Chapter 45

2.5K 62 32
                                    


CORINNE'S POV:

"Anong ibig mong sabihin Allen?!" Sinundan ko siya matapos naming lumabas ng hospital. Nauna na kaming umalis sa pagdalaw kay Finn at babalik na lang kami kinabukasan. Madami pa namang naiwan sa loob para magbantay at magbalita sa kung anong kalagayan niya.

"Allen!" Hindi niya pa din ako nililingon at kinakapos na ko ng hininga dahil sa paghabol sa kanya. What's wrong with him? Ano bang pumasok sa isip niya at sinabi niya ang mga bagay na yun kay Finn?

"Allen, ano ba?!" Finally ay nagawa ko din siyang hatakin sa braso para iharap siya sa tapat ko. Nakarating kami sa parking lot ng hospital at dito kami napahinto sa paglalakad para mag-usap.

"Are you insane? Anong pinagsasabi mo kanina?! Mahal mo ko diba?! Bakit mo ko igi-giveup para kay Finn?!" Naiinis kong tanong sa kanya habang tinitignan ko siya ng direkta. Wala akong ideya kung anong dahilan ni Allen sa pagsabi kanina ng mga ganoong bagay. Hindi ko maintindihan kung bakit basta basta na lang niya akong ipaparaya kay Finn.

"Kasi yun lang ang tanging paraan." Matipid niyang sagot at biglang napakunot ang noo ko.

"Paraan?! Will you please explain everything?! Hindi ko magets kung anong pinupunto mo!" Mabuti na lang at walang masyadong taong dumadaan sa paligid namin dahil nagsisimula ng tumaas ang boses ko.

Huminga muna ng malalim si Allen bago siya magsimulang magsalita.

"Listen.. Hindi ba't ikaw ang dahilan kung bakit nagbago si Finn? Alam niyang pagmamay-ari na kita kaya sumusuko na siya dahil alam niyang wala na siyang pag-asang makuha ka sakin. Mas pinili niyang magbago sa masamang paraan dahil alam niyang hindi na kayo magkakabalikan pa. Ngayon tignan mo kung anong nangyari sa kanya ngayon, nang dahil sa masasamang bisyo na pinapasukan ni Finn, kulang na lang ikamatay niya yun eh. Kaya ginagawa ko to ngayon Corinne, alam kong ikaw lang naman ang solusyon para magising siya sa pagka-comatose. Alam kong kahit papaano ay lalakas ang loob niyang labanan ang kamatayan sa oras na malaman niyang igi-give up kita sa kanya. Yun naman ang gusto ni Finn simula pa lang sa una, gusto niyang bumalik ka sa kanya that's why I'm willing to sacrifice.."

"Bakit ba parang ang dali daling sabihin at gawin sayo ng bagay na yan?! Do you really think that's the only way to settle everything?! Ano yun Allen?! Alam mong mahal natin ang isa't isa pero bakit mo ko ipaparaya kay Finn na para lang akong isang tuta?! Ganoon ba kadali yun sayo?!"

Nagsimula na naman akong maiyak dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Ewan ko ba pero ang sakit sakit na ng mata ko dahil kanina pa ko sa hospital lumuluha.

Pakiramdam ko nagiging mas mahirap at komplikado ang mga bagay na nakapaligid sakin..

Pero oo, may punto si Allen sa mga sinasabi niya. Pero bakit ganun kahirap sakin tanggapin ang binabalak niya?

"Tangina Corinne! May sinabi ba kong madali? Sinabi ko ba sayong hindi ako nahihirapan? Alam mo bang napakasakit din sakin ng gagawin kong desisyon pero ano bang magagawa ko?! That's the only thing para maka-survive si Finn! Kailangan ka niya para lumakas ang loob niya at tuluyan na siyang magising. Ikaw lang ang sagot para umayos ang kalagayan niya! Ayaw mo na ba siyang mabuhay?!"

Tinaasan na din ako ng boses ni Allen at bigla akong natahimik.

"G-gusto.. Gusto kong mabuhay si Finn.." Nangangatog na ang boses ko habang binabanggit ang salitang yun.

"Yun naman pala eh.. Please stay with him.. Palagi mo dapat siyang babantayan hanggang sa oras na magising siya.. Sigurado akong kahit wala siyang malay, mararamdaman niya ang presensya mo kapag nasa tabi ka niya palagi.. You're the only person who can help him to survive."

"Pero Allen---" Pinutol niya na agad ang sasabihin ko.

"I'm sorry Corinne.. Pero ako ang kailangang magsakripisyo para sa kalagayan ng kaibigan ko.. Ikaw ang kailangan ni Finn para magising siya, para gumaling siya at bumalik na sa dati. Masakit man sakin pero---" Hininto ni Allen ang susunod niyang sabihin at bigla na lang niyang iniwas ang tingin.

"Sa oras na magising si Finn, hihiwalayan na kita."

Sa mga salitang binatawan niyang iyon ay para akong sinampal ng paulit-ulit.

"Hihiwalayan na kita."

Napakasakit pakinggan.. Para akong natanga at natulala bigla sa kinatatayuan.

"Pero Allen, mahal kita eh.."

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa emosyong hindi ko na mapigilan.

Hindi ko alam ang gagawin..

Para akong mababaliw sa sobrang dami kong iniisip.

Kaya ko naman gawin eh..

Handa akong manatili sa tabi ni Finn hanggang sa magising siya..
Pero ang hindi ko yata kaya ay ang iparaya ako ni Allen kay Finn sa oras na bumalik siya sa kamalayan..

"Ssshh, wag ka ng umiyak. Minahal mo naman si Finn dati diba? Kaya naniniwala akong posibleng bumalik ang pagmamahal mo sa kanya.." Humiwalay siya sa pagkakayakap saka niya kinuha ang panyo sa bulsa para punasan ang mga luha ko..

Ito ang bagay na palagi niyang ginagawa sa tuwing makikita niya kong umiiyak..

"Naniniwala ako.. Alam kong magigising si Finn dahil may pinanghahawakan na siya.. Alam niyang ibabalik na kita sa kanya kaya lalakas ang loob niyang labanan ang kondisyon niya.."

Ngumiti siya ng malungkot sakin.. Pagkatapos niyang magsalita ay napayuko na lang siya dahil sa hindi mapigilang pagdaloy ng kanyang luha..

Ramdam ko kung gaano kagusto ni Allen na iparaya ako kay Finn. Pero sa kabila ng pagsasakripisyong iyon ay ang kalungkutan na nararamdaman niya.

Hindi na ko nakapagsalita pa dahil naubusan na yata ko ng sasabihin..

Bakit ba kailangang humantong sa ganito ang lahat?

"Just give him another chance.. Alam kong gagawin ni Finn ang lahat para makabawi sa lahat ng panggagago niya sayo.. At naniniwala akong matututo ka ulit na mahalin siya sa pangalawang pagkakataon.."

"Kahit sobrang sakit sakin na iparaya ang taong mahal ko, handa akong tanggapin yun. Sa dalawang taong nakasama kita Corinne, sobrang laki ng pasasalamat ko.. Ayaw ko sanang gawin to eh, pero narealize ko talaga sa dulo kung gaano ka kamahal ng tropa ko.. Higit pa yun sa pagmamahal na kaya kong ibigay sayo.. Biruin mo sa apat na taong lumipas, kahit kailan ay hindi ka niya nagawang kalimutan dahil sobrang mahal ka niya. Kaya sa tingin ko eto na yung tamang pagkakataon na magkabalikan kayo ni Finn.."

"Sa oras na gumising na siya, ipaparaya na kita sa kanya.."

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon