Chapter 42

2.3K 60 9
                                    


CORINNE'S POV:

Alas otso na ng gabi at bumubuhos ang malakas na ulan. Mukhang minamalas yata ako sa araw na to dahil hindi ko pa nadala ang kotse kaninang pagpasok ko ng trabaho. Hindi ko magawang tawagan si Allen para sunduin ako dahil na-lowbat ang cellphone ko. Wala din akong payong na dala kaya nandito ako ngayon sa labas ng isang building habang nakatayo sa waiting shed. Pauwi na sana ako kanina pero biglang nagsungit ang panahon at bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Badtrip talagaaa." I whispered to myself habang kasalukuyan akong nagpapatila ng ulan. Mag-iisang oras na yata akong nakaistambay dito sa waiting shed at talagang napakalamig. Wish ko lang na may dumating na superhero para puntahan ako dito at ihatid pauwi pero mukhang wala talaga.

Malamig ang simoy ng hangin at nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa tuwing dadapo ito sa balat ko. Pakiramdam ko ay matatagalan pa ang pag-iistay ko hanggang mamaya.

"May naaksidente!"

"Hoy ano ba?!! Tulungan niyo yung lalaki!" Biglang nabaling ang atensyon ko sa isang kalsada na medyo hindi kalayuan sa pwesto ko. Mula doon ay natatanaw ko ang napakadaming taong nagkukumpulan. Hindi ko alam kung anong meron kaya pinagmasdan kong mabuti ang nagaganap. Nagkaroon ng isang car accident, may isang kotseng bumangga sa harap ng isang malaking puno. Sobrang yupi at wasak na wasak ang itsura nito.

"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sambit ng isang matandang lalaki habang kasalukuyang binubuksan ang pintuan ng kotse. Napansin kong mas dumami ang taong nakapaligid para tulungan ang lalaking nasa loob. Mayroong naiiyak habang ang iba ay may kausap sa cellphone na tila humihingi na ng tulong.

Nakikipagsabayan ang lakas ng ulan sa ingay ng mga tao.

I don't know why but I suddenly felt goosebumps. Bigla na lang akong kinilabutan sa eksenang nakikita ko at nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam pero may isang bagay din na nag-uudyok sakin para makitingin at alamin kung sino ba ang lalaking naaksidente.

Ang weird ng pakiramdam ko. Sa sobrang curiosity ko siguro ay hindi ko na namalayang unti-unti na kong naglalakad palayo sa waiting shed para puntahan ang kalsadang napapaligiran ng madaming tao. Hindi ko na yata alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan dahil sa kagustuhan kong makilala ang lalaking naaksidente. Wala na akong pakialam kung magmukha akong basang sisiw ngayon, gusto ko lang malaman kung sino ang taong ito.

"Ano pong nangyari?" Sinubukan ko ng makisali sa usapan ng matatandang babae nang tuluyan kong matawid ang kalsada.

"Bumangga yung kotse niya sa puno dahil napakabilis niyang magmaneho." Sagot ng isa sa kanila.

"Oy eto na! Tulungan niyo ko sa pagbuhat!!" Naagaw ang atensyon naming lahat ng tuluyang mailabas ng isang maskuladong lalaki ang katawan ng naaksidente. Kasabay ng paghingi niya ng tulong ay ang pagdating ng emergency team para buhatin at ihiga ang pasyente sa isang stretcher. Pero laking gulat ko na lang ng mapagmasdan ang itsura ng lalaking duguan ang mukha at tila wala ng buhay.

Isang lalaking kilalang kilala ko..

Isang lalaking talagang nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko noon.

Nanigas ang buong pakiramdam ko at parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko..

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa trahedyang nakikita ng dalawa kong mata.

"FINN!!!!"

Tuluyan ng umagos ang mga luha ko dahil sa eksenang nasa harap ko. Kahit nanlalambot na ang mga tuhod ko sa paglalakad ay sinubukan ko pa ding lapitan ang katawan ng taong minahal ko noon. Binubuhat siya ng emergency team papasok sa ambulance car.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon