Allen's POV:
Niyaya ko si Corinne sa condo unit ko pagkatapos ng dinner namin. Wala lang, gusto ko lang siyang makasamang matulog ngayon. Hinatid ko muna siya sa bahay nila dahil kukuha daw siya ng konting gamit since sa condo ko na siya aabutan ng umaga. At oo, pinapayagan naman kami ng tita niya na gawin to paminsan minsan. Malaki yung tiwala niya sakin, especially ang mga magulang ni Corinne na kasalukuyang nasa Canada pa din. Nakilala ko sila 4 years ago, kahit noong magkaibigan pa lang kami. Every Christmas or sa tuwing may special occasion ay umuuwi sila ng Pilipinas para dito magbakasyon. Minsan din sinasama nila ko sa kung anu-anong hangout nila kaya feeling ko tuloy, sobrang welcome ako sa pamilya niya.
"Nahihiya pa din ako sa nangyari kanina! Ikaw kasi eh!" She said matapos naming makapasok sa condo unit ko. Iniisip na naman siguro ni Corinne yung nangyari sa restaurant, yung bigla siyang sumigaw at napatayo.
Haha, ang cute ng reaction niya eh. Porket sinabi ko lang na mangbababae ako, naniwala naman siya. Alam niya namang biro ko lang yun at hinding hindi ko yun kayang gawin sa kanya. Mahal ko eh.
"Sssshhh. Matulog na tayo." Ni-lock ko na ang pinto at binuhat ko siya para ihiga sa kama ko. Tinabihan ko siya at hinawakan ang bewang niya para yakapin ng mahigpit.
Hah, wala siyang kawala ngayon.
"Pagsasamantalahan mo na naman ako ah!" Sigaw niya at bigla akong natawa. Please don't get her wrong. Isa lang yun sa pagiging sarcastic ng mga sinasabi niya. And in fact, kahit dalawang taon na kaming magkarelasyon ni Corinne ay never ko siyang ginalaw. I never touched any of her private parts dahil nirerespeto ko siya at natatakot ako na baka maging bastos ang dating nun sa kanya. Bigla ko tuloy naalala nang tanungin ako ni Clark at Daniel kung nagawa na daw ba namin ni Corinne ang bagay na yun. I don't want to state that word, basta yung "make out" thing. Alam niyo na siguro kung ano.
Tapos yung dalawang gago, pinagtawanan lang ako nang malaman nilang hindi ko pa ginagalaw si Corinne. Palibhasa may mga experience na eh. Ang weak ko daw, bakit hindi ko daw subukan kung bibigay siya? Tangina ng mga yun. Pero wala eh, tropa ko. Mga lalaki din kasi sila, ganun pag-iisip ng karamihan samin. Yung bang kasama sa "pride" namin kapag nakagalaw kami ng babae. "Jackpot" kumbaga.
Pero para sakin, mas nakakagwapo pa din kapag marunong kang rumespeto. Wala akong pakialam kung sabihan ako ng kung-anu ano porket hindi lang namin nagagawa ang bagay na yun. Iba kasi si Corinne, hindi siya basta-bastang babae. Ayoko siyang gawan ng masama. Pero sa totoo lang, kayang kaya ko siyang galawin anytime na gustuhin ko pero hindi ako ganoong tao. She deserves to be respected. Mas okay na gawin ko lahat ng gusto ko sa kanya pag kinasal na kami.
Pero oo, lalaki pa din ako. Kahit anong tyaga ko sa pagpipigil, hindi ko maikakailang nate-tempt din ako sa kanya pa-minsan minsan. Hindi ako plastik at aminado talaga kong natutukso din ako. (Sa kanya lang, wala ng iba)
Sa ganitong klase ba naman ng babae na maganda, sexy, and very appealing sa paningin, magiging santo ka ba palagi? Syempre hindi. Dumadating talaga sa point na gustung gusto ko na eh, kaso mas nananaig pa din ang pagmamahal at respeto ko sa kanya. I'm just trying to become a real gentleman. Pwede ko pa naman siyang mahalin sa mas marami pang paraan. Am I too good for that?
"Matulog na tayo. I love you C---" Hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko.
Tinulugan na nga ako.
"Badtrip, nauna ka pa sakin." Bulong ko matapos ko siyang halikan sa pisngi. Nakatingin lang ako sa kanya habang yakap yakap ko siya. She looks perfect. Ang haba ng pilikmata niya, natural ang pula ng cheeks at ng labi. Sobrang ganda, yung tipong hindi mo pagsasawaang tignan.
Minsan naisip ko, pakasalan ko na kaya tong babaeng to? Kaso alam kong masyado pang maaga para sa ganung bagay and we're just 22 years old. Madami pa kaming pwedeng pagdaanan na mga bagay at kailangan muna naming atupagin ang kanya-kanyang trabaho sa ngayon. Or should I say, we need to invest for our future?
"Zzzz.." She was still asleep pero bigla siyang napa-side view sa tapat ko, unintentionally showing her cleavage in her cocktail dress. Hindi ko na napigilang mapatingin dito dahil biglaan ang pangyayari. Para akong sumisilip sa itsura ng langit. Sobrang lapit ng private part niya sa mukha ko at para akong tinatamaan ng pagkalalaki.
Real shit, Allen. Wag kang gago, magpigil ka.
"Ahhh" Napa-buntong hininga na lang ako matapos bumangon sa pagkakahiga. Hindi ko na siya kayang tignan at hindi ko pwedeng galawin. Ayoko siyang pagsamantalahan habang natutulog.
Fck, sinusubukan yata ako ng tukso.
"Goodnight." I said to her kahit alam kong hindi niya na ko naririnig. Kumuha ako ng kumot at binalot ito sa katawan niya para hindi na magkasala pa ang mga mata ko. Bakit ba kasi sobrang nabiyayaan tong babaeng to eh. Ang ganda na ng ugali, perfect pa yung looks.
Gold star, oo. Ang swerte ko sa kanya.
"Ayokong matukso kaya dito na lang ako sa sofa." I said matapos siyang iwan mag-isa sa kama. Lumipat ako ng sofa para doon na mahiga. Same kwarto pa din naman at lumayo lang ako ng konti sa kama. Ayoko lang kasing matempt. Baka pag tinabihan ko pa siyang matulog at nakita ko na naman yung ano niya, ewan ko na lang kung anong mangyari.
But hey, don't get me wrong. It doesn't mean that I feel tempted sometimes, it means I don't respect her. Lalaki pa din kasi ako, nasa nature din namin na tamaan ng "kaanuhan" paminsan-minsan.
But, shit. How do I explain that term in a nice way? Ayoko ng palawakin, basta ayun na yun. Marunong naman akong magpigil. Mahal ko siya at ayokong maturn-off siya sakin.
"Ugh, ang ineeeeeeet!!!" Bumangon ako sa sofa nang marinig kong sumigaw si Corinne. I just looked at her kung anong problema at nakita kong nakaupo na siya sa kama habang hinuhubad ang dress niya.
Shit, anong ginagawa nito? Nakapikit ang mga mata niya habang tinatanggal ang soot.
"Hey, stop it!" Bago pa siya magpatuloy sa paghuhubad ay napigilan ko na siya. Mukhang hindi namamalayan ni Corinne ang ginagawa niya dahil tulog pa din ang diwa niya.
"Wake up!" I said habang tinatapik ng mahina ang pisngi niya. Pero mukhang wala siya sa tamang kondisyon at nakapikit pa din ang mga mata niya.
"Allen, patanggal nga ng bra kooo. Ang inet eh." Nabigla ako sa sinabi niya.
Ano bang nangyayari sa girlfriend kong to? Tulog ang diwa pero nagagawa pa kong tuksuhin?
Ano ba, seryoso ba siya? Tatanggalin ko yung bra niya? No. I can't do that dahil sigurado akong magkakasala ang mga kamay at mata ko. And besides, hindi ko alam kung paano tanggalin yung bagay na yun. Ano bang alam ko sa pagtanggal niyan? That's a girl thing.. unless naexperience ko nang gumawa ng milagro.
Si Finn, alam kong nagalaw niya na si Ayumi noon at sigurado akong expert na siya. Sila Clark at Daniel, isang tingin mo pa lang, halatang may mga experience na eh. Ako na lang talaga ang wala pa, dahil natatakot ako.
Tangina, Allen. Ano ba tong mga iniisip ko?
"Sleep talking ka. Humiga ka na nga." I calmly said saka ko siya ibinalik sa pagkakahiga. Mabuti at hindi na siya umimik pa dahil mukhang tuluyan na siyang nakatulog. Ano bang mainet ang sinasabi niya? Sobrang lakas na nga ng aircon tapos pagpapawisan pa siya?
"Please lang Corinne, patulugin mo na ko." I whispered to myself after I kissed her forehead. That was my last sign of goodbye for this night. Sana wag na siyang magsalita ng ganun habang natutulog. Kinakabahan ako eh.
I went back to sofa para mahiga pero biglang tumunog ang phone ko. I checked the inbox para malaman kung sino ang nag text.
"Bro, next week na pala ang dating nila Finn at Ayumi. May simpleng party daw na magaganap kaya pumunta daw tayo. Sa private resort nila Ayumi magaganap."
Si Clark ang nagtext.
So sa susunod na linggo na pala ang pagdating nung dalawa. Finally after one year, magkikita na kami ulit ng tropa ko kasama ang girlfriend niya.
"Sige bro. See you." I replied at dumiretso na ko ng pagtulog.
BINABASA MO ANG
It Started With A Shame
RomantikNang dahil sa isang kahihiyang ginawa ko, nagsimulang mag-iba ang mundo ko.