"Anything can happen in just one day.."
"Ang lamig.." Bigla akong naalimpungatan at napabangon sa sobrang lakas ng aircon.. I stood up para hinaan ito at bigla akong napatingin sa wall clock. It's already 9:15 pm.
"Gising na kaya siya?" I mumbled to myself habang inaayos ang pinaghigaan ko. Kinuha ko ang cellphone para i-check kung meron bang text message na galing kay Finn.
"Tulog pa siguro." Sambit ko when I noticed na wala naman siyang isinend na text. I decided not to wake him up dahil ayoko siyang maistorbo sa pagtulog. I'm pretty sure na hahanapin agad ako ni Finn once na magising na siya.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso ng rooftop para makasagap ng hangin. Mula doon ay naririnig ko pa din ang ingay ng mga tao sa baba.
"Good evening. Mag-isa ka yata?" Bigla akong napalingon nang marinig ko ang isang familiar na boses.
"Ikaw pala yan George. Tulog pa kasi si Finn eh." I answered.
"Kaya pala." He said as he went beside me. Parehas kaming nakaharap at nakapatong ang mga braso sa railings ng rooftop. Mula sa taas ay nakikita namin ang magandang view ng buong resort. Mas maganda pala 'tong pagmasdan pag gabi.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Nagtatakang tanong ko.
"Sobrang ingay nila eh. Gusto ko munang mag-relax."
"Ah, ganun ba." Yun lang ang nasambit ko at hindi na din siya nagsalita. I don't know pero ang awkward ng feeling na kasama ko ngayon si George. Hindi ko pa kasi siya ganun kaclose kaya medyo nahihiya akong iapproach siya.
"Nilalamig ka ba? Kanina mo pa kasi niyayakap yang sarili mo eh." He said as he take off his jacket. Bigla na lang akong nataranta nang ipatong niya ito sa balikat ko.
"George wag na. Okay lang naman ak---"
"Sige na Corinne. Sobrang lamig kaya." Pagpupumilit niya habang inaayos ang pagkakalagay niya ng jacket sakin. Hindi ko siya totally sinoot pero nabalot nito ang buong upper body ko.
"S-salamat.." Nauutal kong sabi dahil hindi ako mapakali habang inaayos niya ang jacket sakin.
"Wala yun." He smiled at me and then he pressed my right cheek. What the hell is wrong with this guy? He's being weird and I find it very uncomfortable. Lasing ba siya or what?
"Okay ka lang ba? Anong trip mo?" I sarcastically asked and I faked a smile. Kahit medyo naiinis na ko sa presensya niya, ayoko ng ipahalata pa yun.
"Nothing.. Pero kanina ko pa gustong gawin sayo to.." I was surprised nang biglaan niya akong hinalikan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nasampal ko siya ng pagkalakas-lakas. I didn't expect na magagawa ni George ang bagay na yun.
"I HATE YOU!" I shouted saka ko itinapon sa pagmumukha niya ang jacket na binigay sakin. Agad ko siyang iniwan at dumiretso para bumaba. I really thought he was a good guy. Ano bang problema niya? Hindi ba siya aware na girlfriend ako ng isa sa mga kabarkada niya nung high school? How could he do that?
"Baby, what's wrong?"
"F-finn.." Medyo nabigla ako sa pagbungad niya mula sa third floor.
"Kakagising ko lang. Are you okay? San ka galing?" Nagtataka niyang tanong.
"Sa rooftop. Akala ko kasi may multo kaya bumaba ako." Pag-iiba ko ng usapan dahil wala na kong balak sabihin pa sa kanya ang tungkol sa ginawa ni George. Alam kong gulo lang ang idudulot nito.
"Let me see--"
"Wag na Finn! Bumaba na tayo. Guni-guni ko lang siguro yun." I grabbed his arm as we went downstairs. Mabuti na lang at hindi na siya umangal pa.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.