~TEAF Chapter 42~

83 1 0
                                    

Chapter 42

Nandito ako ngayon sa kitchen. Umaga na. Ay hindi. Tanghali na pala. Nagluluto na ako ng breakfast pero yung barkada tulog pa din. Medyo tanghali na rin akong nagising.

"Goodmorning!" Nagulat ako ng may biglang nagback hug sakin at inaamoy amoy pa yung leeg ko.

Punyeta kilala ko na kung sino to.

"Chester, nagluluto ako oh. Wag ka ngang makulit." Tsaka ko inalis yung mga bisig niyang nakayakap sa bewang ko.

"Sungit mo naman. Naglalambing lang eh. Pakiss na lang."

Tssssss. Parang sabog to eh.

Yung nangyari nga pala kagabi, i mean kaning madaling araw... Oo. Pinagalitan at sinermonan niya ako. Hindi ako umangal kasi baka mag away kami.

"Kung makapangulit ka, parang walang nangyari ah." Ako.

"Eh ikaw naman kasi, puro ka Gabriel. Nakakalimutan mo na nga ako eh." Nagtatampong sabi nito.

Napalingon tuloy ako sa kanya. Bigla siyang tumamlay.

"Chester... Ano bang nangyayari sayo? Bat ka ba gumaganyan?"

"Gusto ko kasi ako lang ang mahal mo."

"Hoy! Anong mahal mahal ka diyan?"

"Syempre... bilang kaibigan! Hays. Payakap na nga lang."

Hindi pa man ako pumapayag, hinapit na niya ako at niyakap. Yung yakap na yun, punong puno ng emosyon. Niyakap ko din siya pabalik dahil ramdam kong kailangan niya to.

Walang nagsasalita sa amin. Damang dama ang bawat tibok ng puso at ang halo halong emosyon ng isa't isa.

"ANO TOO?" Napahiwalay kami ni Chester sa isa't isa ng tumambad sa amin ang barkada.

"Hoyyy, umamin nga kayong dalawa.. Kayo na ba?" Chen.

O_O

"Hin---"

Tinakpan ni Chester yung bunganga ko dahilan para hindi ko matuloy yung sasabihin ko.

"Bakit? Pake mo?" Siya.

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ako ng barkada na gulat na gulat din. Umiling iling ako dahil hindi pa rin binibitawan ni Chester yung bibig ko.

Till Eternity And ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon