(A/N : Sophiee :)) ---->)
***************************************
Chapter 8
"GOODMORNING! Rise and shine! :))" Sigaw ko sa kawalan with matching unat unat pa.
Nakatanggap naman ako ng batok mula sa aking pinakamamahal na ina.
"Salamat sa bungad na pambatok ma! Dabest ka talaga!" Sarcastic kong sabi.
"Welcome sa mabaho kong anak! Bumangon ka na't baka gabihin pa kayo sa biyahe! Ikaw pa naman tong usad pagong!" Mama.
"Edi magreready na! Tss." Ako.
Pagkatapos kong magbihs, lumabas na ko. At nakita ko na sa baba ang barkada.
"Bes, bilis naman! Tagal tagal mo eh!" Chen.
"Pucha! Eto na nga oh!" Ako.
"Ah... Bro.... Andito na siya.. Si Sophie.." Tapos biglang may lumabas na babae mula sa kanyang likuran.
O________________________________________O
I can't believe that this is happening!
I-Is this for real?
OH MY GOSH.
My long lost bestfriend is here.... Infront of me..
Finally!!!
"Sissy!!!!!!" Sigaw ko.
Di talaga ako makapaniwala.
"Sissy!!!!!!! O my God!!!!!" Sigaw din niya.
Yumakap ako sa kanya.
Ganun din ang ginawa niya.
After 5 seconds naghiwalay na rin kami.
So, siya pala... Siya pala si.... Sophie Reign Manalastas..
"Teka, Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Chester.
"Oo, it's a long story. Pero siya yung bestfriend ko bago ikaw." Ako.
"Really? What a small world!" Chester.
"Oo nga eh! Namiss ko tong si sissy!" Sophie.
"Aw. Miss you too!" Drama ko. Hahaha.
"Oh sige, halika na't gagabihin pa tayo. Tara! Tara!" Troy.
Then, sumakay na kami sa van. Eto seating arrangement...
[Driver] [Gabriel]
[Chester] [Sophie] [Ako]
[Troy] [Sabbie] [Chen]
[Froilan] [Trixie]
[Bags] [Bags] Bags]
At kasalukuyan namang naghaharutan yung mga katabi ko. Magpapakatotoo nako. Alam kong selos ang nararamdaman ko ngayon. Pero ano ba ko para magselos diba? Sinubukan ko na lang tumahimik at sinaksak yung earphone ko sa tenga ko. Tapos nilagay ko yun sa pinakamalakas na volume.
"Jillian! Leche naman yang soundtrip mo! Aba'y naka earphone ka pa niyan ha!" Chester. Nilingon ko siya.
"Pake mo ba?! Gusto mong isaksak ko tong earphone ko sa ngala ngala mo?!" Pagsusungit ko.
"Oy, sissy. Kalma teh. Sayang beauty if ever, bahala ka." Sophie.
"Wala namang masasayang kung walang beauty!" Chester.
Nagbigay ako sa kanya ng napakatalim na death glare.
"Bro! Alam mo naman na palabiro akong tao diba?" Tss.
Tinanggal ko na yung masamang pagkakatitig ko sa kanya. Ang sakit sa mata eh.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa lugar kung saan naroroon ang private plane chorva whatever netong sila Chester.
Tapos, sumakay na kami sa plane...
Pero, iba na yung seating arrangement. Dalawahan lang eh. Syempre, ano pa ba aasahan niyo? Magkakatabi yung mga lovebirds. At ako? Well, dahil wala akong lovelife, si bes yung katabi ko. Si Gabriel naman, may katabing di ko kilala. Hahaha. Joke. Yun yung nag aasikaso sa amin. Parang private stewardess namin kumbaga.
"Bestiiiiieee!" Chen. Sabay kalabit sakin.
"Oh?" Ako.
Tapos, nginuso niya si Sophie na hinahalikan sa pisngi si Chester. Kitang kita sa mga mata nila yung tuwa.
"Bes, para kang tanga! Wag ka nga umiyak!"
Nagulat ako.Umiiyak na pala ako. Yung puso ko, napakakirot.
"Mahal mo siya."
"Hindi pwede bes." Ako.
"Bakit naman?" Siya.
"Alam at ramdam kong may gusto rin si Sophie kay Chester. Ayokong masaktan ko yung itinuturing kong kapatid dati. Nagmamahalan sila. Hayaan na natin. Mas gusto kong ako na yung masaktan kaysa sa dalawang taong napakaimportante sa akin." Ako. Sabay punas sa mga luhang rumaragasa sa pisngi ko.
Kaya, bago pa man lumala lahat, ititigil ko na to..
Pero...
Pero siguro nga...
Siguro nga mahal ko na siya.
BINABASA MO ANG
Till Eternity And Forever
Teen FictionMeet Jillian Chrizxia Yonaza. Simple, humble, kind, thoughtful. Siya ang babaeng nagpakatanga para sa pag-ibig. Pag-ibig na kailanman hindi niya inaasahang darating. And worst, she accidentally fall inlove to the one and only Chester Nathaniel Fonta...