THIRD PERSON'S POV:
"For the first time pare! Nagpakita ka din samin!" Magkasabay na dumating si Clark at Daniel sa bahay nila Finn. Nasa rooftop sila ngayon para magkaroon ng isang inuman. Naisipan lang yayain ni Finn ang dalawang kaibigan dahil sa problemang hindi niya na kaya pang solusyunan. Sa gabing ito ay ninais na lang niyang magpakalasing kasama si Clark at Daniel.
"Oh nasan si Allen? Bat di mo sinama?" Tanong ni Daniel matapos pumwesto sa upuan na nakabilog sa table, kung saan doon nakalatag ang limang bote ng alak na may iba't ibang klase. Tatlo lang silang nakaupo doon at hindi sanay ang binata na hindi kumpleto ang barkadang 2Pm. Sa isip isip niya ay minsan na lang silang magkita-kita kaya sana naman ay nakumpleto sila sa gabing ito.
Hindi sumagot si Finn at nanatili siyang tahimik. Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon kaya kinuha niya na lang ang baso para lagyan ito ng tequila.
"Problema natin?" Seryosong tanong ni Clark. Matapos niya kasing pagmasdan ang kakaibang kilos ni Finn ay nahalata niya ng may dinadamdam itong problema. Nasa bokabularyo na din kasi ni Clark na sa oras na magkayayaan silang magkakaibigan na uminom ay automatic na may magaganap na maboteng usapan.
Tinitigan lang ni Clark at Daniel ang kanina pang nananahimik na kaibigan. Tulala lang ito na parang sobrang dami at lalim ng iniisip.
"Tangina naman Finn. Wag mong sabihing mahal mo pa?" Napatawa ng mahina si Daniel matapos siyang magtanong pero bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. Ayaw niya munang gumawa ng walang kwentang biro dahil alam niyang hindi ito ang tamang oras para doon.
At oo, natumpak niya agad kung ano ang nasa loob at isip ngayon ni Finn. Matagal na silang magkakakilala kaya kabisado na nila ang bawat kilos ng isa't isa.
"Mahal ko pa." Matipid na sagot ni Finn saka ito ngumiti ng malungkot. Sa naging reaksyon niyang yun ay parang nakaramdam ng konting kirot sa dibdib ang dalawang kaibigan.
Hindi nila alam kung bakit, pero sa tuwing nakikita nilang nasasaktan at nahihirapan ang isa sa kanila ay nagiging isa ang emosyon nilang magkakaibigan.
"Alam mong wala ka ng pag-asa kay Corinne bro. Bakit di na lang si Ayumi ang mahalin mo?" Tanong ni Clark matapos niyang i-shot ang isang basong wine. Nagsimulang umihip ang malakas na hangin mula sa rooftop kaya mas naramdaman nila ang tension kung gaano kaseryoso ang usapan nila. Inantay lang ng dalawang kaibigan ang sagot ni Finn habang kasalukuyan itong nakatingala at pinagmamasdan ang buwan sa itaas.
"Sinubukan ko na pero wala eh." Malungkot na sagot ni Finn at wala ng naimik pa sa kanilang tatlo.
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila dahil hindi alam ng dalawa kung ano ang dapat na isagot sa narinig.
Sa isip isip ni Daniel, hindi siya sanay na makitang nagkakaganito ang kaibigan niya. Nababaklaan siya sa dating kaya gustung gusto niya ng bumanat ng biro para mapatawa si Finn, pero mukhang hindi talaga ito ang oras para sa biruan.
"Gago ka kasi eh. Iniwan iwan mo dati tapos ngayon magsisisi ka? Alam mong sila na ni Allen kaya wala kang magagawa." Sambit ni Clark. Hindi naman galit ang tono niya dahil natural lang sa kanya ang maging prangka at magsalita ng ganoon. Nagsimula na din siyang maglagay ng alak sa baso at saka niya ito ininom.
"Bro, hindi mo din pwedeng sisihin si Finn. Bumabalik talaga ang feelings mo sa isang tao kung kailang huli na ang lahat."
Hindi inaasahan ni Finn ang naging komento ni Daniel. Ang akala niya kasi ay manunumbat din ito at ipapamukha sa kanya na siya ang may kasalanan ng lahat. Pero kasalungat sa sinabi ni Clark ay yun ang nabanggit ni Daniel. Naiintindihan kasi niya kung anong sitwasyon ngayon ni Finn dahil nasubukan na din naman niyang umibig noon.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomanceNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.