Corinne's POV:4 years have passed..
Naging kami ni Allen Mamorno..
Oo, I swear boyfriend ko na talaga siya at girlfriend niya na ko. Sa katunayan nga, second anniversary na namin ngayong araw as a couple. Time flied so fast, right? Parang dati lang tinutulungan niya ko noong panahong walang wala ako, dati nag-aantay lang siya ng tamang oras hanggang sa tuluyan akong maka-moveon kay Finn, at ngayon ay 2 years na kaming magkarelasyon ni Allen.
Ang bilis no? Parang kanina natulog lang ako tapos pagkagising ko, kami na talaga ng lalaking matagal akong pinagtyagaan at inantay. Hindi din biro ang napagdaanan namin noong panahon na nililigawan niya ko. Halos araw araw yata ay kami ang laman ng mga tsismis sa campus. Pano ba naman kasi? After ko daw maging ex ang isang Patrick Finn Fuentabella, si Allen Mamorno naman daw ang sinunod ko. Kulang na nga lang daw ay buong banda na ang patulan ko pati na si Clark at Daniel. Ang kakapal lang talaga ng mukha ng mga tsismosang yun. Ang sarap kalbuhin at ipakulam. Palibhasa kasi hindi alam ang tunay na nangyari, kaya kung makapanghusga sila ay parang alam na nila ang totoong kwento. Mga bwiset. Pakialam ko ba sa iniisip nila? Ang importante ay masaya na ko ngayon at nakapag-umpisa ako ng mapayapa. I can't express how thankful I am na dumating si Allen sa buhay ko. Kasi dahil sa kanya, madaming nagbago sakin. Sobrang mahal na mahal ko siya at hindi ko na maisip pa ang sarili ko na may ibang mamahalin na lalaki. Naalala ko noong college days, hindi ko pa feel ang existence niya dahil isa lang naman siya sa mga kabarkada ni Finn. Pero sa dulo ay siya din pala ang nakatakdang magpaibig sakin. Kay Allen ko lang pala mararanasan ang pakiramdam ng tunay na pag-ibig. Ang taray diba?And I can also say na sa loob ng halos apat na taon ay napakadami ng nagbago. Hindi lang sakin, kundi pati na din sa mga taong naging part ng buhay ko. May mga kanya-kanya na din kaming trabaho ngayon. Ako at si Pam, parehas kaming management analyst sa magkaibang kompanya. Si Harvey at pati na din ang buong banda nila Finn ay mga ganap ng civil engineers. Gayun pa man, sa kabila ng pagiging busy sa trabaho ay buo pa din ang bandang 2pm at kadalasan ay nagkakaroon sila ng gig sa iba't ibang lugar. Pero sa ngayon ay hindi nila nakakasama si Finn, dahil nagbakasyon itong Japan last year kasama si Ayumi. Yun kasi ang pinakahuling balita ko sa kanila eh. Ang alam ko babalik din naman sila sa Pilipinas pero hindi ako sigurado kung kailan. Isang taon na din silang nandoon at wala pang balita kung kailan ang uwi nilang dalawa. Pero astig diba? Pare-pareho kaming nakagraduate at nakakuha ng magagandang trabaho. Halos lahat kami ay nakapagsimula na ng bago at masaya.
Oh by the way, kung itatanong niyo sakin kung ano ng nangyari kay Ayumi Chen? Well, she already survived from lung cancer at isa na siyang travel consultant ngayon sa isang agency. Sila pa din ni Finn ngayon at 4 years na silang magkarelasyon. I'm happy for both of them dahil nag-work pa din sila sa kabila ng pinagdaanan ni Ayumi. Sa ngayon ay wala na talaga kong ibang maramdaman kundi puro saya at tuwa. I can finally say that I've totally moved on sa mga nangyari sa past experiences ko. Maayos na din ang samahan naming tatlo nila Ayumi at wala ng katiting na hard feelings. I swear to God. Bago nga sila magbakasyon papuntang Japan ay nakapag-usap pa kaming tatlo para magkalinawan na sa lahat lahat. And look at us now, peaceful and fresh na sa pamumuhay.
"Alam mo ba? Ganito ang itsura ng mundo ko pag wala ka." Kamuntik na kong atakihin sa pagkagulat nang maramdaman kong may malalaking kamay na tumakip sa mga mata ko. Bumulong siya sa gilid ng tenga ko kaya agad akong nakaramdam ng konting kiliti. Nasa loob ako ng isang restaurant at nakaupo sa table habang inaantay siyang dumating. Pero sa ngayon ay mukhang nandito na siya. Alam kong siya to. Boses pa lang ay nahalata ko na.
"Madilim." Bulong ni Allen habang hindi pa din inaalis ang pagkakatakip sa mata ko. Napapangiti na naman ako sa mga banat niya. Kahit kailan talaga ay hindi siya nagkamaling pakiligin at pasayahin ako sa kahit anong pamamaraan.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.