Chapter 15

3K 62 6
                                    

CORINNE'S POV:

"Kamusta kaya yung napag-usapan nila?" I asked myself habang nakahiga sa kama. Kakauwi ko lang galing sa school at nag-aantay na lang ako ng balita kay Finn.

*PAK!*

"Ano yun?!" Napabangon ako nang di oras nang makarinig ako ng isang bagay na nabasag mula sa cabinet. Agad akong tumayo para tignan ito.

"Shit.." I mumbled matapos kong makita ang isang basag na picture frame sa sahig. Yun ang unang litrato naming dalawa ni Finn noong unang beses siyang nakapunta sa bahay..

Pinasadya ko pang ipalagay yun sa frame dahil special ang araw na yun para sakin.. Pero bakit biglang nabasag?

I suddenly felt bothered and nervous. Hindi ko alam pero biglang naging masama ang kutob ko. Wala namang hangin na nanggaling sa bintana para bumagsak ito ng ganung kalakas..

"Kalma lang Corinne. Picture lang to." I whispered to myself habang nililinis ang picture frame na nabasag.

Wala namang ibig-sabihin to..
Ayokong guluhin ang isip ko.

*Tooot tooot*

Matapos kong magligpit ay narinig kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa kama para tignan kung sino ang nagtext..

"I need you here dahil may masamang nangyari kay Ayumi. Nasa hospital kami, malapit sa likod ng university."

Bigla akong natigilan nang mabasa ko ang text ni Finn..
Anong nangyari sa Ayumi na yun para dalhin siya sa hospital?

"Papunta na ko." I replied saka ako nagmadaling kumilos. Hindi na ko nakapag-paalam pa kay Tita Aya dahil natutulog siya sa kwarto.

Mabuti na lang at saktong paglabas ko ng bahay ay may jeep na dumaan. Agad naman akong sumakay papunta sa hospital na tinutukoy ni Finn.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan..
Ang weird ng feeling.. Bakit ba ganito?

"Is she okay? Ano bang nangyari kay Ayumi?" Muli kong reply. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng konting pag-aalala sa kondisyon ng babaeng yun.

"I'll explain later. Medyo masama ang kondisyon niya ngayon." Ilang minuto lang at nareceive ko na ang reply ni Finn. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang mabasa ito.

Masama ang lagay ni Ayumi?
Ano bang meron?
I just can't stop myself from overthinking habang nasa byahe ako..

"Kuya, dito na lang! Bayad po." Sambit ko nang mapansin kong nasa tapat na ko ng hospital. Iniabot ko na ang bayad saka ako bumaba ng jeep.

Pagkapasok ko sa loob ay saktong nagkasalubong kami ni Finn. Nasa hallway ako nang makita ko siya.

"Finn, ano bang n---"

"I need to tell you something." Hindi na ko nakapagsalita pa nang hawakan niya agad ako sa braso. Sinundan ko lang siyang umakyat ng hagdan, hanggang sa mapunta kami sa tapat ng emergency room.

Mula sa loob ay sinabi ni Finn na nandun ang kinalalagyan ni Ayumi.

"Ano bang meron? Anong nangyari sa kanya?" I asked matapos naming maupo sa mahabang bench sa labas ng ER. Hindi namin pwedeng pasukin ang loob ng kwarto dahil siguradong pagbabawalan kami ng mga nurse.

"Nag usap kami kanina.." Panimula ni Finn pero agad din siyang napatigil.

"Bakit? Anong napag-usapan niyo?" Tanong ko ulit sa kanya. Bigla na lang nanlamig ang katawan ko sa tensyon na nararamdaman.

I feel bothered right now. He can't even look directly in my eyes habang nagsasalita..

"She told me na meron siyang sakit. Stage 3 lung cancer."

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon