Chapter 11

2.6K 61 4
                                    

Monday, official start of classes.

"BEST, MAY KAILANGAN KANG MAKITA! DALIAN MO!!" Halos magulantang ang buong diwa ko nang salubungin ako ni Pam. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng classroom ay agad niya na kong hinatak para dalhin kung saan.

"Ano bang meron Pam?!" I asked habang patuloy kami sa paglalakad. Bigla akong kinabahan sa inasta niya. I don't have any idea kung ano bang meron at natataranta siya ng ganito.

"Basta!!! Tignan mo yung mga nakapost sa bulletin!!" Sambit niya na siyang ipinagtaka ko.

"Ano ba kasing nakapost dun?? Bakit b---" Hindi na ko nakapagsalita pa nang makita ko ang mga pictures na nakapaskil sa bulletin. Nasa hallway kami at pinagpipyestahan na ng iba't ibang estudyante ang mga litratong nakapaskil dun.

Nanlamig at nanigas ang buong katawan ko mula sa kinatatayuan. Nakita ko ang mga litrato naming dalawa ni George.

A picture of us kung saan sinosootan niya ko ng jacket.. (But he was the one who offered it)
A picture of us wherein he pressed my cheek.. (Pero wala yung ibig sabihin)
A picture of us when I smiled at him.. (But that was just an act of pretending)
And the most highlighted part..
A picture of us when we kissed (But that was nothing and he was the first move)

Nasaan ang litrato na sinampal ko siya?
Nasaan ang litrato na ibinato ko sa mukha niya ang jacket nang dahil sa paghalik niya?

"Yan yung girlfriend ni Finn diba?"

"Oo nga eh. Bakit nakikipaglandian sa iba?"

"Pam.. Hindi ko to kaya." Tuluyan na kong naiyak sa mga narinig at nakita ko. Gusto ko ng tumakbo palayo at wag ng magpakita sa lahat nang dahil sa kahihiyan.

"EXCUSE ME LANG HA! MAGSITABI NGA KAYO!" Napatingin ang lahat sa eksenang ginawa ni Pam. Agad na nagsitabi ang mga estudyante habang papalapit siya sa harap ng bulletin.

"Etong mga to.. Hindi to totoo!!! Wag niyo agad husgahan ang nakikita niyo because there's more unrevealed things behind this pictures! KAYA KUNG PWEDE LANG MAGSIALIS NA KAYO!" She shouted at the top of her lungs habang isa-isang tinatanggal ang mga pictures na nakadikit sa bulletin. Hindi din nagtagal ay nagsialisan na ang ibang mga estudyante.

I can't believe sa tapang na ipinapakita ng best friend ko. She's willing to do anything just for me. Alam kong may tiwala siya sakin na hindi ko kayang gawin ang mga iniisip ng iba.

"Baby, what's happening here?" Mas lalo akong nanlamig sa kinatatayuan ko nang dumating si Finn. Naabutan niya si Pam na tinatanggal ang mga litratong nakapaskil kaya mas lalo itong nagtaka.

"Ano yang mga yan? May I see?" Seryoso niyang tanong at agad namang binilisan ni Pam ang pagkuha sa mga litrato. Nilukot niya ang mga ito at sabay na itinago sa likuran niya.

"Wala to Finn. Mga lumang announcements lang kaya tinatanggal ko." Pagpapalusot niya.

Hindi pwede Finn.. Hindi mo dapat makita ang mga pictures na yan..

"I saw someone familiar in that picture. Pwede mo bang ibigay sakin?" Hindi na nakapalag pa si Pam at kusa na lang niyang ibinigay ang mga litrato kay Finn. We don't have a choice and I feel stuck in this moment.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ni Finn ang dalawang tao sa picture. Hindi ko maipinta ang reaksyon niya.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong niya matapos itapat sa harap ko ang mga litratong nakita. May halong galit at pagka-dismaya ang tingin na ibinigay niya sakin.

"Finn.. Huminahon ka muna. I'm willing to explai--"

"Anong ieexplain mo? Na hindi ikaw tong nasa litrato?! Hindi ako gago Corinne!"

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon