Chapter 21

2.9K 80 7
                                    

"People change for two main reasons. Their minds have been opened or maybe their hearts have been broken.. Pain changes people."

Corinne's POV:

3 weeks ang lumipas nang mangyari lahat..
All the heartbreaks and agony that I've experienced from him..
Lahat ng sakit at pangloloko na dinanas ko, I keep that as a lesson to be learned..
Hindi lang sakin, kundi para sa kanilang dalawa..
And now, this is the start of my new chapter in life..

Ang bagong Corinne..
Ang bagong pagkatao ko..

"Papasok na ko ma. Ingat kayo diyan ni papa."

"Sige anak, mag-iingat ka din ah? Mag out ka na."

"Opo ma. Babye." I said habang kinakawayan ko sila sa screen. Ilang minuto lang din ang lumipas at nag-sign out na ko sa skype.

Inoff ko na ang laptop saka ko iniayos ang gamit ko sa pagpasok.

Alam na nila mama't papa ang nangyari samin ni Finn..
Pati na si tita Aya.
Naikwento ko na sa kanila ang mga pangyayari.
Every little thing that happened to us..
And they were so disappointed and shocked sa ginawa ni Finn.

But it's okay..

I just keep a promise to them na hinding hindi ko na pagkakatiwalaan ang mga taong katulad niya..

Never.

"Tita, mauna na po ako."

"Sige Althea. Gagamitin mo ba yung kotse?"

"Opo, ako nang magda-drive."

"Osya, kayang kaya mo na yan eh. Mag ingat ka." I just nodded at her saka ako lumabas para pumasok sa kotse.

And yes, I finally learned how to drive because of my tita.
I started the engine saka ako nagmaneho papuntang school.
Sa tatlong linggong nakalipas, madami akong bagay na pinagka-busyhan.

I almost changed the way I look..
I cut my hair, changed it to a new light brown color, put a little bit of makeup, and transformed my appearance to a more gorgeous and beautiful lady..

I seriously turned into that.. and I noticed na madaming nakapansin ng pagbabago ko.
I am now a blooming and more sophisticated lady..
Thank you for those people who became the reason of these changes..

Finn and Ayumi..

"Best!"

"Hi Pam." I smiled at her nang makadating ako ng school at makababa ng kotse. Sumakto naman ang pagsalubong samin ni Harvey.

"Hi girls. Foundation week ngayon ah, let's enjoy the day."

"Excited na nga ko eh. Masaya yung mga events mamaya!" Natutuwang sambit ni Pam habang naglalakad kaming tatlo sa hallway.

"Ano bang meron mamaya?" I asked them dahil hindi ako aware sa lineup ng events ngayong foundation week.

"Ang alam ko merong magaganap na dance competition sa iba't ibang college. Step Up yata yung title.. And then yung susunod na event is Acoustic Night. Magpe-perform dun yung banda nila Finn for intermission, starting 6pm." He briefly explained and I just agreed.

"Ano best? Baka umuwi ka agad ng maaga ah."

"At bakit naman? May dapat ba kong iwasan?" Bigla akong natawa nang mag-react si Pam.

"Sabi ko nga.. So manunuod tayo mamaya ah?"

"Sure. Tapusin pa natin eh." I confidently said at parang namangha silang pareho sa naging reaksyon ko.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon