Chapter 2

6.3K 130 12
                                    

"Hindi naman komplikado ang mga bagay. Tayo lang talaga ang nagbibigay ng dahilan para maging komplikado ito."

"Pam? Bat andito kayo?" Napatayo ako ng di oras sa pagdating ni Harvey at Pam.. Halata sa kanila yung pagtataka sa nangyayari. Alam kong iniisip nila kung bakit kami magkasama ni Finn.

"Harvey Cruz? Am I right?"

"Yes bro. Yung kablock mo last sem."

"I see." Aba ang dalawang poging to. Nagkakausap pala!

"Corinne, how come na magkakilala kayo ni Finn?"

"Ah. Harvey---"

"Nagkakilala kami nung sinunt---"

"Ganito kasi yun!" Agad kong hiniritan si Finn dahil alam ko na ang sasabihin niya. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kay Harvey since ma bibring back na naman ang tunay na dahilan kung bakit ko sinuntok si Finn.. Yun nga ay napagkamalan kong siya ang manyakis na humawak sa pwet ng best friend ko.

"Ano kasi Vey.. Diba nakwento mo sakin na vocalist si Finn.. Eh alam mo namang trying hard ako sa pagkanta kaya nung nakita ko siya dito sa canteen, nagpapicture agad ako.. Wala eh, inspired lang. Ito nga friends na kami agad. Hahahaha!" He nodded at me at halatang naniwala talaga sa sinabi ko. Si Pam naman, napangiti sa ginawa kong dahilan.. although I know na ang baduy ng alibi ko at hindi ganun ka realistic.

"Corinne.. Anong sin---" I quickly gave him a deathly stare at agad siyang napatigil.. Alam kong nagtataka na si Finn sa pinagsasabi ko pero right now, gusto kong sakyan niya na lang ako..

"Yes. Ganun nga bro." I suddenly smiled at him when I noticed na nagets niya na ang gusto kong iparating.

"Small world." Natatawang sabi ni Harvey.. sabay akbay kay Pam.

"Who is she? Girlfriend mo?"

"Yup. So ikaw pala si Patrick Finn Fuentabella? Nice to meet you ah. Best friend ako ni Corinne." Nakangiting sagot ni Pam.

"I see. Nice to meet you din." Akmang aabutin ni Finn ang kamay ni Pam para makipagkamay.. Pero agad umeksena si Harvey at tinapik ang kamay nito.

"Girlfriend ko bro. Walang sulutan."Aba si Harvey. OA talaga kahit kailan.

"Huh? As if naman gawain ko yun bro. Chill lang."

"Siguraduhin mo."

"Oh bakit? Anong masama sa pakikipagkamay?" Yung atmosphere sa kanilang dalawa, parang naging intense.. Masyadong nagkakaseryosohan at hindi ko na alam pa ang pwedeng mangyari..

Harvey naman kasi.. Bat ang OA mo!

"Babe, alam mo gutom na ko. Tara dun."

"Tara. Muntik pa kong mabadtrip."

"B-best.. una na muna kami ni Harvey ah." Automatic na ang pagkakasabing yun ni Pam kaya pinaupo ko na si Finn para bumalik sa pagkain.. But I noticed na sumama ang timpla ng mood niya..

"Gago yun ah. Buti nakapagpigil ako."

"Kalma lang Finn.. Ganun kasi talaga kaseloso yun eh.."

"Bakit kailangang tapikin pa niya yung kamay ko?"

"Hayaan mo na please?" I tried to calm him down as he started to close his fist.. Para bang sobrang napikon siya sa inasta ni Harvey. Hindi nga naman kasi maganda ung way na pagpigil niya...

"Tangina."

"Finn naman eh? Tama na please. Intindihin mo na lang na sa sobrang gwapo mo, pinagselosan ka ni Harvey.. Iniisip niya na baka mainlove sayo si Pam kaya ganun inasta niya.. Odiba?"

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon