Chapter 25

2.9K 66 11
                                    

Corinne's POV:

"Sssshh. Tahan na.. Tapos na kong magkwento, wala na yun.." He sincerely said saka niya inalis ang pagkakatakip ng kamay ko sa mata. Muli niyang kinuha ang panyo sa bulsa para punasan ang mga luha ko. I remained speechless habang nasa ganung sitwasyon kami.

"Kakasabi ko lang na ayoko ng umiiyak eh." Mahinahon sambit ni Allen habang patuloy siya sa pagpunas ng luha ko. Ramdam ko sa mga mata niya ang bakas ng pag-aalala.

"Ang ganda ganda mo tapos iyakin ka." Pagbibiro niya sabay iling..
Agad ko naman siyang hinampas ng mahina sa braso dahil sa narinig.

"Ikaw kasi eh! Nakakaiyak naman talaga yung kinwento mo!"

"Sorry na.. Hindi ko talaga maiwasang maalala eh." Natatawa niyang sagot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay sumabay ang napakalakas na kidlat.

"AAAAAHHHHHHHH!!!!!" Sa sobrang gulat ko ay napayakap ako ng napakahigpit kay Allen. Nangangatog ang buong katawan ko at ninenerbyos dahil sa biglaang tunog ng kidlat..

Shet talaga. Hindi lang halata sakin pero napaka-magugulatin ko pagdating sa ganung bagay..

"Sssshh. Hindi naman yan tatama sayo eh, wag kang matakot.." He calmly said as he hugged me more tightly..
I feel safe and comfortable whenever he act like this..
But I suddenly realized something.
Mukhang napapadalas na yata ang yakapan namin ngayong araw.
My God. Normal pa ba tong ginagawa namin?

"Okay na ko Allen.." I gave him an awkward smile matapos kong humiwalay sa yakap. Mukhang nasosobrahan na yata ako sa adrenalin rush na to at kailangan ko ng tumigil..

"Matulog na tayo.. Doon ko na lang muna sa kwarto ni tita." Pag-anyaya ko at parehas kaming tumayo para umakyat sa second floor.

"Okay, pero uhm.. pano pag kumidlat mamaya? Kaya mo bang mag-isa?" Inosente niyang tanong at agad akong natigilan.. Nilingon ko siya at saka ngumiti ng mapakla. Mukhang malaking problema to.. Pag nagkataon na natulog akong mag-isa sa kwarto at biglang kumidlat, baka mag ala-tarzan ako sa sobrang takot.

"Uhhm.. O-okay lang ba k-kung doon ka na lang din sa kwarto ko?"

"Matutulog?" Nakangisi niyang tanong at halos mamula ang buong mukha ko.

"Oo. Matutulog." Pagkibit-balikat kong sagot.

"Sige." He answered at parehas na kaming umakyat ng kwarto.

"Okay lang ba sayo na dito ako? Baka kasi mailang ka.." He asked me matapos naming makapasok sa loob. 11 pm na pala ng gabi at kinakailangan na talaga naming matulog.

"Okay lang Allen. Wala kasi akong kasama pag dumating yung kidlat eh." Seryoso kong sagot matapos i-lock ang pinto. Ewan ko ba kung mababaw lang ako o sadyang napakaduwag ko lang talaga pagdating sa kidlat..
I just really need to be with someone sa mga oras na to..
Hindi pa din kasi humihinto ang ulan at nakakasiguro akong lalakas na naman ang mga kulog mamaya.

"Takot ka talaga? Pano pag iniwan kita dito?" Pagbibiro niya matapos maupo sa right side ng kama.

"Subukan mo lang! Pag ako hinimatay sa takot!" Binato ko sa kanya ang unan na hawak ko pero agad siyang nakailag.

"Joke lang eh." Natatawa niyang sabi at inirapan ko na lang siya. Dumiretso na ko sa left side ng kama at isinandal ang mga likod namin sa headboard.

Magkatabi kaming matutulog sa mga oras na to.
So what? Wala namang malisya para sakin at hindi ko magagawang isipan ng masama si Allen. He's a gentleman and I have a big trust on him..

"Gusto mong kwentuhan kita about sa multo?" Nakangisi niyang tanong at agad ko siyang tinapik sa balikat.

"Ano ba?! Umayos ka nga!" Naiirita kong sabi at bigla siyang natawa. Hindi magandang biro tong sinasabi niya dahil matatakutin akong tao. I swear magsisitaasan ang mga balahibo ko kapag sinimulan niya ang usapang katatakutan.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon