This is now my last update.. Sana mapasaya ko kayo. :) Babalik ako sa October para sa new story ni Zeke Allen Mamorno. <3 Mamimiss ko ang mga characters ko dito pero susulpot naman sila sa ibang story. :)
--
--FINN'S POV:
"We're on our way baby. Tiisin mo lang."
"Hindi ko na kaya Finn!! Ang sakit na!! Bilisan moooooo!!"
"Hold on, papunta na tayo." I immediately started the engine saka ko mabilis na pinatakbo ang sasakyan.
We're on our way to hospital.
Ngayon na ang araw kung kailan manganganak si Corinne.
"Ahhhhh--Finn!!! Ang sakit na!!" She was just crying the whole time..
Fvck this. She was in pain.
Kailangan kong bilisan ang pagkilos dahil mahalaga ang bawat segundo.
"Huminga ka lang ng malalim baby. Malapit na tayo, bibilisan ko na okay?" I was trying to make her calm habang mabilis kong pinapaandar ang kotse.
Every words that she uttered, it makes me feel nervous.. Alam kong nahihirapan siya sa lagay na to but I still want her to control everything.
Alam kong kaya niya pang labanan ang sakit.. Everything is going to be fine..
"Malapit na tayo, Corinne.." I said as I noticed na natatanaw ko na ang pinakamalapit na hospital.
It was also a good thing na hindi traffic ngayon dahil madaling araw na. It's exactly 2 am in the midnight kaya walang gaanong sasakyan sa mga kalsada.
"FINN!! ANG SAKIT NA!!!"
"Ito na baby.."
A few minutes passed nang tuluyan naming marating ang hospital. Lumabas ako ng kotse para senyasan yung guard na nagbabantay sa ground floor. I was asking him for some help para alalayan ang asawa ko.
"Wait lang sir."
He said as he immediately called the emergency team.. Binuksan ko ang kabilang pinto para buhatin si Corinne at sakto naman ang pagdating ng mga nurse.
"Kami na pong bahala." Sabi ng isang lalaking nurse matapos niya kong tulungan sa pagbuhat kay Corinne. We successfully positioned her body sa isang stretcher saka nila dinala ito papasok sa loob ng hospital.
"Uhhhggg--Hindi ko na kaya.." She keeps on crying habang dinadala namin siya papasok ng delivery room. I just held her hand to make her feel safe..
"Kaya mo yan baby." I sincerely said as I was trying to show my love and support for her.
Alam kong magiging successful ang paglabas ng bata..
I know she can do it..
"Sige na po sir, kami ng bahala sa kanya. Hanggang dito na lang po muna kayo." Sambit ng isang nurse nang tuluyan kaming makadating sa tapat ng delivery room.
"Please, tulungan niyo yung asawa ko."
"Yes, sir. Babalitaan na lang po namin kayo mamaya." I just nodded at him bago sila tuluyang pumasok sa loob.
I just sat in the bench outside the delivery room.. I will not leave this place unless alam ko na ang resulta ng panganganak ni Corinne.
We still don't have any idea kung ano ang magiging gender ng baby namin. My wife told me na ayaw niyang magpa-ultrasound dahil gusto niyang surprise ang mangyari.
Gusto niyang malaman yun sa oras mismo ng panganganak niya..
15 minutes passed...
I am still waiting.. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan pero natataranta na ko sa nangyayari..
I'm excited but I'm a little bit nervous..
I still remember the previous conversation that I had with my wife.. Sinabi niyang kapag babae ang magiging anak namin, si Corinne ang magpapangalan sa baby.
Pero once na lalaki ang unang isinilang niya, ako mismo ang magbibigay ng pangalan dito.
That's a deal between the two of us..
Pero kung ako talaga ang tatanungin sa magiging unang anak namin, I want it to become a baby boy..
Isang lalaking magdadala ng apelyidong Fuentabella..
But it's okay for me kung babae man ang lumabas.. I'm pretty sure that as she grow up, magiging kasing ganda din siya ni Corinne..
But at this moment, mas mahalaga sakin ang kalusugan ng bata. No matter what would be its gender, okay lang sakin basta makabuo na kami ng pamilya..
30 minutes...
Mag-iisang oras na ang nakakalipas pero wala pa ding doctor o kahit nurse ang lumalabas..
I know I'm very excited..
But I'm willing to wait..
I stood up para magpabalik balik ng lakad..
1 hour and 20 minutes..
Hindi ko alam ang ginagawang process pagdating sa panganganak..
Pero ganun ba talaga katagal?
I hope my wife is okay...
Another 15 minutes passed..
I looked at my watch and it's already 4:30 am in the morning.. Halos magta-tatlong oras na din ang tinagal..
Ano na bang nangyayari sa loob?
I really wanted to enter the delivery room dahil hindi na ko mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto ko nang makita ang lagay ni Corinne at ng baby namin..
As soon as I'm going to open the door, nasakto noon ang paglabas ng doctor.
"Are you the husband?"
"Yes, doc. Kamusta po yung bata?" I nervously asked.
"It was a successful delivery. Halika at pwede ka ng pumasok sa loob."
I breathed out heavily nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa tuwa.
We entered the room and I saw my wife laying in bed, she's taking a rest.. Alam kong masyado siyang napagod sa paglabas ng bata kaya nakatulog na din siya.
"Congratulations sir, it's a baby boy." Nalipat ang tingin ko sa babaeng nurse na nagsalita.
She was carrying our new born baby..
"Can I?" I asked the nurse and she automatically gave me the baby. Dahan dahan kong kinarga ang anak ko at saka ko siya tinitigan ng matagal.
"Welcome to the world, Frost.." I sincerely said as my tears started to drop. Hindi ako makapaniwalang naisilang na ni Corinne ang anak namin..
It's a new and happy life for the three of us..
Nakakasiguro akong magiging maayos ang paglaki ng anak ko..
"Frost? Yun po ba ang ipapangalan niyo sa baby?" I nodded when the nurse asked me.
"Steven Frost Fuentabella.. Yun ang ipapangalan namin sa kanya."
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.