2 weeks have passed..
"Hello Finn.." Agad kong sinagot ang tawag nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Hello baby.. I'm sorry dahil hindi kita masasabayang pumasok ngayon."
"Bakit naman?" May halong pagtatampo ang tanong ko. Nakaready na ang sarili ko para pumasok sa school at ang buong akala ko ay magkakasabay kami ngayon ni Finn.
"I really need to go to the hospital.. Masama na naman yung pakiramdam ni Ayumi.. Kailangan niya daw ako ngayon."
Eh bakit ako? Kailangan din naman kita..
Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya pero di bale na lang..
"Sige okay lang. Ingat ka." I calmly said.
"Corinne, I'm sorry. Pupuntahan na lang kita mamayang vacant."
"Okay.." Matipid kong sagot.. I don't have a choice kundi pumasok ng mag-isa.
"I'm sorry baby.. Biglaan lang kasi yung pagtawag niya. I'll just see you later."
"Okay."
"Wag ka ng magtampo baby. I love you..."
"Papasok na ko Finn.. Sige na."
"Galit na agad? Babawi ako sayo baby.."
"Nagtatampo lang ako.. Sige na Finn. Ingat ka."
"Corinne, I love you.. Wag kang magalit sakin please? I'll see you later."
"Oo na po. I love you too. Babye na."
"Okay baby. Take care ah? I love you, ingat ka." Yun na lang ang huling narinig ko at ibinaba niya na ang tawag. Kahit naman magtampo ako, valid pa din naman yung reason ni Finn dahil yun ang napagkasunduan naming tatlo nila Ayumi.
Once na kailanganin siya nito, dapat ay nasa tabi niya agad si Finn..
Ang masaklap lang, nasasaktuhan ng mga oras na yun na kailangan ko din ang boyfriend ko.. Pero wala eh, kailangan ko munang magtiis hanggang sa paggaling ni Ayumi.
Yun na nga siguro yung katangahan na sinasabi nila.
"Tita Aya, alis na po ako." Sambit ko matapos kong lumabas ng kwarto. Nakita ko si tita na busy sa pagbabasa ng diyaryo habang nasa sofa.
"Sige Althea, nandiyan na ba si Finn?"
"Hindi niya po muna ako mahahatid eh. May emergency po."
"Anong emergency?" Napakunot ang noo niya sa narinig. Wala pa pala siyang alam sa kondisyon ni Ayumi at hindi niya din ito kilala. Ayoko na ding ikwento kay tita ang tungkol dun at baka makaabot pa ang balita kila mama't papa. Ayoko nang bigyan pa sila ng problema.
"Yung kaibigan lang po ni Finn, nagka-injury sa basketball kaya dinala sa hospital. Pero hindi naman po ganun kalala." Pagpapalusot ko.
"Naku, ganun ba? Ako na lang muna ang maghahatid sayo Althea."
"Wag na po tita. Gusto kong mag walk trip ngayon eh. Okay lang po. Mauna na ko."
"Sigurado ka?" Nag aalala niyang tanong.
"Opo, alis na ko tita."
"Sige Althea, mag iingat ka." I just smiled at her at nagsimulang lumabas ng bahay. Ewan ko ba pero wala akong balak sumakay ng jeep ngayon. Mahaba pa naman ang oras ko para sa first class, kaya nag decide ako na maglakad na lang.
Tomorrow is our fifth monthsary. I was just thinking kung ano bang pwedeng i-surprise o ipang-regalo kay Finn. Ayokong sabihin sa kanya na bukas na ang special day naming dalawa dahil gusto kong maalala niya yun ng kusa. Just like our previous monthsaries, nagagawa naman niya akong batiin at nakakapag celebrate kami ng masaya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.