~TEAF Chapter 29~

158 3 1
                                    

Chapter 29

Nasa kotse na kami ngayon at kasalukuyang nasa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan.

Nuxx. Lalim! :D

Maya maya ay naramdaman kong napatingin siya sa akin. nilingon ko naman.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Safe namang tumingin siya sakin kasi hindi umaandar yung kotse. Traffic eh.

"Ang ganda mo."

>////////////<

"Tsss." Sabay balik ng tingin ko dun sa bintana. Pakipot lang kahit sobrang init na ng cheeks ko.

"Joke lang." With a smirk on his face.

"Nice joke!" Sagot ko na may kasamang pagka dissapoint. Hahaha.

"Jillian?" 

"Hmmm?"

"Thank you ah."

Huh?

"Para saan?" Nakakagulat naman tong isang to. Magpapasalamat nang wala namang dahilan.

"Dahil ikaw ang dahilan kung bakit tayo nanalo." Ang tinutukoy niya siguro, yung sa Q&A. 

"Hindi lang ako ang dahilan ng pagkapanalo natin. Nagtulungan tayo para sa title na yun. Dahil na rin siguro sa determinasyon nating manalo sa kompetisyong iyon. Wag kang magpasalamat sakin. Magpasalamat ka sa sarili mo." Bipolar namin noh? Kanina lang magkaaway kami tapos ngayon ang bait na namin sa isa't isa.

"Pero kung hindi mo siguro ako tiningnan ng ganun, pahiya ngayon ang freshman. Basta, wala ng angal, thank you Jillian." Sabi niya ng nakangiti. 

"Ok, fine." Defeated na sabi ko sa kanya.

Maya maya lang ay nakarating na rin kami sa mall. Dumiretso na kami sa restaurant na aming napag usapan.. Pero nagulat na lang ako ng...

"We've been waiting here for 23 minutes and 39.81 seconds ago. Makatarungan ba yun?" Sabi ni Froilan na halatang nagtitimawa na naman.

"And then?" Pang-aasar ko. Kung makaasta naman kasi, parang siya magbabayad nung mga kakainin niya. Pwe!

Sandali naman siyang napatahimik na sign na napahiya siya. Buntong hininga na lang ang naisagot niya sakin at bumalik sa kanyang kinauupuan.

Tahimik akong napatawa sa pagkakapahiya niya. Pumunta ako sa counter pero di ko alam na sumunod pala sa akin si Chester.

"Oh? Ikaw na lang ba manlilibre?" Pang aasar ko.

"Wag kang assuming Jillian. Tutulungan lang kita magbuhat." Siya.

"Anong silbi ng mga waiter dito?" Pambabara ko.

"Edi tagabuhat! Sabi ko nga aalis na eh." Sabi niya tsaka naglakad papuntang table ng barkada.

Pagkatapos kumain...

"BUUUURRRRP!" 

"HAHAHAHAHA!"

"Busog lang yung tao. Kung makatawa naman kayo." Froilan.

"Hay nako, katakawan nga naman!" Pagpaparinig ko.

"Hoy! Wag kang manghuhusga dahil parehas lang tayong ganito!" Froilan. Sabagay tama naman siya... Ay! Hindi! Hindi! Hindi naman kaya ako ganun katakaw.

"Baka gusto mong ipaluwa ko sayo yang mga kinain mo? Baka nakakalimutan mong ako lang naman ang nagpakain sayo!" Sa ikalawang pagkakataon, napatahimik ulit siya. Hahaha. Ang sama ko ba? Ganyan talaga kaming mag asaran eh.

"Ahm guys, uwi na tayo. Sobrang pagod na kasi ako eh." Ako.

"Sige, tara na. Akin na yang bag mo." Sabi ni Chester sabay kuha ng bag ko. Ibinigay ko na lang kasi may kabigatan din naman.

"Bes, Chester, una na kayong dalawa. Gusto muna kasi naming mag-arcade bago kami umuwi. Eh hindi na namin kayo masasama kasi alam naming pagod kayo." Chen.

Arcade? Psh. Gusto ko sana kaso nanlalata na ako eh.

"Okay." Sabi ko na lang.

Nagsimula na kaming dalawa lumakad palabas ng restaurant.. Nang makalabas na kami...

Parang may naaninag akong pamilyar na pigura.

Si...

Sophie?

Siya na naman?

Tapos kasama niya ulit yung lalaking kasama niya nung una ko silang makita.

Kala ko ba may sakit siya?

Sabi ko na nga ba't hindi lang guni guni yung kahapon eh!

Pero naguguluhan pa rin ako sa mga pinagagawa niya. Ano ba talagang nangyayari?

Bigla na lang pumasok sa isip ko na kasama ko nga pala si Chester. Ang mas malala pa, nasa harap namin sila Sophie. 

Tumingin ako kay Chester. Phew! Buti na lang sa ibang direksyon siya nakatingin. May kalikutan din kasi yung mata nito.

Pero... baka makita niya pa rin! 

Papaharap na sana yung tingin niya kaso tinakpan ko yung mga mata niya gamit ang mga kamay ko.

"Uy! Ano bang ginagawa mo?!" Pagrereklamo niya habang pinipilit niyang alisin yung kamay ko.

"Ginagawa ko to.......... para hindi ka masaktan." Yun na lang yung sinabi ko at itinakbo ko na siya habang nakatakip pa rin yung kamay ko. Hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa kotse niya. Mabilis akong pumasok doon at ganun na rin naman ang ginawa niya. Inistart na niya yung engine at nagsimulang magdrive.

"Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun?" Hayy Chester. Nagtatanga-tangahan na ako sayo pero hindi mo pa rin magets yung mga ginagawa ko.

"Huh? Alin?" Pagmamaang-maangan ko.

"Hay nako! Ikaw talaga!" Then he smiled before pinching my nose.

Napangiti na lang din ako.

Hanggang sa makauwi na kami. Tapos paalaman eklabu eklabu. Di naman masyadong sweet. Hahaha.

"Ano? Talo freshman noh? Tsk. Di na ko magtataka." Bungad sakin ni mama. Oo, alam ni mama na ako na yung naging muse. Tinext ko kasi siya bago magsimula ang pageant na ako yung napili kasi wala si Sophe.

"Ma, pag nanalo ko, hindi kita ililibre ha! Bahala ka!" Halata namang nagulat siya sa sinabi ko.

"Nagjojoke lang naman ako anak. Alam mo namang hindi ako tumatanggi sa grasya! Ano? Panalo kayo noh? Sabi ko na nga ba eh!" Pang-uuto niya sakin.

"Ha-ha-ha. You're so funny motherskie. Yep! Nanalo kami! Masyado mo naman kasing inuunderestimate yung kagandahan ng anak mo!" Eh kasi naman, kahit kailan di pa ako sinasabihang maganda ng nanay ko unlike sa normal na magnanay na sinasabing maganda yung anak nila.

"Ok fine. Maganda ka na. Ano? Magkano balato natin diyan?" Sabay silip dun sa hawak kong bag.

"Ma, hindi pwede! Para sa province namin to! At yung para sa amin talaga ni Chester eh nagastos na namin. Nagpretend pa nga akong ako yung manglilibre eh! Hahaha. Uto uto talaga yun." Galing ko noh? Naisahan ko sila. Lalo na si Chester. Hahaha. You're so brilliant Jillian! Bravoooo!

"Nako nak! Binabawi ko na yung maganda ka. Matulog ka na nga. Tss. Istorbo, wala naman palang balato." Sabi niya sabay walkout.

Luh? Nanay ko ba talaga yun?

Hmp. Makatulog na nga. :)

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon