Chapter 43

2.4K 52 7
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Drag racing?!" Napatayo si Ayumi sa sobrang pagkabigla habang kausap niya si Finn sa tawag. Alam niyang delikado at mapanganib ang pagsali doon.

"Patrick, what's wrong with you?" Nag-aalalang tanong ng dalaga. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa bawat sulok ng kwarto dahil sa sinabi sa kanya ni Finn. Hindi siya mapakali simula nang malaman niyang sumali ito sa isang illegal drag racing.

Isa iyong karera ng mga sasakyan sa isang kalsada kung saan magpapaunahan silang marating ang finish line. Kung sino man ang pinakamabilis na nakadating doon ay siyang mananalo.

"Pwede bang wag mo na kong pakialaman?" Naiiritang tanong ni Finn. Aware siya sa kung anong pinapasok niya ngayon at alam niya kung anong ginagawa niya. Pero since wala na din naman siyang magawang matino sa buhay ay parang gusto niyang subukan lahat ng bawal.

Kagaya na lamang ng pagsali niya sa isang ilegal na karera ng mga sasakyan. Ni minsan sa buhay ni Finn ay hindi niya pa nasubukang makipag-street race kaya gusto naman niyang ma-explore ang pakiramdam nito. Wala na siyang pakialam sa panganib na maaaring idulot nito sa kanya dahil pakiramdam din niya ay isa na siyang pariwara. Ang babaeng inaasahan niyang magpapatino sa kanya ay hindi na kailan pa bumalik. Kaya eto ngayon si Finn, wala na siyang ibang ginawa kundi gawin at subukan lahat ng bawal.

"Saan ba magaganap ang karerang yan?" Tanong ni Ayumi dahil kahit papaano ay gusto niyang malaman kung anong klaseng drag racing event ba ang sasalihan ni Finn. She wants to make sure if there are safe facilities in that place. Gusto niyang malaman kung ligtas ba ang daan o malawak ba ito para pag-ganapan ng isang karera.

"You don't need to go there."

"Patrick----" Hindi na siya natuloy sa pagsasalita nang ibinaba na ni Finn ang tawag. Napabuntong hininga na lang si Ayumi dahil alam niyang wala na siyang magagawa. Sa isip isip niya ay talagang nawala na sa dating kaayusan si Finn at alam niyang wala siyang kakayahang patinuin ito. Sino ba naman siya para pakialaman ang buhay ni Finn ngayong hindi naman siya mahal nito?

"Ang swerte swerte mo.." Naibulong na lang ni Ayumi sa kanyang sarili. Bigla din kasing pumasok sa isip niya kung gaano kaswerte si Corinne. Naiinggit siya dahil hanggang ngayon ay minamahal pa din siya ng isang katulad ni Finn, at sa kabila pa nun ay masaya si Corinne sa kasintahan niyang si Allen. Samantalang si Ayumi ay tila wala na ding saysay ang buhay niya, pakiramdam niya ay ginantihan siya ng karma dahil sa pinag-gagawa niya noon.

Malakas na din ang pakiramdam niya na si Corinne ang pinaka-dahilan ng pagbabago ni Finn. Kung bakit lahat ng maling bisyo ay ginagawa niya na sa kasalukuyan.

Sa kabilang banda ay paparating na si Finn sa isang drag racing event na pupuntahan niya. Alas dose ng gabi ito mag-uumpisa at bilang lang ang mga taong manonood doon. Wala nang pakialam pa si Finn kung illegal man ang larong sasalihan niya dahil gusto na lang niyang subukan ito. Hindi na niya iniintindi kung delikado o mapanganib ba ang karerang iyon dahil handa siya sa kung anong mangyayari. Mas gugustuhin niya pang ma-disgrasya sa pisikal na paraan, kaysa sa emotional na paraan kagaya na lang ng pagiging sawi niya sa taong minamahal niya. Para sa kanya ay walang makakatumbas sa sakit ng nangyari sa kanila ni Corinne.

Tanggap na ngayon ni Finn na wala na talaga silang pag-asang magkabalikan, kaya eto siya ngayon at sinusubukan lahat ng masama. Unti unti ay nagbabago siya sa paraang mas hindi makakabuti sa kanya.

Halos kalahating oras ang nakalipas nang tuluyan siyang makarating sa event. Nakarating si Finn sa lugar kung saan ito ay nasa labas ng syudad, walang masyadong sasakyan at tao na dumadaan.

"Pre, susi ng kotse mo." Saktong paglabas ni Finn ng sasakyan ay sinalubong agad siya ni Ry, isa sa mga naging high school friends niya noon. Iniabot niya kay Finn ang susi ng kotseng gagamitin nito para sa karera.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon