Corinne's POV:"Finn?" Bigla siyang napatingin sa direksyon ko hanggang sa nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para tawagin siya. Ewan ko, naguguluhan lang ako. Bakit bigla na lang siyang may kasamang babae? Akala ko ba sila ni Ayumi?
"Woah" Yun lang ang naging reaction niya nang makita ako at bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak niya sa babae. Nabaling ang atensyon ko sa kasama niya nang irapan niya ko. Aba, ang kapal ng mukha ng espasol na to ah. Wala naman akong ginagawa pero kung makairap wagas. Hindi naman siya kagandahan at mukha siyang kaladkarin sa kapal ng makeup at ikli ng shorts niya. Literal, muka siyang buhay na espasol.
"Who are you?" Pagtataray ng babae sakin pero hindi ko na lang siya pinansin pa.
"Finn, kayo ni Ayumi diba? Bakit may kasama kang babae? Why do you---" Hindi ko na natapos pa ang itatanong ko nang magreact agad si espasol.
"What?!! May girlfriend ka?!!! So ginawa mo lang akong pangalawa?!" Kulang na lang ay mag-usok na ang ilong ng babae sa sobrang galit. Hinarap niya si Finn pero kalmado pa din ang naging reaction nito. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari.
"So feeling mo priority kita? You're just one of my girls, honestly apat pa nga kayong pinagsasabay ko eh." Nakangising sagot ni Finn at halos matigilan si espasol sa narinig. Maski ako ay natigilan din at parang naistatwa sa kinatatayuan. Totoo ba tong nakikita at naririnig ko? Hindi ako makapaniwala sa lalaking kaharap ko ngayon. Anong nangyari at nagkaganito na siya? Alam ba ni Ayumi na niloloko na lang siya ni Finn?
I feel sorry for her.
"I'm breaking up with you!" Galit na galit na sabi ni espasol. Napansin kong nagtikom na ang mga kamay niya sa sobrang inis. Talagang naiiyak na siya dahil sa mga nalaman niya kay Finn at mukhang wala siyang kaalam alam na niloloko pala siya nito.
"Fine. Di ka naman kawalan--"
*SLAP!*
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sampalin siya ng babae. Tuluyan na itong umalis at naglakad papalayo. Medyo nakaramdam ako ng awa kay espasol dahil halatang nasaktan siya sa nalaman niya.. at obvious na napamahal na siya kay Finn.
"Hm?" Bigla akong nabalik sa realidad nang umimik ang lalaking nasa harap ko. Ngayon ko lang napagtanto na kaming dalawa na lang pala ang naiwan at natira. Hindi ko alam ang gagawin ngayong kaharap ko na siya. Hindi na siya ang Finn na kinilala ko noon.
"What a coincidence, right? Kaharap ko ngayon ang maganda kong ex-girlfriend." Tinignan ako ni Finn mula ulo hanggang paa, akala mo isa lang akong item na nakadisplay sa department store.
"You know what baby? You really turned into a hotter and sexier woman.. Ahh" Umungol pa siya bago ituloy ang sasabihin.
"Gusto kitang ikama ngayon." Halos kilabutan ako nang magbigay siya ng isang nakakalokong ngiti. Gusto ko siyang sampalin ng napakalakas pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Nababastusan ako sa sinabi niya. He already forgot how to respect a well-fined lady. Napakagago niya. I couldn't believe na magiging ganito siya pag-uwi ng Pilipinas.
"Finn, ano bang nangyari sayo?!" I angrily asked pero hindi siya sumagot. Sa halip ay kumuha siya ng yosi mula sa bulsa at saka niya ito sinindihan. Pinausok niya lang ito sa bibig na akala mo ay walang kaharap na babae. Gusto ko ng maiyak sa pinapakita niya ngayon. Hindi ko talaga naintindihan ang lahat ng nangyayari. Hindi naman siya ganito dati? Ibang iba na ang pagkakakilala ko kay Finn.
"Tell me your reasons why you've changed.." I insisted at agad niyang inalis sa bibig ang yosi para ilipat ito sa isang kamay.
"Come with me and I'll tell you my reasons. Pero doon tayo sa kwarto ko.." He grabbed my waist as he whispered to my ear. Sa sobrang pagkabigla ko ay naitulak ko na lang siya at nasampal ng malakas. Nabitawan ni Finn ang yosi na hawak hawak para himasin ang pisngi. Finally ay nagawa ko din siyang sampalin. Napakabastos niya. Sana naman nirespeto niya ko bilang babae kahit hindi na bilang ex-girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.