Corinne's POV:
This is awkward. As in hindi ko alam ang gagawin. Kaharap namin ngayong dalawa ni Allen ang buong pamilya ni Finn.
"Kaya naman pala tumatakbo tong si Fern, si Corinne ang nakita." Nakangiting sabi ni tita Raya. Magalang ko na lang siyang binati at nakipagbeso, ganun na din kay tito Frank. Sumunod naman ang pagbati ni Allen kila tita pati na din kay Fern at sabay nakipag bro fist sa kaibigan. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napansin ko na halatang medyo napilitan lang si Finn na gawin yun. Hindi nahalata ni Allen ang reaksyon ni Finn kaya umasta pa din itong normal.
"Ate Corinne. Birthday ko ngayon!! Sama kayo samin ni kuya Allen!!" Medyo na-distract ako sa kakulitan ni Fern kaya pinilit ko na lang siyang ngitian at lambingin. Pumwesto ako ng medyo paupo para mapantayan ang height niya.
"Birthday mo pala ngayon Fern? Sorry ngayon lang nalaman ni ate. Kiss na lang kita bilang gift ko sayo." Paglalambing ko at saka ko siya hinalikan sa kaliwang pisngi. Pinagmasdan ko siyang mabuti at masasabi kong mas gumanda siya lalo at lumaki na ng kaunti. Napansin ko ding hindi na siya masyadong bulol sa pagsasalita niya dahil matagal tagal ko na din siyang hindi nakikita.
Pero tatayo na sana ako nang bigla akong matigilan sa sinabi ni Fern.
"Dapat nga kasama ka namin ngayon ate eh!! Kaso nalaman kong break na kayo ni kuya Finn tapos si ate Ay---"
"Fern, doon ka na muna kay mama." Naudlot siya sa pagsasalita nang agad siyang kargahin ng kuya niya at ibinigay kay tita Raya. Nakiusap muna si Finn kila tita na ipasyal muna si Fern sa kung saan at iwanan kaming tatlo nila Allen para makapag-usap.
"Bye tita. Bye tito." Sabay pa kaming nagpaalam ni Allen sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makalayo. Naiwan kaming tatlo nila Finn na nakatayo at hindi umiimik sa pwesto. Walang nagsasalita habang nagpapalipat-lipat lang ang tingin namin sa bawat isa.
"Bakit lagi kayong magkasama?" Ayun na nga ang inaasahan kong tanong mula sa kanya. Ito na din yata ang pang-ilang beses na makita niya kaming magkasamang dalawa ni Allen.
"I asked her to go on a friendly date. Wala namang masama dun diba, bro?" Diretsahang sagot ni Allen habang nakikipagsagutan sa mga titig ni Finn. Parehas na seryoso ang aura ng dalawa at mukhang nakakaramdam na ko ng kaunting tension sa pagitan nila. Naisipan ko na ding sumingit sa usapan para mapigilan na ang mga susunod na mangyayari.
"Tara na." Hinawakan ko ang braso ni Allen para mauna na kaming umalis, pero natigilan ako nang agad binawi ni Finn ang kamay ko.
"Corinne, I wanna talk to you." Seryosong sambit niya matapos niya kong ilayo kay Allen. Ipinwesto ako ni Finn malapit sa tabi niya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Pwede mo naman siyang kausapin sa ibang araw bro. Wag ngayon." Halatang medyo nainis si Allen sa inasta ng lalaki sa tabi ko. Pinilit niya kong hatakin palayo kay Finn pero agad niya kong nilayo dito.
"Finn, makikipag-usap ako sayo ng maayos pero wag sa ganitong paraan. Pwede bang bitawan mo ko?" Finally ay nakahugot din ako ng tamang lakas ng loob para kausapin siya sa mahinahong paraan. Gusto ko sanang maglabas ng galit dahil naaalala ko na naman ang mga masasakit na ginawa niya sakin, pero bigla kong naisip lahat ng natutunan ko kay Allen kaya naisipan kong pigilan ang sarili. Ayoko ng magpadala pa sa galit at sa tingin ko, ito na ang tamang oras para magkaayos at magkapatawaran kami ni Finn.
"I want to talk to you in private." Kalmado niyang sabi habang hindi pa din binibitawan ang kamay ko. I don't have a choice anymore kundi pagbigyan ang gusto ni Finn. Sinulyapan ko na lang si Allen ng "I'll see you later. Antayin mo na lang ako." look at mukhang naintindihan niya naman agad ito. Tuluyan na kaming nauna ni Finn sa paglalakad hanggang sa nakahanap kami ng isang tahimik na pwesto sa park.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.