Chapter 34

2.7K 59 5
                                    



CORINNE'S POV:

"Finally, you're here." Nasa parking lot ako ng condo nang salubungin ako ni Finn. Kakalabas ko lang ng kotse at sumakto naman ang pagbungad niya sakin. He was giving me a smirk, na akala mo nagwagi siya ng lotto nang makita niya kong dumating.

"Let's go." He demanded saka niya hinawakan ang kamay ko. I told him to stop holding my hand habang papasok kami sa condo unit niya pero ayaw niyang bumitaw. Nakarating kami ng elevator para umakyat ng 8th floor. Mahigpit ang pagkakahawak niya sakin pero hindi naman siya ganun kasakit, ayaw niya pa din talaga kong bitawan hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya.

"Dito tayo." He calmly said after we entered his room. Ni-lock niya na ang pinto saka siya bumitaw sa pagkakahawak sakin. And now, he's staring at me while giving me a wide smirk.

Yung puso ko parang sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito. Wala akong ibang maramdaman kundi nerbyos at kaba. Bakit ganito ang nafe-feel ko? Kinikilabutan ako sa mga titig at ngiti ni Finn.

"Anyway, mag-usap na tayo." Binasag ko agad ang katahimikan at saka ako naupo sa sofa. Gusto kong makatakas sa awkwardness na nararamdaman ko dahil hindi ko gusto ang atmosphere na namamagitan samin ngayon ni Finn. This is the first time na ma-feel kong hindi ako komportable na makasama niya. May something sa kilos at tingin niya na parang nagpapakilabot sakin.

"Come here." Umupo siya sa kama at tinapik ito bilang senyales na tumabi ako sa kanya.

"Dito na lang." Hindi ko siya sinunod at siya ang pinapunta ko sa tabi ng sofa. Napaka-arte naman kasi niya kung sa kama pa kami mag-usap.

"Do you want me to carry you papunta sa kama? Or kusa ka na lang na susunod sakin?" Napatayo ako mula sa kinauupuan nang maramdaman kong papunta na siya sa direksyon ko. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang pagmasdan ko ang expression ni Finn. He really looks like a pervert guy at hindi ko gusto ang pagbibigay niya ng malagkit na tingin sakin.

"You don't need to." Sinamaan ko siya ng tingin saka ako dumiretso ng pag-upo sa kama. Ito naman ang gusto niya eh, may sarili akong paa at hindi niya na ko kailangang buhatin.

"Good girl, baby." Bumalik siya sa kama para tabihan ako. Pero bigla ko na lang naramdaman ang pagyakap niya mula sa tagiliran ko. Napakabilis ng pangyayari at hindi ko na namalayang hinahalikan niya na ko sa bandang leeg.

"Finn, ano ba?!" Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Pilit akong umiiwas sa mga halik niya at sinusubukang kumawala sa pagkakayakap niya, pero napakahigpit pa din ng kapit niya sakin. What the hell is he doing?! Pinagsasamantalahan niya na ko!

"FINN!!!!!" Halos maiyak na ko nang buhatin niya ko at ipinwesto ng pahiga sa kama. Nasa ibabaw ko na siya at hindi ko na alam ang binabalak niyang gawin. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sakin pero sadyang napakalakas niya. I can't even control his weight and I was unable to move..

Tuluyan na kong napaiyak.
Hindi ganito ang inaasahan kong mangyayari.
Please naman Finn, wag mong ituloy ang binabalak mo.

"Gustung gusto kong gawin sayo to baby. Ang sarap mo kasi." He said as he tried to unbutton my polo shirt. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko para itulak siya pero mabilis niya yung napigilan. Pinagdikit niya ang braso ko paangat para mapigilan ito ng isa niyang kamay, habang ang isa nito ay patuloy sa pagtanggal ng butones ng damit ko. Hindi din nagtagal at tuluyan niya nang nahubad ang pantaas kong soot. I was just wearing my bra at nakatitig lang siya nang matagal sa hinaharap ko. I feel so ashamed. Nangangatog ang boses ko habang nakikiusap kay Finn na itigil niya na ang ginagawa sakin. Gusto kong sabihin na tama na, itigil mo na to, nababastos na ko, nasasaktan, lahat lahat na.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon