Chapter 23

2.7K 63 9
                                    


"Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi baka merong darating na mas okay.. Na mas mamahalin tayo.. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin.."
-- Popoy, from One More Chance (Movie)

Corinne's POV:

"Hindi ko to kaya." That was the only thing that I've said at tumakbo na ko palabas ng kwarto.

Nanlabo ang buong paningin ko dahil hindi ko na napigilan ang pag-iyak..
I don't have any idea saan ako dadalhin ng mga paa ko dahil patuloy lang ako sa pagtakbo..
Kahit saan..
Basta malayo sa mga bagay na nakakasakit sakin..

"Ano ba iha?! Bulag ka ba?!!"

"S-sorry po. Sorry.." I sincerely said matapos kong mabangga ang isang matandang lalaki. Napaatras siya sa sobrang lakas ng pagkakabunggo ko sa kanya..

Hindi ko na din namalayan na nakarating na ko sa kung saang sulok ng hospital..

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sinigawan niya pa ko bago siya tuluyang umalis. Wala na kong ibang nagawa kundi mapaupo sa sahig at magpatuloy sa pag-iyak.

Nakasandal lang ako sa isang pader habang nakayuko ang mukha ko sa magkabilang tuhod..

Ang sakit lang kasi ng nakita ko..
Sobrang sakit..

Alam ko naman na yung totoo eh..
Tanggap ko na lahat..
Pero I never expect na mas doble yung sakit nang makita sila mismo ng mga mata ko..

"Corinne." Naramdaman ko na lang ang boses ng isang familiar na lalaki. Umupo siya malapit sa tabi ko at saka nagsalita.

"I'm sorry.. Hindi na dapat tayo pumunta dun." He calmly said while he's trying to comfort me.

"Allen.. B-bakit g-ganun? Ang s-sakit..." I almost cracked my voice dahil patuloy pa din ako sa pag-iyak..

"Sssshhh. Tahan na." Mas lalo akong napaluha nang itingala niya ang mukha ko at mahigpit niya kong niyakap.

We just stayed in that position at parang ayoko ng bumitaw pa.
I really need to cry on someone's shoulder..
At sa mga oras na to, wala kong ibang mapaglalabasan ng sama ng loob kundi ang lalaking nasa tabi ko..

"T-tangina Allen.. Ang s-sakit s-aakit.." I almost broke down dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Parang anytime ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa mga pangyayari.

"Bakit g-ganun si Finn? B-bakit p-parang ang bilis niyang maka-moveon?" I asked him kahit alam kong hindi naman niya alam ang isasagot.

"Wag ka ng umiyak Corinne.. Nandito lang ako.. Ako hindi kita sasaktan.." Mahinahon niyang sambit at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya kaya natahimik na lang ako..
All I need is to be comforted by someone..
Gusto ko lang ng may maiiyakan at mapaglalabasan..

"Kapag nasasaktan ka na at hindi mo na kaya, tatandaan mo nandito lang ako.. Anytime na kailangan mo ng makakausap, pupuntahan agad kita at tutulungan kita.. Hindi kita iiwan kasi nag-aantay lang ako sayo.. Alam kong masakit pa yang puso mo pero susubukan ko yang pagalingin.. Pangako ko yan sayo, okay?" He said from the bottom of his heart at agad siyang bumitaw sa pagkakayakap.

Kinuha niya ang panyo mula sa bulsa at pinunasan ang mga luha ko.
Para akong natulala dahil sa pagtrato niya sakin..

"Tangina kasi niyan ni Finn eh. Kung sakin ka lang napunta, hindi ko magagawang lokohin ka.. Ikaw yung babaeng dapat pinapahalagan at hindi sinasayang.. Hindi ka dapat masasaktan ng ganito kung ako sana yung mas una mong nakilala noon.. Hayaan mo Corinne, ako magiging sandalan mo sa lahat lahat.." He was so serious habang binibigkas ang mga salitang yun..

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon