Chapter 24

2.7K 69 8
                                    


Corinne's POV:

9 pm na ng gabi at hindi pa din humihinto sa pagbuhos ang malakas na ulan..
Halos bawat oras yata ay naririnig ko ang malalakas na tunog ng kidlat na siyang kinakagulat ko.

Nag decide na din si Allen na tawagan na ang mama niya.. para makapag-paalam na samin muna siya mag-iistay hanggang bukas. Mabuti na lang at pinayagan siya agad nito. And at this moment, kaming dalawa lang ang tao sa bahay ngayon at inaamin kong medyo awkward ang feeling..
This is the first time na magpa-overnight ako ng isang kaibigang lalaki sa bahay. Kahit si Finn ay hindi pa nasubukang mag stay ng buong araw samin dahil agad siyang umuuwi. Pero ngayong umeeksena ang bagyo, I have no choice kundi patuluyin muna dito ng pansamantala si Allen.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya matapos kong iligpit ang pinagkainan namin. Katatapos lang naming kumain at parehas na kaming bumalik ng sala.

"Okay lang.. Medyo takot lang kasi ako sa kidlat eh.." Matabang kong sagot saka ako naupo sa sofa. Pero seryoso talaga, nagsisitaasan ang mga balahibo ko everytime na tutunog ang malakas na kidlat. Ang creepy kasi ng liwanag at tunog nito..

"Tabihan na lang kita para di ka matakot." Nakangiting sambit ni Allen at agad naman siyang naupo sa tabi ko. Hindi ko alam ang ire-react ko sa tuwing kikilos siya ng ganito.

Parang lumulutang ang diwa ko sa sobrang gaan ng feeling.. Sobrang safe at protective niyang kasama.. Yung bang tipong sabihin ko lang ang kailangan ko ay agad niyang ibibigay..

"Allen, ilan na naging ex mo?" Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit yun ang naitanong ko sa kanya.. I just want to start up the conversation and get to know him personally.. Parang ang sarap niya kasing kilalanin ng todo.

"Dalawa." Matipid niyang sagot.

"Luh. Yun lang?" Biglang napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ako gaanong convinced na nakakadalawang ex-girlfriend pa lang si Allen dahil sa itsura at datingan niya. He looks very intimidating and irresistible. Kung titignan mo din kasi siya, isa siya sa mga lalaking hinahangaan at pinapangarap ng karamihan sa babae. Handsome, kind, popular, sweet, humble, talented, hot, and gentleman. Lahat na yata ng kapuri-puri ay nasa kanya..
When it comes to generalizing him, all in one pack na tong si Allen kaya hindi ako magtataka kung nagkaroon na siya ng madaming girlfriend. Nasa kanya na kasi ang magandang looks at personality.

"I swear, dalawa pa lang naging ex ko. Hindi kasi ako yung nanliligaw ng basta-basta." Poker faced niyang sagot at bigla akong na-amazed sa sinabi niya.

Hindi siya nanliligaw ng basta-basta?
Uh.. Kakaiba pala tong lalaking to.

"Pwede mo bang ikwento sakin kung anong nangyari sa dalawang ex mo?" I suddenly became interested na alamin ang buhay at mga nakaraan ni Allen. Since kaming dalawa lang naman ang tao dito, wala akong ibang magawa kundi makipagdaldalan na lang sa kanya.

"Ano to? Aquino and Abunda tonight?" Pagbibiro niya at parehas kaming natawa.

"Dali na kasi!" I patted his shoulder as a sign na magsimula na siyang magkwento.

"Osige. Saan ko ba sisimulan?" He asked habang nakatingala.. mukang nagsisimula na siyang mag-isip ng ikukwento niya.

"Ikaw bahala." Pagkibit-balikat kong sagot.

"Uhm.. yung first girlfriend ko kasi, since first year high school pa ko nun eh. Puppy love pa lang naman siya na matatawag kaya hindi gaanong ka-memorable sakin.. 2 months lang tinagal ng relasyon namin at siya yung nakipag-break. Hindi pa kasi siya legal magboyfriend tapos biglang nalaman ng magulang niya yung about samin.. Ayun, nakipaghiwalay siya."

"Ah.. Eh yung pangalawa?" Follow-up kong tanong. I just noticed na hindi naman pala ganun katindi ang nangyari sa first relationship niya.. Mukang hindi naman intense pakinggan.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon