Chapter 50
Still Chester's POV
*Next morning
*Alarm clock rings*
6:00 am palang nag alarm na ako para di ako malate sa pagdalaw kay Jillian. Kagabi kasi, gusto ko sanang bantayan na lang siya dahil mag aalala lang din ako pag nasa bahay ako. Kaso di siya pumayag, ayaw daw niya na wala akong tulog nang dahil sa pagbabantay sa kanya kaya pinauwi nlang niya ako. Eh ang problema di rin naman ako nakatulog ng maayos nang dahil sa kaiisip sa kanya.
"Oh anak, Ang aga pa ah? Didiretso ka na ba sa ospital?" Alam na din ni mama ang nangyari kay Jillian, at.. Alam nya din na si dad ang may pakana.
Pero dahil kontrolado sya ng ama ko, tinakot nya ito na makikipaghiwalay sa kanya sa oras na hadlangan niya ang plano nito. Ayun, dahil mahal na mahal nya si dad, nanahimik na lang siya. Naiintindihan ko si mama, mahal din naman niya si Jillian at itinuturing niya itong anak pero mas mahal niya si papa. Kaya wala akong galit sa ina ko. Ganyan naman talaga ang nagagawa ng pag ibig.
"Yes ma. Gusto nyong sumama?" Tanong ko sabay higop ng kape at isang kagat sa tinapay. Nagmamadali ako kaya ito na lng breakfast ko. Kailangan bago magising ang prinsesa ko, nandun na ang prinsipe nya.
"I really wanted to, pero pinagbawalan ako ng papa mo na umalis muna dahil nagpapasama siya sa akin sa isang importanteng meeting. Cmon son, just give her a kiss for me. Sabihin mo magpagaling siya agad dahil miss na miss ko na siya. Okay son? Bye, i love you!"
"Makakarating po. bye ma, i love you too!" Sabay alis na ng bahay at nagdrive papuntang ospital.
Pipihitin ko pa lang sana ang doorknob ng pinto, nakarinig na ko ng ingay. Sandali akong napaisip.
At napangiti.
Nang buksan ko nag pinto, hindi na ako nagulat.
Nandito ang buong barkada.
"Guys!" Di ako makapaniwala. Na mabubuo ulit kami. Nung mga nakaraang buwan kasi, parang nagkanya kanya na kami ng buhay. Busy sa iba't ibang bagay at wala ng time sa isa't isa. Pero heto ngayon..
"Chester!" Niyakap nila akong lahat. Except kay Jillian na nakahiga at nakatitig lang sa amin. Di naman siya makakatayo eh. Hahahaha.
"Uyyyyy. Namiss ko kayo! Kamusta na ba? Baka nagsipag asawa na kayo ah?" Biro ko. Nagtawanan kaming lahat. Almost 4-5 months kaming di nagkita kita. Alam mo yung sabik na sabik kang makita ang mga kaibigan mo?
"Uy guys. Sali naman ako dyan!" Sabat ni Jillian. Hanggang ngayon kasi nakagroup hug pa kami.
"Hindi pwede mabaho dito!" Ani ni Chen. Huwaw. Talaga nga naman. Nagbabalik ang lahat.
Katulad ng dati, nagsamaan na naman sila ng tingin. Oh God, how I missed this.
"Tss. Halika na nga, group hug!!!" Sabi ni Gabriel. Group hug pa daw. Eh siya na nga tong unang yumakap kay Jillian. Uupakan ko to eh pigilan niyo ko!
"Para paraan bes?" Trixie.
"Tss. Tara na. 1. 2. 3. Group hug!" Pag iiba ko ng topic.
"Group hug!!" Ani naming lahat.
Sobrang namiss ko tong mga unggo na to.
"Ok guys. It's time." Sabbie.
"Para ano?" Kami.
"Para magbahagi ang isa isa sa atin kung ano na ba ang nangyari sa mga buhay natin. Walang kj. Sasabihin natin lahat. Halos magkakapatid na tyo so dapat alam natin ang lahat ng nangyayari sa isa't isa." Ani niya.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...