THIRD PERSON'S POV:Hindi alam ni Finn kung ano ang dapat niyang gawin ngayong wala nang malay ang babaeng pinagsamantalahan niya. Sinubukan niyang tapikin ang pisngi at braso nito pero hindi pa din siya nagigising.
"Please, wake up." Naibulong niya sa kanyang sarili hanggang sa naisipan niyang gawan ito ng cardiopulmonary resuscitation. He placed her in a lying position and he started to make a chest compression. Tinapat ni Finn ang dalawang kamay niya sa gitna ng dibdib ni Corinne para i-pump ito ng tuluy-tuloy. Nakailang beses siya sa paggawa nito pero tila wala pa din siyang malay.
The next step that he did was to tilt her head back and lift the chin. He pinched her nose as he covered her mouth to blow it. Binigyan niya si Corinne ng hangin at hinayaan itong dumaloy papasok sa baga niya hanggang sa tuluyan itong bumalik sa pagkamalay.
"Uhg--" Sunud-sunod ang pag-ubo niya nang magising siya. Kumuha si Finn ng kumot para takpan ang buong katawan ni Corinne. Tinulungan niyang makabangon ang dalaga saka niya ito niyakap ng mahigpit. Sobrang nag-alala din siya na baka hindi na ito magising ng tuluyan.
"Pakawalan mo na ko Finn.. Please lang, maawa ka sakin.. Itigil mo na to.. Ayoko na.. Tama na.." Naramdaman na lang ng binata ang biglaang pagbuhos ng luha ni Corinne. Pilit nitong kumakawala sa pagkakayakap niya dahil inakala niyang patuloy pa din si Finn sa pagsasamantala sa kanya. Natatakot na siya na tuluyan nang mawala sa kanya ang pinaka-iingatan niyang bagay, ang pagkababae niya.
"Tama na Finn.. Itigi mo na to.." She couldn't stop herself from sobbing because she was hurt physically and emotionally. Nasasaktan pa din siya sa tuwing maaalala niya ang karahasang nangyari kanina. Iniisip na lang niya kung ano ang maaaring mangyari sa oras na malaman ni Allen ang pananamantala ni Finn.
Siguradong malaking gulo ang aabutin nito.
"I won't hurt you anymore baby.. I'm sorry.." Malungkot na sambit ng binata. Sa mga oras na yun ay parang natauhan at kusang nabalik sa katinuan si Finn. Hindi niya din lubos maisip kung bakit niya nagawa ang bagay na yun kay Corinne. Alam niyang sinadya niya ito, pero hindi niya ginusto ang nangyari.
Napakagulo.
Napakadaming tumatakbo sa isip niya sa sandaling kayakap niya ngayon ang dalaga. Gusto niyang sabihin lahat-lahat ng tungkol sa pagbabago niya pero natatakot siyang walang kahinatnan ito. Gusto niyang ilabas lahat ng nasa loob niya pero mukhang huli na ang lahat para dito.
"Let me go!" Sa pagkakataong iyon ay nakakuha ng tamang lakas si Corinne para itulak at kumawala sa pagkakayakap ni Finn. Diring diri siya ngayon sa sarili niya. Alam niyang hindi sila natuloy sa puntong iyon pero nakatatak pa din sa kanyang isip na mayroong nangyari sa pagitan nila. Nahawakan ni Finn ang lahat lahat sa kanya dahil lang sa isang marahas na paraan.
Sa kabila ng pag-iisip niya nang ganoong bagay ay naalala niya kung paano siya nirespeto at iningatan ni Allen. Kabaligtaran siya ni Finn dahil kailanman, hindi siya nagawang galawin o pagsamantalahan ni Allen.
"Ano Finn?! Masaya ka na ba? Kuntento ka na ba sa pangbababoy mo sakin ha?!" Naiiyak na sambit ni Corinne habang nakayakap siya sa kumot na nakabalot sa buong katawan niya. Nakaupo lang siya sa kama at hindi niya alam kung paano igagalaw ang katawan. Iniisip niya na baka sa oras na kunin niya ang mga damit sa sahig ay marahas siyang pigilan ni Finn. Natatakot na siya na baka mangyari ulit ang kanina.
"Listen to me, first.."
"Wag kang lalapit!" Akmang lalapitan pa lang ng binata si Corinne pero agad itong umiwas palayo. Nangangatog ang katawan niya sa kung anong pwede pang gawin ni Finn. Nasira na din ang tiwala niya dito kaya ayaw niya ng makinig pa sa nais nitong sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.