Chapter 44

2.5K 62 22
                                    

CORINNE'S POV:

Tuluyan kong nabitawan ang kutsarang hawak hawak ko nang sabihin sakin ni Allen ang masamang balita. Umagang umaga pagkagising ko ay mapayapa akong kumakain, pero magmula ng mag-ring ang cellphone ko at sagutin ang tawag ni Allen ay bigla akong natulala.

Hindi ko inaasahan ang ibabalita niya sakin. Naaksidente daw si Finn kagabi dahil sa isang illegal drag racing at nasa hospital siya ngayon. Halos madaling araw na din simula nang maganap ang insidente kaya ngayon lang nabasa ni Allen ang text sa kanya ni Ry.

"Susunduin na lang kita diyan at sabay tayong pupunta ng hospital."

"Okay, sige." Matamlay kong sagot kay Allen saka ko ibinaba ang tawag. Aantayin ko na lang muna siyang dumating dito sa bahay saka kami didiretso ng hospital. Tulala pa din ako sa nangyayari dahil hindi ko inaasahang ganito ang sasapitin ni Finn. Bigla na lang din akong napaluha nang maisip ko kung ano na bang kalagayan niya ngayon.

Okay na ba ang lagay ni Finn?
Maayos na kaya ang pakiramdam niya?

Nagsisimula tuloy gumulo ang isip ko.. Kahit papaano ay hindi ko pa din maiwasang mag-alala sa kondisyon ni Finn..

Ano ba kasing pumasok sa isip niya at sumali siya sa ilegal na karerang yun? Nasisiraan na ba talaga siya ng bait at kung anu-anong kalokohan na ang ginagawa niya? Gusto ko siyang suntukin sa mukha sa oras na makita ko siya sa hospital pero hindi ko pwedeng gawin yun.

Agad ding pumasok sa isip ko ang tungkol sa masamang panaginip ko noong isang gabi.

Natatakot ako..

Ayokong magkatotoo ang dulo ng panaginip kong yun..

Mabubuhay si Finn, magiging okay din siya.

Halos ilang minuto din ang lumipas nang tuluyang makarating si Allen sa bahay. Lumabas na kami at sabay na pumasok ng kotse para dumiretso ng hospital. Habang nasa byahe ay hindi kami nag-uusap at walang nagsasalita ni isa samin.

Alam kong parehas lang kami ni Allen na puno ng pag-aalala sa kalagayan ni Finn. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng tuwa dahil sa kabila ng naging alitan nila noong nakaraang araw ay gusto niya pa ding bisitahin ang kaibigan. Maski naman ako, may mahalagang parte pa din si Finn sa buhay ko dahil sa nakalipas namin noon. Importante siya sakin bilang kaibigan kaya hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanya.

"Nandito na tayo."

Hindi din nagtagal at tuluyan na naming narating ang hospital. Ipinarada ni Allen ang kotse saka kami magkasabay na bumaba.

"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng hallway. Umakyat kami ng second floor kung saan nandoon ang operating room na pinag-iistayan ni Finn.

Saktong pagkaakyat namin ay agad na bumungad samin ang malalapit na pamilya at kaibigan ni Finn.

Halos kumpleto silang lahat. Nandoon sila Fern, tita Raya, at tito Frank. Sa mga kabarkada naman ay nandoon sila Ry, Clark, Daniel, at Ayumi. Lahat sila ay may bakas ng pag-alala sa kanilang mukha habang nag-aantay sa resulta ng operasyon.

Doon ko lang din napag-alaman mula kay Ry na nagtamo ng isang traumatic head injury si Finn dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya. Dahil doon ay kinakailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon. Halos magta-tatlong oras na din silang nag-aantay sa labas ng operating room para lang antayin ang resultang sasabihin ng doktor.

Ang bawat segundo na lumilipas ay parang katumbas na ng ilang taong pag-aantay namin sa kung anong kalagayan ni Finn.

Sa mga oras na to ay wala na akong ibang dinasal bukod sa pagiging successful ng operation ni Finn. Hindi ko siguro kakayanin kapag naging masama ang kalagayan niya.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon