Chapter 16

3.3K 61 7
                                    

"Baby, mauna na ko.."

"Sige, ingat ka." He just kissed my forehead saka siya pumasok sa kotse. Pinaandar na niya ito saka siya dumiretso ng alis.

Papunta siya ngayon sa hospital para bisitahin si Ayumi. Tinawagan siya ng mama nito para ipaalam kay Finn na nawawalan na naman ito ng ganang uminom ng mga gamot.

3 months na ang nakalipas simula nung mag dropped si Ayumi sa school. Ibinilin siya ng doktor na mag stop muna sa pag-aaral para magtuluy tuloy ang paggaling niya. Kasalukuyan siyang nag a-undergo sa chemotherapy at kung anu anong medications ngayon. Halos araw araw yata ay may mga tinuturok sa katawan niya at may pinapainom na kung anu-anong gamot.

Kaunting buwan pa lang ang lumipas pero halos parang taon na din ang katumbas nun sakin. Every time na matatapos ang klase ko, nagpapaalam na agad sakin si Finn para dalawin si Ayumi. May oras nga na hindi na kami masyadong nakakapag bonding dahil agad siyang tinatawagan nito.

Kailangan niya si Finn.
I can't stop myself from being jealous..
Pero kailangan ko pa ding intindihin ang sitwasyon.

"Miss na kita agad. I love you." I sent my text message to Finn pagkatapos kong pumasok sa loob ng bahay.

Dumiretso agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Sa sobrang pagod ko ay agad akong nahiga sa kama.

"I miss you more baby. I'll visit you pagkatapos magpahinga ni Ayumi. Kailangan niya munang matulog sa ngayon.. I love you too.." Biglang nabuhay ang diwa ko nang mabasa ang reply ni Finn.

I really appreciate his effort.. Talagang pupuntahan niya pa ko sa bahay kahit galing na siya sa hospital at medyo pagod na..

"Sige na Finn. Just text me pag nasa gate ka na. Ingat ka diyan." I replied saka ko binitawan ang cellphone.

Nag decide na lang ako na matulog muna habang wala pa si Finn.

Sobrang napagod din ang katawan ko dahil dalawang exams ang ti-nake ko ngayong araw..

...
...

(3 hours passed)

"Althea, bangon na."

"Tita, mamaya na.." I mumbled saka ako nagtalukbong ng unan at gumulong sa left side ng kama. Hindi ko alam kung bakit ginigising niya ko ng napakaaga.. Mamaya pa naman ang pasok ko..

"Nandito si Finn.."

"Ehhh... Natutulog pa ko." Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni tita kaya hindi pa din ako umiimik..

Pagod talaga ang katawan ko..

"Sige na po tita. Ako ng bahala kay Corinne.."

"Sigurado ka Finn? Iwan ko na lang muna kayo dito.."

"Opo, ako ng gigising sa kanya.."

Sino ba yung mga nag uusap na yun? Ang ingay naman.

"Baby ko, gising na..."

"Ano ba.. Mamaya na sabi.." I said habang nakabaon ang pagmumukha ko sa kama. Hindi ko alam kung sino ba tong gumigising sakin, bangag pa ang diwa ko..

"Ayaw mo talagang gumising?"

"OUCH!!!! ANO B---" Bigla akong napabangon nang maramdaman kong may kumurot sa pisngi ko. Halos mamula yata ito sa sobrang diin..

"Oh my God. Ikaw pala Finn!" I was surprised nang siya ang bumungad sa harapan ko. He was staring at me habang nagbibigay ng nakakamatay na ngiti. I can smell his good scent of perfume that makes him more attractive.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon