Corinne's POV:Pagkagising ko ng umaga, nakita ko na lang si Allen na natutulog sa sofa. Nyek, bakit nandito siya? Ang alam ko magkatabi kami sa kama kagabi pero nauna lang akong matulog. Ayaw niya ba kong katabi kaya lumipat siya? Or baka sa sobrang likot ko ay sa sofa na lang siya nahiga?
"Good morning." Binati ko si Allen kahit alam kong mahimbing pa din siyang natutulog. Ayoko siyang gisingin dahil suplado to pag umaga. Dinaig pa niya ang babaeng may red tide pag nagalit. At oo, mababadtrip yan pag pinilit mo siyang gisingin kahit na inaantok pa talaga siya. Adik yan eh.
"I love you." Kahit alam kong hindi pa ko nag-tooth brush ay hinalikan ko na lang siya sa pisngi at agad na pumunta ng cr para makapaghilamos. Nagsipilyo na din ako saka nagpalit ng damit para presko sa pakiramdam. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ko ng kusina para maghanda ng breakfast naming dalawa. Mabuti at Sunday ngayon, parehas lang kaming walang pasok sa trabaho.
"Good morning, my love." Habang nagluluto ako ay narinig kong may isang gwapong nilalang na nagsalita. Mukhang ngayon pa lang nagising si Allen. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin mula sa bandang likod ko at ipinwesto niya ang ulo niya sa leeg ko. Shet lang, nakikiliti ako sa ginawa niya!
Hindi ko pa siya nililingon dahil busy ako sa pagluluto ng breakfast namin. Baka hindi ako makapag concentrate sa oras na masilayan ko ang napakagwapo niyang mukha.
Ugh, stop it.
"Tignan mo naman ako." Natigilan ako ng i-off niya ang kalan at iniharap ako sa tapat niya. Pero bigla akong napanganga nang bumungad ang isang buhay na ulam sa harap ko. I mean, isang topless na Allen with matching boxers lang ang nakaharap sakin ngayon. I almost stared at his v-shaped down there, and I feel distracted by looking at his abs. Literal talaga na anim ang bilang nito.
Lord, pengeng oxygen. Mukhang magkakaroon ako ng asthma at this moment.
"Magbihis ka nga!" Parang anytime ay duduguin na ang ilong ko sa nakikita ko. Grabe lang eh, first time niyang humarap sakin ng ganito. Sobrang hot niya at masasabi kong hindi ko na kailangang kumain ng breakfast, dahil ngayon pa lang ay parang busog na ko sa nakikita ko.
"Sorry, maliligo kasi ako. Hahahaha." Aba ang loko, tinawanan pa ko. Talagang kailangan niya pang i-model ang katawan niya sakin bago maligo? Sige na, siya na maalindog.
"Ewan ko sayo! Mag cr ka na nga bago pa kita gahasain----"
Shet. Anong gahasa ang pinagsasabi ko?
"I mean---" Hindi niya na ko pinatapos sa pagsasalita.
"Gagahasain mo ko? I'm willing to take the risk." He grabbed my waist as he pulled me closer to him. Para akong mahihimatay nang magbitaw siya ng isang nakakamatay na ngiti. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. I'm feeling trapped and I was unable to move dahil konting galaw ko lang ay baka kung ano ang mangyari. Diretso lang ang tingin niya sakin at hindi man lang siya kumukurap. Ugh, Allen! Niloloko ka lang eh! Kinakabahan tuloy ako!
"Joke lang babe. I love you." Pagbibiro niya saka siya bumitaw sa pagkakahawak sakin. Pero hindi ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sakin ngayong araw at hinila ko si Allen pabalik sakin para halikan. I hold the back of his neck while I'm kissing him passionately and romantically. Naramdaman kong muli niya kong hinawakan sa bewang hanggang sa naging intense na ang bawat paghalik niya sakin. I can't explain what I'm feeling right now. His kisses were getting intense, yet gentle. I could feel his eagerness for love between those passionate kisses. Para akong nasa langit, ang sarap sa feeling and it feels delightful..
"Allen.." I muttered as we both gasped for air. Humiwalay muna ako sa kanya ng ilang segundo pero agad niya ulit akong hinalikan. This time ay mas naramdaman kong mas lalong tumindi ang bawat paghalik niya sakin. He has a very kissable lips at napakasarap niyang humalik. Those were the kisses na parang sinasabi niyang "Akin ka lang, pagmamay-ari kita." At mukhang wala na din yata siyang balak na bitawan ako dahil mas humigpit din ang pagkakahawak niya sakin.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.