Chapter 36

2.6K 61 10
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot." Saktong pagkauwi ni Corinne sa bahay niya ay sinalubong agad siya ni Allen. Kanina pa ito nag-aantay sa labas ng gate nila dahil walang tao sa loob. Ang tita Aya niya ay mayroong business meetings na ginaganap sa ibang lugar kaya minsan na lang din ito umuwi sa bahay.

Ilang oras nang nag-aantay si Allen kay Corinne at sobrang nag-aalala siya na baka mayroon nang masamang nangyari dito. 9 pm na ng gabi kaya nagtataka siya kung bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya.

"Sorry. Doon na lang tayo sa loob mag-usap." Matabang na sagot ni Corinne saka niya binuksan ang gate ng bahay gamit ang dalang susi. Pumasok sila sa loob at saka dumiretso ng sala.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" May halong pag-aalala ang tanong ni Allen nang makaupo sila sa sofa. Napansin niya kasing may halong kalungkutan o kakaiba sa kilos ngayon ni Corinne.

"Okay lang ako.." Ngumiti ito ng malungkot saka siya tumingin ng direkta kay Allen. Doon ay nagkaroon ng access ang binata na mapansin ang namumugtong mata ni Corinne.

"Umiyak ka ba?" Hinawakan ni Allen sa magkabilang pisngi ang babaeng kaharap. Dumoble ang pagkabigla at pag-aalala niya dahil nahalata niya sa mga mata nito ang sobrang pag-iyak. Alam niyang hindi okay si Corinne at nasisiguro niyang may hindi magandang nangyari sa pag-uusap nila ni Finn.

"Anong ginawa niya sayo?" Yun agad ang pambungad niyang tanong dahil nakakasiguro siyang may kinalaman si Finn sa kakaibang kilos ngayon ni Corinne. Ayaw talaga niyang nakakakita ng babaeng umiiyak lalo na pag napakahalaga nito sa buhay niya. Pumapasok na naman sa isip ni Allen ang mga karanasan ng mama niya at ayaw niyang maalala pa yun.

"Wala to, okay lang ako.." Pagsisinungaling ni Corinne saka siya tumingala para mapigilan ang mga nagbabadyang luha. Naaalala na naman kasi niya ang pananamantala sa kanya ni Finn, pati na din ang pagtuklas niya sa mga nangyari sa nakaraan nito.

"Please. Sabihin mo sakin kung anong nangyari." Sa mga sandaling iyon ay naging seryoso na ang aura ni Allen. Hindi niya talaga mapagtanto kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nagkakaganito si Corinne. Pinagmasdan niya ang itsura nito na nananamlay at namumutla.

"Allen, kasi---fft" Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang tuluyan na siyang mapaiyak. Napayuko na lang si Corinne at sabay na tinakpan ng dalawang kamay ang mga mata niya.

Natatakot siyang sabihin kay Allen ang totoong nangyari dahil nahihiya siya, at the same time ay natatakot sa kung anong pwedeng gawin nito kay Finn sa oras na malaman niya ang totoo.

"Sabihin mo sakin lahat. Just tell me what happened.." Kinuha ni Allen ng panyo mula sa bulsa, saka niya tiningala ang mukha ni Corinne para mapunasan ang mga luha nito. Nasasaktan siyang makita na nagkakaganito ang babaeng mahal niya. Hindi niya alam kung anong nangyari at gusto niya talaga itong malaman.

"Wag na, okay lang."

"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sakin." This time ay nakakaramdam na ng kaunting inis si Allen. Medyo naiirita na siya sa mga sinasagot ni Corinne dahil obvious naman na salungat ang sinasabi niya sa kinikilos niya ngayon. Alam niyang may masamang nangyari at hindi siya okay.

"Si Finn.." Naputol agad ang sinasabi ng dalaga dahil hindi niya kayang ituloy ang susunod na sasabihin. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya dahil nakatitig lang sa kanya ang lalaking kaharap.

Walang imik na ginawa si Allen at halatang nag-aantay lang ito na magsalitang muli si Corinne.

"Pinagsamantalahan niya ko.."

Matapos niyang banggitin ang salitang yun ay nanaig ang katahimikan.

Sa sobrang pagkabila sa narinig ay halos matahimik at matigilan si Allen. Natulala siya, at the same time ay unti-unti nang nagpo-proseso sa isip niya ang sinabi ni Corinne.

It Started With A ShameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon