"It Started With A Shame"
Written by: clairehoran_ (Claire Quiñones)Author's Note:
Unedited version po ito and I wrote this story when I was 16. Just read at your own risk dahil madaming typographical and grammatical errors na possible niyong makita dito. Medyo jeje pa ko nung sinulat ito but I'm pretty sure na magugustuhan niyo siya once na nabasa niyo. :)
--
--
PROLOGUE:"Madaming namamatay sa maling akala."
Yan nga ang sinasabi ng karamihan satin..
Pero ang OA diba?
Patay agad?
Agad agad?
Hindi ba pwedeng..
Napahiya ka muna?
Kagaya na lang ng katangahang ginawa ko...
Nang dahil sa isang maling akala.. ayun pahiya..
Pero hindi ko inaasahang ito din pala ang magpapabago ng lahat..
---
"CORINNE!"
"Oh Pam? Anong nangyari?!" Naglalakad ako sa hallway nang salubungin ako ng bestfriend ko. I was shocked nang mapansin kong namumugto ang mga mata niya.
"Anong nangyari sayo? Tahan na." I tried to calm her down. This is the nth time na nakita ko siyang umiiyak. At kung hindi man ito dahil sa boyfriend niya, siguradong may ibang dahilan..
"Best, nabastos ako eh.. May lalaking humawak sa pwet ko." She answered crying.
"Tangina! Sinong gumawa nun sayo? Ituro mo sakin!" I shouted and suddenly pinagtinginan kami ng ilang estudyanteng dumadaan sa hallway. Pero wala akong pakialam sa nararamdaman nila since nabastos ang best friend ko. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kanya. At sa oras na makita ko talaga yung lalaking yun, ipapa rape ko siya sa aso!
"Hindi ko na masyadong natandaan yung itsura best.. Pero sa narinig ko nung umalis sila, Finn yung pangalan eh.. Yun yung sinigaw ng isang kaibigan niya."
"Tara! Sigurado akong taga college of engineering yung gumawa niyan!" I said as I grabbed her arms. Hindi ako bias pero sadyang tipuhin lang talaga si Pam ng mga engineering students. Lalo na kapag civil engineering ang course. Madaming nagnanasa dyan sa best friend ko dahil talagang nabiyayaan ng magandang mukha at katawan.. although parehas lang naman kami.. Pero wait lang Corrine. Wag kang mayabang.
"Siguro nga engineering student yun. Pero please lang best, wag mo nang papaalam to kay Harvey.. Kasi alam mo na.." Oo nga pala. Si Harvey Cruz, ang boyfriend nitong si Pam Gomez. Napaka possessive at overprotective niyan kay Pam. Oras na malaman niyang may umagrabyado dito, siguradong lagot siya kay Harvey.
"Oo best, tayo lang makakaalam.. Pero hayaan mong balatan ko ng buhay yung manyakis na yun!"
Inakyat namin ang engineering building. Alam kong medyo mahihirapan kami sa paghahanap nito dahil sa dami ng estudyante.. Pero malakas ang sinisigaw ng aking instinct na nasa paligid lang siya ng building na to.
"Di mo talaga natandaan kung anong itsura niya? Mga anong height? Moreno ba? Maputi?" I asked habang nag iikot kami.
"Mga 5'9 yung height niya best.. May pagka toned body siya. Medyo maputi.. Yun na lang talaga natandaan ko kasi nung pagkalingon ko, paalis na sila at bandang likod na lang niya yung nakita ko."
"Wow, ayos style nun ah! Touch butt and run?!"
"Manyak best eh! Ramdam na ramdam ko talaga pagkakahawak niya!!"
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.