CORINNE'S POV:
"Sige nga! Ipaliwanag mo sakin ngayon kung bakit kayo magkasama!" Pinagtaasan ako ng boses ni Allen na siyang ikinagulat ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang namumula sa galit dahil sa nakita niya. He doesn't even know the whole story behind our situation. Alam kong iniisip niya na baka niloloko ko siya dahil kasama ko ngayon si Finn, pero mali ang akala ni Allen.
Kahit kailan ay hindi ko magagawa ang iniisip niya dahil siya lang ang mahal ko.
"Don't talk to her like that!" Tumayo si Finn mula sa pagkakatumba saka niya pinunasan ng kamay ang nagdudugong labi. Sumabat na din siya sa usapan. Kahit siya ay nagtikom na din ang kamao dahil sa biglaang pagsuntok sa kanya ni Allen at halatang napikon siya sa inasta nito.
"Finn, sige na. Umalis ka na." Pakiusap ko sa kanya pero nagmatigas pa din siyang manatili dito. Ayaw ko siyang madamay sa away namin ngayon ni Allen. Kaunting paliwanag lang naman ang kailangan ko at maaayos na.
"Ikaw gago! Hindi ka pa din ba maka-moveon kay Corinne kaya pati siya nilalandi mo? Diba kayo pa ni Ayumi?! Wag ka ng umasa bro! Girlfriend ko na to kaya wala ka ng babalika---"
*BOOGSH!*
Hindi na napatapos pa sa pagsasalita si Allen nang gantihan siya ng isang malakas na suntok ni Finn. Kagaya ng nangyari sa kanya kanina ay napatumba din sa sahig si Allen, napahawak siya bigla sa namamagang pisngi.
"F*CK YOU! WAG MO KONG SINASABIHAN NG GANYAN! BAKA NAKAKALIMUTAN MONG AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGING KAYO NGAYON?!! KUNG ALAM MO LANG NA KAYANG KAYA KO PANG MAKIPAGBALIKAN KAY CORINNE NUNG PANAHONG YUN! PASALAMAT KA NGA NAGPARAYA NA LANG AKO DATI, KUNDI IKAW TONG KAWAWA NGAYON GAGO!" Galit na galit si Finn, halos kapusin na siya ng hininga nang isigaw niya yun kay Allen. Namumula ang buong mukha niya at dinaig niya pa ang papatay ng tao sa sobrang tension na nararamdaman.
Tuluyan na kong naiyak dahil sa nangyayari sa dalawang lalaki na nasa harap ko. Natatakot akong makita silang nagkakaganito.
"OO SIGE BRO!" Unti-unting tumayo si Allen bago ituloy ang susunod na sasabihin.
"IKAW NGA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT NAGING KAMI! KUNG HINDI KA RIN NAMAN KASI GAGO NUNG PANAHONG YUN, HINDI SANA KAYO MAGHIHIWALAY AT HINDI SIYA MAPUPUNTA SAKIN. PERO NGAYONG NASAKIN NA SI CORINNE, NAGSISISI KA NA? ANONG FEELING? MASAYA KA B---"
*BOOGSH!*
Muli na naman siyang sinuntok sa mukha ni Finn dahilan para mapatumba ulit si Allen. Pero hindi siya nagpatalo kaya gumanti na din ito at tuluyan na silang nagkasakitan. Parehas lang silang nagpapalitan ng suntok sa isa't isa at parang nakaramdam ako ng panghihina sa katawan habang pinapanood sila sa harap ko.
Ayaw nilang tumigil..
Hindi ko na kayang tignan pa ang mga nangyayari.
"PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO?!! TAMA NA!!" Huminga ako ng malalim bago ko isigaw ang mga salitang iyon. Nangangatog na ang boses ko habang pinipigilan sila sa pag-away at napansin kong parehas silang napatigil.
Patuloy pa din ako sa pag-iyak at naramdaman ko na lang ang paglapit sakin ni Finn pero agad akong hinigit ni Allen para maunang yakapin.
"Akin ka." He whispered at me saka niya isinandal ang ulo ko sa bandang dibdib niya. Hindi ko tuloy nakita kung anong naging reaksyon ni Finn habang pinagmamasdan kaming magkayakap ni Allen. Alam kong nasasaktan siya ngayon sa kung anumang nakikita ng mga mata niya.
"Kuya Finn!!!!" Nabaling ang atensyon naming lahat kay Fern nang lumabas siya mula sa kotse. Kakagising lang nito at halatang nabigla siya sa itsura ng dalawang lalaking nasa harap niya. Nauna niyang nilapitan si Finn saka niya ito mabilis na niyakap.
"Anong nangyari kuya?? Bakit ang dami mong pasa??" Tuluyan na din itong naiyak habang tinatanong ang kuya niya. Nasasaktan ako sa naging reaksyon ni Fern dahil ramdam kong grabe ang pag-aalala niya sa nakakatandang kapatid.
"Wala to baby. Uwi na tayo." Naipatong na lang ni Finn ang kamay niya sa ulo ni Fern saka niya ito nginitian ng malungkot.
Parang nakaramdam ng kirot ang puso ko sa ngiti niyang iyon. Alam kong sobrang nasasaktan na siya pero nagawa niya pa din magpeke ng emosyon para lang hindi na mag-aalala pa sa kanya ang kapatid na babae.
Tuluyan na silang tumalikod habang hawak ni Finn ang kamay ni Fern. Dumiretso na sila sa pagpasok ng kotse at ipinaandar na ito paalis. Matapos nun ay humiwalay na din ako sa pagkakayakap kay Allen.
"Corinne, I'm sorry. Hindi ko alam na kasama niyo pala si Fern.. Akala ko kasi---"
"Akala mo ano? Kami lang ni Finn ang umalis at niloloko kita?" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil alam kong yun ang gusto niyang iparating. Inakala niya siguro na kaming dalawa lang ni Finn ang umalis at inassume niya na niloloko ko siya. Obvious naman yun sa reaksyon ni Allen kanina kaya medyo naiirita ako.
"Hindi mo kasi ako sinabihan.." Nakatungong sagot niya.
"Binisita nila kong dalawa ni Fern sa bahay kanina. Nag request yung bata na mamasyal kami dahil kakauwi niya lang din kahapon from Japan. Naging close din naman kami noon kaya nakakahiya kung tatanggihan ko siya diba? Pumayag lang akong sumama dahil sa kanya at hindi dahil kay Finn. Malinaw na ba yun sayo?" Natahimik si Allen sa naging paliwanag ko. Hindi ko naman siya pinagtaasan ng boses pero napansin kong natakot siya sa way ng pananalita ko.
"Sorry.." Wala siyang ibang nasagot sakin kundi ang salitang iyon..
"Sana lang Allen, hindi mo na sinabihan ng masasakit na salita si Finn dahil alam mo namang may pinagdadaanan yung tao at alam mong ikaw ang mananalo sa inyong dalawa."
"Eh ano? Pinag-tatanggol mo siya?" Napatawa siya ng mahina habang tinatanong yun sakin.
"That's not what I meant! Hindi mo na sana siya sinuntok at pinatulan!" Bigla akong nakaramdam ng inis sa naging reaksyon ni Allen. Hindi niya din kasi makuha kung anong nais kong ipunto sa usapan. Ang akin lang, sana ay pinabayaan niya na lang makaalis ng maayos kanina si Finn para hindi na lumaki pa ang gulo. Inintindi niya muna sana ang totoong sitwasyon bago siya magsimulang manuntok.
"So ano nga?! Kinakampihan mo siya?" Naipamunas ko na lang ang kamay sa mukha ko dahil sa sobrang inis.
"Allen, ayoko na ng gulo." I gave up and I just let him win the argument. Kahit medyo napipikon na ko sa inaasta niya, mas pinili ko na lang na manahimik. Wala naman yata kasing patutunguhan kung makikipagtalo ako sa kanya tungkol kay Finn. Nami-misinterpret ni Allen lahat ng ginagawa kong paliwanag kaya tinalikuran ko na siya para maglakad papasok ng bahay.
"Ayoko din ng gulo, kaya kung pwede sana layuan mo na si Finn sa oras na lumapit siya sayo. Ayoko ng makita pa kayong magkasama." Napahinto ako bigla sa sinabi niya at saka ko siya nilingon.
"What's wrong with you Allen? Wala kaming ginagawang masama ni Finn at ipinaliwanag ko na sa kanya na tapos na kami. Kahit pa na lumapit siya sakin, malabo ng magkamabutihan kami ulit kaya pwede wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano dahil ikaw lang naman ang mahal ko eh. Hindi pa ba sapat yun sayo?" Akala ko maku-kuntento siya sa sinagot ko pero hindi pa pala.
"Bakit ang dami mo pang paliwanag? I'm just telling you na layuan mo na si Finn sa tuwing---"
"Okay fine! If that's what you want, lalayuan ko siya. Okay na ba?!" I just ended the conversation para matigil na tong pagtatalo namin. He's being jealous and clingy.
Gustung gusto ko ng pumasok ng bahay dahil pagod na pagod ang utak at katawan ko.
Naiistress ako sa mga nangyayari ngayong araw at pinipigilan kong maibuhos ko ang galit kay Allen. Ayoko namang magka-alitan pa kami kaya mahinahon na lang akong nagpaalam sa kanya.
"Okay na ba Allen? Malinaw na ba tayo?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka ko siya tinignan ng direkta sa mata. Gusto ko lang magkalinawan kami agad dahil ayokong magkaroon kami ng alitan sa isa't isa.
"Sorry, okay na tayo." He calmly said as he held my waist. He just kissed my forehead saka niya ko niyakap. Narinig ko ang huling sinabi ni Allen sakin bago siya tuluyang bumitiw sa pagkakayakap.
"Alam kong mahal ka ni Finn, pero mas mahal kita.. Hindi ako papayag na mapunta ka ulit sa kanya. That will never happen."
--
--
--
--
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.