinandilatan ko naman siya ng mata. Loko eh.
"Joke." Sabi niya ng nakasmile.
"Oh, tara na! Andito na tayo!" Sabi niya at inalalayan nakong bumaba.
Nilibot ko ang paningin ko dito sa bagong bukas na park.
Ohmygollywow! Apakaganda!
"Uhm. Baka naman pwedeng isara mo yang bibig mo. Nangangamoy eh." Sabi ni Gabriel sabay takip ng ilong.
"Yabang mo naman. Mas mala kaya yung amoy nung iyo. Mapanghi." Parehas kaming napatawa sa kabangagan naming dalawa.
"Kahit kailan ka talaga. Napaka..." Siya.
"Napaka ano?" Ako.
"Napaka ganda."
Tch.
"Napakahonest mo talagang tao." Sabi ko dahilan para mapangiti ko siya. Yiee. Ka gwapo. Pero mas gwapo pa diyan si ano. :D
"Lika na nga." Sabi niya sabay hilahod sakin. Este hila lang pala.
Nag ikot ikot kami at... Di mo aakalaing tao ang gumawa neto! Grabe! Pinakamaganda sa lahat ng maganda.
"Ang ganda naman dito! Sino kaya may ari neto? Tsk. Swerte niya." Ako.
Napangiti muna siya bago magsalita.
"I own this park."
O__O
Is he serious?
Gahhdddd!
Amazingggggg. *.*
"Are you serious?" Ako.
"Yup." Mahinahong sagot niya.
Nakakamangha naman tong taong to.
"Bakit di mo agad sinabi dati na nagpapagawa ka pala ng park?" Tanong ko.
"I just want to surprise you." Siya.
Huh? Anudaw? Bakit kaya? O.o
"Bakit naman?" Ako.
"Halika, samahan mo ko. Para mas maintindihan mo kung ano ang nangyayari." Sabi niya sabay hatak sakin. Hilig netong manghatak ah?!
Dinala niya ko sa isang...
"Treehouse?!" Sigaw ko sa pagkagulat.
Shetmaxx! Ang presko at ang ganda! *o*
"Oo. Ngayon ka lang ba nakakita ng treehouse?" Pang aasar niya.
"Baliw! Ngayon lang ako nakakita ng ganto kagandang treehouse!" Ako.
"So, ano pala yung ipapakita mo sakin?" Dugtong ko.
"Halika." Tapos pinapunta niya ako doon sa kwarto ng...
Tekaaa!
Bakit may kwarto ako dito?! Puro kasi mga pictures ko ang nandun. Yung iba paintings.. etc..
Magsasalita na sana ako pero anakngteteng, naunahan pa ko.
"Alam kong nagtataka ka. Pero tingnan mo muna to." Sabay abot ng isang scrapbook sakin.
Pinagmasdan ko muna ng mabuti yung scrapbook bago ko buksan... Nakalagay dun sa pinakalabas yung picture ko.
Binuklat ko yung unang page. Actually, second na yun. Kasi yung una, puro ka echosan lang.
Tae! Di ko alam na may nagpipicture sakin sa mga oras nato! Yun lang naman yung sinusulpak ko yung isang buong burger. Imagine?!?! Huhubells! Nakakahiya po! T_T
I turn it on the next page.. Uwahhh! Yung yung picture ko nung JS prom nung 4th year highschool ako! Stolen tong pagkakapicture eh! Pero maganda naman! Bwahahaha.
Nexxtt.. Eh? Yung intrams to eh! Yung pinilit nila akong sumali sa Ms. Intrams kahit ayoko. Yung picture nato yung kinokoronahan ako bilang Ms. Intrams. Huehue. Ganda ng lola niyo. :P
Ayun, binuklat ko ng binuklat. Hahaha! Puro kasi stolen yung picture eh. Pero iba iba naman. May tumatawa. May dumadaldal. May nakangiti. May lumalamon. Basta iba iba. Hanggang sa nakarating nako sa second to the last page..
Picture naming dalawa ni Gabriel.
(A/N : Picture at the sideee -->)
And there's a letter under it.
'Hi Jillian! Nakita mo na siguro lahat nung pictures noh? Sorry Ang ganda mo kasi sa lahat ng anggulo, kaya di ko mapigilan yung sarili kong kuhanan ka. Alam kong hindi tayo ganun ka-close pero sana bigyan mo ko ng chance para maging close tayo. Kung babasahin mo to, wala nako. De Joke lang. Kung babasahin mo to, eto na yung tamang panahon para malaman mo na ang matagal kong sikreto...
... Sikretong pagtingin sayo."
Dugs. Dugs. Dugs.
Ever in my life.. I didn't expect this.
Binuklat ko na yung pinakalast part nung scrapbook.
'I Love You Jillian. Forever And Always.'
BAM!
Bakit ako pa? Sa dinami dami ng babae...
Bakit ako pa?!
Ayoko kasing masaktan ko siya.
Alam na alam ko sa sarili kong hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sakin..
Hindi ko kaya. Kasi may mahal akong iba.
"B-Bakit ako pa?" Nanginginig kong tugon.
"Kase ikaw ang napili ng puso ko." Sabay turo sa left chest niya.
"P-Pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo." Sabi ko.
"Alam ko." Simple niyang sagot.
Naguguluhan ako! Bat ang dami niyang alam?!
"Bakit mo alam?" Ako.
"Dahil alam ko...
... Alam kong si Chester ang mahal mo."
O_O
How did he know?!
Ugh. I really hate myself.
"Sorry Gabriel. Hindi ko intensyong saktan ka. Pero may piniling iba ang puso ko." Sabi ko na may halong guilt.
"I understand. Matagal na kitang naiintindihan. Hindi mo kasalanang magmahal ng iba." Nakayukong sabi niya. Parang may konting dissapointment.
"Sorry talaga." Sabi ko rin ng nakayuko.
"Shhh. Hindi mo naman kailangang mag sorry eh. Pero pag handa nang umibig ng iba yang puso mo, wag ka ng humanap ng iba. Nakabukas ang puso ko para salubungin ang puso mo." Sabi niya na halata sa tono ng boses niya ang pagkadismaya.
Ngumiti na lang ako.
Sana maging fair lahat ng bagay..
Sana pag may nagmahal sayo...
Yun na lang din yung mamahalin ng puso mo.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...