"Best.."
Napamulat ang mata ko sa isang familiar na boses. Pagkagising ko ay nakita ko na lang si Pam na nakaupo malapit sa tabi ko.
"Pam, bat nandito ako?" I asked when I suddenly noticed na nasa loob na pala ko ng clinic ng school. Wala kong maalala sa nangyari.. Masakit ang ulo ko at medyo nanghihina ang buong katawan ko.
"Tinawagan ako ni Finn gamit ang cellphone mo. Siya ang nagdala sayo dito dahil nawalan ka ng malay kanina.." She answered and then I realized na nag-antay pala ko ng halos limang oras kay Finn. Nalipasan na ko ng gutom at masyado akong nilamig kaya siguro nag collapse na ang katawan ko.
"Umalis na ba siya agad?" Nalulungkot kong tanong dahil hindi ko man lang siya naabutan..
"Baby, I'm here." Agad akong napabangon sa pagkakahiga nang dumating si Finn..
Tinawag niya ako ulit sa call sign na yun? Hindi na ba siya galit sakin?
"Best, hayaan ko muna kayong mag-usap." Sambit ni Pam at saka siya lumabas ng kwarto para iwan kaming dalawa.
"Finn, yung kanina---"
"You don't need to explain. Alam ko na lahat ng nangyari." He said saka siya tumabi sa higaan ko..
"Pero Finn, hindi pa ko nakakapagpaliwanag---"
"I know baby. Pero sinabi na sakin ni George ang totoo. That was a setup. Ayoko ng pag-usapan pa yun dahil nag-iinit ang ulo ko.. I just want to say sorry dahil hindi kita pinakinggan.. It's my fault na nangyari sayo to.." He sincerely said as he held my hand. Hindi ko ineexpect ang mga sinabi ni Finn.
Tahimik lang ako habang nakatingin at pinapakinggan siya.
"And please Corinne, wag mo na kong aantayin ng ganung katagal. Look what happened to you. Mabuti na lang bukas pa tong clinic at dumating ako, kung hindi.."
"Naabutan mo na kong p---"
"Stop it!" Pagpigil niya sa sasabihin ko. Hindi na ko nakapag-react pa nang agad niya kong yakapin ng mahigpit.. Bigla na lang akong naluha sa moment na yun, feeling ko ito ang unang beses na yakapin niya ko.
Ang sarap lang sa feeling dahil ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong feeling. Kung pwede ko lang itigil ang oras ay ginawa ko na..
"Are you okay now?" He whispered habang nakayakap pa din siya sakin.
"Hindi pa. Dito ka lang.." I insisted as I hugged him more tightly. Narinig ko ang mahina niyang tawa at saka siya nagsalita.
"Ang clingy ng girlfriend ko."
"Ayaw mo ba? Edi wag." Pagdadrama ko kunwari saka ako kumawala sa pagkakayakap. He just looked at me and he smiled.
"Baby, ang ganda mo."
"Ang bolero mo." I sarcastically said pero deep inside, halos tumalon na ang puso ko sa sobrang kilig. Bakit na naman siya bumabanat ng mga ganito?
"Seryoso ako baby. Sa sobrang ganda mo, halos araw araw kitang pinagpa-pantasyahan."
"Ikaw talaga! Ano na naman yang pantasya mo?!!!" Bigla siyang natawa nang maibato ko sa kanya ang unan na hawak ko.
"Relax. I'm fantasizing about our future.." Kalmado niyang sabi.
"Future?"
"I was just imagining that you're walking down the aisle... habang inaantay kita sa altar." He sincerely said while staring at me. Parang biglang lumutang ang pakiramdam ko sa sinabi ni Finn. Gusto kong magwala at magtumbling sa sobrang kilig.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.