Chapter 39

2.5K 62 14
                                    

Author's Note:
I suggest na every time na babasahin mo ang story na to, try mong mag-imagine ng bongga, yung bawat linya ay dadamdamin mo para mas ramdam mo yung flow ng story. Haluan niyo ng intense feeling kumbaga, hindi yung basta makabasa lang. XD Hehe, it really works!! Naiyak tuloy yung isa dyan sa previous chapter, you know who you are. XD Haha bye.

--
--

CORINNE'S POV:

"Tama na to Finn, let's stop this. Nakakahiya na." I said saka ako bumitiw sa pagyakap sa kanya. I held his hand para makalayo na kami sa mga tao sa paligid, naiilang na din kasi ako sa bawat tingin nila. Masyado na kaming gumagawa parehas ng eksena at ilang minuto din siguro kaming magkayakap ng sandaling yun.

Napansin ko ang pagsunod samin ni Fern hanggang sa makapunta kami sa seaside area sa labas ng mall. Tahimik ang paligid dito at walang masyadong tao ang nakatambay.

"Ate Corinne, gusto mo iwan ko na lang muna kayo ni kuya? Doon na lang ako sa book fair." Pagpapaalam ni Fern at sumang-ayon na lang ako. Mukhang nakaramdam din siguro siya na kailangan naming mag-usap dalawa ni Finn kaya nagkusa siyang iwan muna kami.

"Hindi mo na dapat ginawa yun.." Panimula ko kay Finn habang nakatayo kami at parehas na pinagmamasdan ang mahinang alon ng dagat. Mula sa bandang tapat namin ay may malaking fence na gawa sa glass na siyang nagsisilbing harang ng seaside.

Napakaganda ng view dito.

Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin sa buong paligid. Maganda ang ambiance ng lugar at sobrang payapa.

"Miss ko na."

"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko nang bigla magsalita si Finn.

"Yung dating tayo.." He answered while looking directly in my eyes. Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

Nailagay ko na lang sa likod ng aking tenga ang mga buhok na kanina pa nakaharang sa mukha ko dahil sa unti-unting paglakas ng hangin.

Ang tanging ingay lang ng ibon na lumilipad sa itaas ang naririnig namin sa ngayon..

Yun lang at wala ng iba pa.

Ang tahimik.

Nabibingi ako sa katahimikan na namamagitan sa amin ngayon ni Finn..

"You know what? Totoo pala talaga yung sinasabi ng iba." Naibaling ko ang tingin ko sa kanya nang muli siyang magsalita. Inaantay ko lang ang susunod niyang sasabihin habang nakapokus lang ang mata niya sa dagat.

Malungkot at malalim ang ekspresyon ng mga mata niya.

"Nasa huli ang pagsisisi." Matapos niyang sabihin iyon ay kusa ko na lang naramdaman ang emosyon na mayroon si Finn. Alam kong sa mga sandaling ito ay puno siya ng pagsisisi at kalungkutan.

"Bakit di mo na lang subukang mag-move on sakin?" Ewan ko ba pero sa dinami-dami kong pwedeng isagot ay yun na lang ang tanging nasabi ko kay Finn. Gusto kong maka-recover na siya sa kung anong meron sa amin noon dahil tapos na ang lahat lahat sa amin.

I know it's very too late for us, and there's only 1% possibility that we can get back together..

Unless magbago talaga ang ihip ng tadhana at mapaibig ulit ako kay Finn.. We'll never know kung anong mangyayari. The future is unpredictable but as of now, I already have Allen in my life at masaya ako sa kung anong meron kami.

"How do I forget someone who gave me so much to remember?" Pinagmasdan ko si Finn matapos niyang itanong yun sakin. Para akong nabara sa sinabi niya. Ano nga dapat kong isagot sa tanong na yun?

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon