"Kung kailang masaya ka na, doon pa nagsisimulang maging komplikado ang lahat."
"Yieeeeehh.. Sila na talagaaaaa.."
"Ano ba?! Umayos ka nga!" I insisted at naibato ko kay Pam ang unan na hawak ko. Nandito siya sa bahay at pinapunta ko talaga siya para i-update sa good news.
"Aray ko!"
"Ang ingay mo eh! Kanina pa ko tapos magkwento pero di ka pa din makamoveon? Shabu pa?!" Sa totoo lang mahigit isang oras na ang nakalipas after kong maikwento kay Pam na boyfriend ko na si Finn.. pero hanggang ngayon, patuloy siya sa paghampas sakin dala ng sobrang kilig.
"Hindi ko kasi naisip yang Oreo bago ko sagutin si Harvey eh. Iba ka pala best!"
"Ako pa." I sarcastically said.
"Sila tita at tito? Alam na ba nila?"
"Syempre. Kagabi lang kaskype ko silang dalawa. Si Mama naman kilig na kilig. Pero si papa, mala trio tagapayo ang dating." Open ako sa lahat ng bagay pagdating kila Mama at Papa. Pinapayagan nila kong mag boyfriend basta wag lang akong magpapabaya sa pagaaral at siguraduhing alam ko ang limits ko. Nasa Canada sila Mama't Papa at pareho silang nagwowork as financial analyst. Tuwing summer at holiday naman umuuwi sila dito para makasama ako. Sa ngayon, wala akong ibang nakakasama sa bahay kundi ang Tita Aya ko.
"Best, phone mo. Tumatawag si Finn."
"Ay, akin na." She gave it to me and I immediately answered the call.
"Hello?"
"Bakit ang tagal mo sagutin?"
"Sorry naman, na silent ko kasi."
"Nasan ka?"
"Sa bahay lang."
"Pwede pumunta?"
"Kasama ko si Pam eh."
"Okay lang baby."
"Eh? Ano gagawin mo dito?"
"Tatambay lang. Sige na please. Miss ko na agad yung girlfriend ko eh.." Namula naman ako sa sinabi niya. Si Pam naman nakatitig lang sakin at halatang kinikilig.
"Osya, sige. Naalala mo pa ba yung daan papunta?" Paniniguro ko dahil kagabi lang siya nakapunta sa bahay at first time niya yun. Hinatid niya lang ako pauwi pero hanggang gate lang ang inabot niya.
"Oo tanda ko pa. Punta 'ko dyan baby ah? Iloveyou."
"Basta mag iingat ka ah? Ilovey--" Kamuntik ko nang makalimutang pinapanood pala ko ng best friend ko. Ang awkward lang dahil first time niya kong makikitang maglandi ng ganito.
"Go best!! Go best!!"
"HAHAHAHAHA! Siraulo!" Natawa ako ng di oras nang makita si Pam na tumuntong sa sofa at magsasayaw na parang tanga.
"Ano kamo?"
"Ay sorry Finn!! Hindi ikaw yun! Si Pam kasi eh.." Saka ako nabalik sa katinuan nang magsalita si Finn sa kabilang linya.
"Eh ano ngang sabi mo?"
"Sabi ko, I love you."
"Ano ulit?"
"I love you!!"
"Ano?"
"SABI KO MAHAL KITA!"
"Wala kong marinig.." Natatawa niya pang sabi..
"Ang bingi mo naman!! Ayoko na!!"
"Joke lang baby! Ang sarap lang talaga ulit ulitin. Hahaha! Iloveyoutoo!"
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.