CORINNE'S POV:
"AYAN NA!! AAHHHHH!!!!" Patuloy ako sa pagsigaw sa tuwing dadating na ang nakakatakot na part sa horror movie na pinapanood namin ngayon ni Finn.
"Sssshhh. Baby, ang ingay mo." Seryosong sabi niya habang nakatutok sa pinapanood. Mukhang nadi-distract yata siya every time na maririnig niya ang bawat pagsigaw ko.
Kasalukuyan kaming nanonood ngayon sa living room ng Insidious 3. Alas dose na ng gabi at naisipan kong yayain si Finn na panoorin ang horror movie na to.. Nabili ko ang dvd nito nang magpunta ako sa mall noong isang araw.
"AAAHHHHH!! AYAN NA FINN!!" I screamed as I immediately grabbed the pillow beside me to cover my face. Takot na takot ako sa eksenang nagaganap ngayon. Hindi ko akalaing sobrang nakakagulat ang pagnood ng Insidious Chapter 3.
Ewan ko ba, mahilig ako sa horror pero napaka-matatakutin ko.
Ang gulo diba?
"Ano ba Corinne? Iki-kiss kita diyan pag sumigaw ka pa." Sambit ni Finn na may halong inis at seryoso ang pananalita.
"Ehh, nakakatakot eh." I said habang nakabaon pa din sa unan ang mukha ko.
"Tss. Bakit ka manonood nito kung takot ka din pala?" He grumbled saka siya nagbuntong hininga.
Aw, galit na ba si Finn? Sorry naman, hindi ko talaga mapigilang sumigaw ng malakas.
"S-sorry.. Hindi na ko sisigaw." Inilapag ko ang unan sa bandang lap ko at hinawakan ko ang braso niya bilang senyales ng paglalambing.
"We need to rest. Papatayin ko na to." Marahan niyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya, saka siya tumayo para i-off ang tv. Napatingin ako kay Finn nang ginawa niya yun.
Tinalikuran niya na ko para dumiretso ng pag-akyat sa kwarto.
"Bakit mo pinatay? Nanonood pa ko eh." Sinundan ko siya at bigla siyang napahinto sa paglalakad.
Naiinis ako sa inasta niya, bakit ba minsan ay sinasapian ng pagkatopak si Finn?
"Tapos ano? Pag binuksan ko, sisigaw ka na naman?" Sinamaan niya ko ng tingin na siyang ikinagulat ko.
"Masama bang gawin yun?! Bakit ba ang init ng ulo mo sakin ngayon?" Konti na lang ay magdudugo na ang labi ko sa sobrang diin ng pagkagat nito. Feeling ko ay maiiyak ako agad dahil sa inaasta ngayon ni Finn.
Ewan ko ba, pero this past few days ay parang nagiging emotional ako masyado. Simpleng bagay lang ay kinaka-tampo at iniiyakan ko na.
"You're over acting. I can't focus to watch that movie kung maya't maya ka na lang sumisigaw." Naiirita niyang sagot at mas lalo yata akong nainis sa sinabi niya.
"So ganun?! Edi umakyat ka na ng kwarto at ako na lang ang manonood mag-isa!"
I shouted at him saka ko siya tinalikuran para bumalik ng pag-upo sa sofa.
Bwisit siya, napakaliit na bagay lang eh. Wag na wag siyang lalapit sakin ngayon, kundi susuntukin ko siya sa mukha.
"Baby.."
"Doon ka nga!" I irritatingly said matapos akong tabihan ni Finn sa sofa.
Babyhin niya mukha niya.
Kainis.
"Sige na oh, papanoorin na natin.. Sorry na." He pulled me closer to him saka niya ko hinawakan sa tagiliran para yakapin at lambingin.
"Che! Matulog ka na nga, tutal naiinis ka sa pagsigaw ko diba?!" Pilit akong kumakawala sa pagyakap ni Finn pero ayaw niya pa din akong bitawan.
"Hindi na po.. Sorry na nga oh. Bakit ba napaka-matampuhin ng baby ko?" He asked in a mild voice na para bang sinisimulan na niya kong lambingin. Hinahaplos niya ang buhok ko pero pilit akong umiiwas sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomantikNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.