Chapter 19

3K 78 7
                                    

3rd person's POV:

Whatever you do, never run back to what broke you..

--
--

"Best, tama na yan. Kanina ka pa umiiyak."

"P-pam.. Ang s-sakit eh.. Hindi k-ko kaya yung n-nalaman k-ko.." Nangangatog ang boses ni Corinne habang kinakausap ang kaibigan. Hindi pa din siya makapaniwala sa mga narinig at nalaman niya kay Finn.

She never expected na ganito ang mangyayari sa araw ng 5th monthsary nila. She's feeling down and broken. Hindi niya na nagawang pumasok pa sa mga klase dahil alam niyang mawawala lang siya sa concentration. Mabuti na lang at nakasalubong niya agad si Pam sa hallway at kinomfort siya nito.

"Yung tarantadong yun, wag mo ng iiyakan yun best. Siya naman yung nawalan eh, hindi ikaw." Seryosong sambit ni Pam habang pinapatahan si Corinne. Masama din ang loob niya bilang best friend nito. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang kaibigan dahil mismong siya ay naaapektuhan din.

"P-pero Pam.. ang s-sakit pa din eh. Trinaydor n-nila kong d-dalawa. Ngayon k-ko lang nalaman na s-sila na din ni Ayumi.. P-putangina.. Pinagmuka akong t-tanga." Mas lalong bumuhos ang mga luha ni Corinne habang sinasabi ang mga salitang yun. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.

"Tama na.. Makakarma din yung dalawang yun." Kalmadong sabi ni Pam habang pinupunasan ang mga luha ng kaibigan. Halos hindi niya na makilala ang mukha ni Corinne sa sobrang maga ng mga mata nito. Ngayon ang unang beses na nakita niyang umiiyak ng malala ang best friend niya.

"Magbabayad sila." She seriously said at biglang kinilabutan si Pam nang mapansin niyang nag-iba ang aura ni Corinne. Naramdaman niya ang namumuong sakit at galit sa loob nito.

"Naalala mo pa ba yung hula sayo? Matutukso ka ng paghihiganti dahil pinagtaksilan ka. Hindi yun tama best.. Hayaan mo silang makarma ng kusa." Nag-aalalang sambit ni Pam. Alam niya na agad kung anong nasa loob ni Corinne dahil kabisado niya na ang bawat kilos nito.

Natatakot siyang madala sa galit ang best friend niya. Alam niyang walang kahihinatnan ang bagay na yun kapag itinuloy niya ito.

"Hindi pwede. Ako yung karma nila." Sagot ni Corinne matapos siyang tumigil sa pag-iyak.

Agad nagtayuan ang mga balahibo ni Pam nang mapansin niyang naging tulala ito at parang nag iisip ng malalim.

"Best, nakakatakot ka. Parang di na ikaw yan."

"Ako pa din to Pam, pero hindi na ko yung dating Corinne na tanga at martyr.. Ipaparanas ko lang din sa kanila kung anong feeling ng ginago." She seriously said habang nakatulala.

"Best naman.." Nakakaramdam na ng takot si Pam habang pinagmamasdan si Corinne. Hindi niya na mabasa ang nasa isip nito, pero ramdam niya ang nakatagong sakit at galit ng kaibigan.

"Uuwi na ko Pam. Magpapahinga na ko." Kalmadong sabi nito saka dumiretso ng paglalakad.

"S-sige.. Hatid na kita.."

"Okay lang. Kaya ko na." Pinilit pa ding ngumiti ni Corinne matapos harapin si Pam. Matapos nun ay nagpatuloy na ito sa paglalakad para umuwi.

Wala ng nagawa ang kaibigan kundi hayaan na muna itong makaalis hanggang sa tuluyan ng mawala sa paningin niya si Corinne.

"Bigyan niyo lang ako ng tamang oras, pagsisisihan niyo talaga to." She whispered to herself matapos niyang makahanap ng masasakyan pauwi. Umupo na siya sa jeep at iniabot ang bayad sa driver.

"16 missed calls.." As she checked her phone, bumungad agad ang mga missed calls sa kanya ni Finn. Tinitigan niya lang ito at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon