Chapter 9

3.1K 72 4
                                    



"If someone loves you, you'll know it. If someone appreciates you, they'll show it. Relax, and let their actions show their true intentions."

"Finally, we're here."

"Tara na guys."

"Baby, nandito na tayo." Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang mga boses nila. Minulat ko ang mga mata ko at napansin ko mula sa car window na nasa isang private resort na kami.

"Wow, sinong may ari niyan?" I asked habang inaayos ang sarili ko. Kaming dalawa na lang ni Finn ang natira sa loob ng kotse dahil nauna na ang tatlo sa resort.

"Si Ry, one of my classmates in high school. Pag mamay-ari ng family nila."

"Ah okay." Sobrang yaman naman nila.

"Let's go." He held my hand saka niya ko inalalayan na bumaba. Pinasok namin ang loob ng resort at namangha ako sa mga nakita ko. Bukod sa malalaking bahay, meron silang dalawang swimming pool at mga maliliit na kubo sa may garden side. Sobrang ganda ng view at decorations sa bawat sulok ng lugar. The ambiance is perfectly good and I can say that this is the perfect place to relax.

"Uy pare! Long time no see." Sinalubong kami agad ng dalawang lalaki matapos kaming makapasok sa mismong resort house.

"Oy bro. Kamusta?" Nakangiting bati ni Finn matapos niyang makipag-bro fist sa dalawang kaibigan.

"Eto gwapo pa din. Pakilala mo naman kami dyan sa kasama mo." Nakangising sabi ng isa sa kanila.

"Wag kang lumandi dyan Ry. Girl friend ko to, si Corinne." Seryosong sabi ni Finn matapos akong akbayan. So siya pala yung Ry na may ari nitong resort.

"Di ka na mabiro pare. Hi Corinne. Ry nga pala." He introduced himself saka siya nakipagkamay sakin.

"Hello. Nice to meet you.." Nahihiya kong sagot.

"And I'm George." Sambit ng isa at nakipagkamay din.

"Tama na yan. Doon tayo." Biglang singit ni Finn at sabay na tumawa ang dalawa.

"Ang clingy mo pare. Di ka naman aagawan."

"Baka abangan mo na kami niyan mamaya ah? Chill."

"Ulul." Pabirong sagot ni Finn. Itong mga lalaking to, hindi talaga pwedeng mag usap ng walang kasamang mura eh.

"Hello guysssss! Nandito na pala kayo." Napalingon kami sa apat na babaeng dumating. Napansin ko na unti unti nang dumadami ang tao sa paligid at medyo nakakaramdam na ko ng awkwardness. Puro bagong mukha ang nakikita ko at wala pa kong masyadong close sa kanila.

"Relax lang baby. I'm here." I heard him whispered at me kaya nabuhayan na naman ang diwa ko. Sobrang lakas lang talaga ng pakiramdam ni Finn pagdating sa mga nakaka-tense na sitwasyon. He can easily notice what I'm feeling inside.

"Hello girls. Girlfriend ko nga pala, si Corinne." Panimula ni Finn.

"Oh really?? Hello Corinne. I'm Mia." I just nodded at her and she smiled.

"I'm Louise."

"Ariana."

"Bea." Sunud sunod ang pagpapakilala nila at isa-isa silang bumeso sakin. Medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil sobrang approachable ng dating nila. Feel na feel ko ang pag-welcome nila sakin kahit hindi naman ako dapat nakasama dito.

"Kami ba walang kiss?" Biglang singit ni George at nagtawanan kaming lahat.

"Sapak, gusto mo?" Pagbibiro ni Mia.

"Aw Mia babe. Ganyan ka na sakin ah?"

"Mamaya na yang landi George. Dun na tayo." Naiinis na sambit ni Ariana habang nagsisimulang maglakad. Sinundan lang namin siya hanggang sa makarating kaming lahat sa living room kung saan nandoon ang iba pang bisita. Almost maximum of 20 persons ang naroroon at karamihan sa iba ay may kanya kanyang agenda. Merong kumakain, nagsisimulang mag-inuman, nagpi-picturean, at nagkukwentuhan. Ipinakilala din ako ni Finn sa iba pa niyang mga kaibigan. Sobrang nag eenjoy na din ako pero hindi ko maiwasan na mabwiset dahil madalas pa din akong mapagkamalang si Ayumi. Medyo nasanay na din naman ako sa ganung sitwasyon kaya hindi na ko umaangal pa.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon