Chapter 49

2.9K 59 21
                                    


CORINNE'S POV:

Nandito kami ngayon ni Finn sa isang mall.

Ito yata ang pang-ilang beses na yayain niya kong lumabas.. Napapadalas na din ang pagyaya niya sakin sa kung anu-anong klase ng date, kagaya ng panonood ng movie, pag-nood ng mini concert ng mga banda, pagsama sa road trips at kung anu-ano pang maisip ni Finn.

Ang old school man ng dating pero araw-araw niya din akong binibisita sa bahay para haranahin at magbigay ng kung-ano. Minsan magugulat na lang ako kay Finn na nasa labas na siya ng gate namin para lang mag-surprise visit..

Naalala ko tuloy noong isang beses na magising ako ng 3 am. Bigla kasi akong nakaramdam ng gutom at parang automatic na nag-crave ako sa pizza.

Wala naman akong magawa kaya nag post na lang ako sa twitter na nagke-crave ako sa pizza, pero hindi ko inaasahang gising pa pala noon si Finn at nireplyan niya ang tweet ko. Sabi niya pupuntahan niya ko sa bahay para ibili ang gusto ko. Noong una, akala ko nanti-trip lang siya dahil alas-tres na ng madaling araw nun pero nabigla ako..

3:45 am nang mag text siya sakin at sinabi niyang nasa labas daw siya ng bahay namin. Dali-dali tuloy akong bumaba ng kwarto at nagulat ako nang bumungad sakin si Finn habang hawak niya ang isang box ng pizza.

Talagang pinanindigan niyang gawin ang bagay na yun para lang sakin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa point na yun. Nakaramdam ako ng konsensya dahil alam kong naabala ko pa siya.. But at the same time ay sobrang na-touch at natuwa ako sa effort na ipinakita ni Finn..

"Are you okay?" Nasira tuloy ang pagpapantasya ko nang magsalita siya. Muntik kong makalimutan na nandito pala kami ni Finn sa mall para mag-enjoy at maglibot. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan.

Medyo nahihiya nga ko eh. Ang dami kasing tumitingin saming dalawa, lalung-lalo na kay Finn. Bawat babaeng madadaanan namin ay kusang napapatingin sa kanya.

Hanggang ngayon kasi ay sobrang gwapo at ang lakas pa din ng appeal niya sa paningin ng ibang tao. Yung tipong kahit wala siyang ginagawa ay para mo ng tinititigan ang isang artista.

Napansin ko ding wala ng marks or kahit anong scars sa bawat part ng katawan niya. Halos naka-recover na din siya sa nangyaring aksidente noon.

"Corinne, ano ba? Nire-rape mo ba ko sa isipan mo?" Bigla tuloy akong natigilan nang magbiro si Finn.

Loko to ah? Nire-rape ko daw siya?

"Hindi no!" Sinamaan ko siya ng tingin saka siya tumawa ng mahina.

"Kanina ka pa kasi tulala eh? Wait, doon tayo." Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya saka niya tinuro ang isang music shop. Hindi naman ito ganung kalayuan samin kaya mabilis kaming nakarating doon.

"Ano namang gagawin mo dit---" Hindi ko na naituloy ang itatanong ko kay Finn nang bumungad samin sa loob ng music shop ang isang lalaking kilalang kilala ko.

Nakaupo siya sa isang silya habang kasalukuyang pinapa-tugtog ang bagong electric guitar. Mukhang busy talaga siya kaya hindi niya agad napansin ang presensya naming dalawa.

Pero hindi din nagtagal at biglang natuon ang tingin niya sa direksyon namin ni Finn. Isinang-tabi muna ni Allen ang electric guitar na hawak hawak saka siya tuluyang pumunta sa pinaroroonan namin.

"Bro." Naunang lapitan ni Allen si Finn saka siya nakipag-bro fist sa kaibigan. Pagkatapos nun ay napatingin sakin si Allen na para bang hindi niya alam kung paano niya ko ia-approach.

Pakiramdam ko ay ito ang unang beses na makita ko ulit siya dahil sa tagal niyang hindi nagparamdam sakin.

"Hi, Corinne." Lumapit siya ng kaunti sakin saka siya nakipagbeso. Sa sobrang bilis yata ng pangyayari ay hindi ko namalayang nagdikit na pala ang mga pisngi namin.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon