"Madalas nangyayari ang magagandang bagay kung kailang hindi natin ito inaasahan."
"Best ah, kitakits na lang after break."
"Adik ka talaga. Iiwan mo na naman ako.."
"Nakakahiya naman kay Finn no. Tyaka kasama ko si Harvey. Inaantay niya na ko sa baba."
"Osya, sige." Bumaba na si Pam para puntahan si Harvey dahil sabay daw silang maglunch. Tapos na ang class namin sa Management at kasama ko ngayon si Finn. 11 am pa lang at may 2 hours pa daw siya para samahan ako. After nun ay start na ng klase niya.
"Tara baby."
"San tayo?"
"Kakain sa labas."
"Okay.." Ang weird pero parang nasanay na ko sa asta ni Finn. Hindi na din ako umaangal everytime na tatawagin niya kong baby.
"San mo gusto?"
"Kahit saan."
"Sige." Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ng campus para maghanap ng makakainan.
"Wait, yung kamay ko.. PDA ka naman eh!"
"Masanay ka na baby. Pag naging girlfriend na kita, hindi lang kamay hahawakan ko sayo." He said and I gave him a deathly stare.
"Anong sabi mo?!!!"
"Hahahaha. Joke lang baby ko. Good boy to." Ito na naman siya sa mga green jokes niya. I just rolled my eyes at tahimik na sumunod sa kanya. Pasalamat siya at good mood ako ngayon dahil mataas ang exam ko, kundi binalian ko na siya ng braso!
"Order lang ako baby. Wait mo ko dyan." Pumasok kami sa Wendy's Zone na katabi ng campus. Isa siyang bagong restaurant na madalas kainan ng mga estudyante samin.
"Finn oh."
"Para san to?" Pagtataka niya ng iabot ko sa kanya ang 100 pesos.
"Bayad sa order ko."
"Ano ba baby? Treat na kita."
"Ayoko. Dali kunin mo n--"
"Gusto mo talagang iuwi kita sa bahay?"
"Sabi ko nga." Ito na naman si Finn. Every time na magbabayad ako ng kakainin ko, bigla siyang babanat ng nakakaloko.
"Upo ka na dun."
"Okay." Hindi na ko naimik pa at dumiretso na ko sa kabilang table para umupo.
"Diba yan yung girl na nililigawan ni Finn?"
"Oo yan nga. Di naman maganda eh, maputi lang."
"How come na nagkakilala sila? Wow ah." Suddenly nakarinig ako ng bulungan ng dalawang babae malapit sa left side ko. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero naisip ko na lang na manahimik.
"Ang alam ko yan yung girl na nanuntok kay Finn eh. Naalala mo nung nagkapasa siya?"
"Ay oo siya nga! Paraparaan lang talaga eno?"
"Nag sit-in pa nga daw si Finn sa class niyan eh."
"Seriously?!"
"Makapag cr nga."I mumbled as I stand up para umiwas sa napakawalang kwentang chismisan sa paligid ko. Tumaas na ang BP ko dahil sa kanila at ayokong makagawa ng krimen ng di oras..
"Ooooppppsss. Sorryyyy!"
"..." Ikinabigla ko nang salubungin ako ng isang babae at itinapon sa dibdib ko ang spaghetti na hawak niya.. Naramdaman ko yun. Alam kong sinadya niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.