CHAPTER TWENTY TWO

244 15 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan, wala na sa tabi ko si Vincent. Wala na rin akong lagnat. Lahat na yata ng init ko sa katawan nawala kagabi. Ang galing kasi ng nars ko. Hehe. Pinagluto ako ng kumag ng breakfast at pinainom ng gamot. Ansarap talaga ng feeling na may taong nag-aalaga sayo pag maysakit ka. Lalo na kapag mahalaga yung taong yun sa'yo. Sa kaso namin ni Vincent, masaya ako sa bawat oras na kasama siya. Kulitan, harutan, asaran, pikunan, yakapan at halikan. Sa tuwing nagkakahiwalay kame o uuwi na siya, nagkakaroon ako ng separation anxiety. Feeling ko nga, ginayuma ako ng kumag na 'to eh. Nilagay siguro niya sa pritong itlog. Pagkatapos namin magbreakfast, nasa kwarto lang ulit kame. Wala kasi akong gana manood ng TV eh.

"May sasabihin ako sa'yo..." simula niya.

"Tungkol saan naman?" tanong ko.

"Kung bakit di ako nagparamdam kahapon."

"Bakit nga ba?" tanong ko ulit.

"Oathtaking kasi namin kahapon sa MOA." sagot niya.

"Okay." sabay labas ng kwarto. Dumiretso sa sala.

Oathtaking naman pala niya. Di man lang sinabi sakin. Eh di sana pumunta ako. Nakakaasar! Mas pinili pa niyang 'wag magparamdam sakin. Kung ayaw naman niya ako papuntahin, sana sinabi man lang niya.

"Pao, sorry na." sabi niya.

"Ayos lang!" sabi ko naman.

Sa lahat na siguro ng mga taong nakita ko nagsosorry, siya lang ang bukod tanging nagsosorry na nakangiti. Di ko alam kung sinasadya niya yun, sadyang ganun lang talaga siya magsorry o nagpapacute lang. Natawa na lang ako sa itsura ng kumag. Bigla naman niya ako niyakap. Nakakaasar! Balak ko pa naman sana patagalin yung di pagpansin sa kanya. Maya-maya may kinuha siya sa kanyang bag, yung sulat na bigay ko sa kanya at isang maliit na box. Binasa ko ulit ang sulat na binigay ko sa kanya para ipaalam na kami na. Ang corny ko pala!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Letter to Vincent

August 17, 2009

Kumag,

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo tungkol sa desisyon ko. First time ko kasing me-experience na ligawan. I tried asking you kung may gusto kang tanungin o malaman mula sakin pero sabi mo wala naman. Di ko kasi alam paano kita sasagutin kung wala ka naman tinatanong. Kaya, idadaan ko na lang din sa sulat ang sagot ko. Tutal, sa sulat mo rin sinimulan ang panliligaw mo.

Kakaiba ka rin ano? Andami kong first time sa'yo. Mula ONS hanggang sa pagkain ng street foods. Maligawan, i-date sa McDo, tumambay sa Gbelt hanggang madaling araw, makasama kong sa bahay kahit tatlong araw lang at ipagluto ako. Masaya ako sa pitong araw na yun. Lalo na sa huling tatlong araw na nakasama kita.

Maraming salamat, Vince.

PS: Oo na.

Benefits: Unlimited Hugs and Kisses. Sexy time is available upon request.

Paolo
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos kame maglunch, nagyaya ang kumag magjoyride. Tanghaling tapat, magjojoyride kame. Ayos! Siguro mga 30minutes na kame paikot-ikot sa BGC nung nagkaroon na siya ng plano kung saan kame pupunta. Kung hindi ko pa siya kinulit ng kinulit kung saan kame pupunta, di pa siya mag-iisip. Kahit naka-aircon yung sasakyan, mainit parin. At tsaka, nakakaburaot gumala ng tanghaling tapat. Ayoko pa naman na jinajabar ako. Nakakadyahe.

"Oh, saan na tayo ngayon?" tanong ko.

"Sa Makati, magpapark." sagot niya.

"Bakit dun? Iuwi mo na nga lang ako."

"Relax ka lang diyan. Ingay mo!"

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Akong bahala. Chill ka lang!"

Paano kaya ako magchi-chill eh hindi ko alam kung saan ang punta namin? Ayos din sa trip 'tong kumag. Punta lang daw kame sa Makati para magpark. Pero alam kong may plano na namang kaweirduhan 'to. Di na lang ako nagreklamo pa habang papunta kame sa Makati. Ipinark ang sasakyan sa carpark ng Glorietta . Bumaba. Umikot-ikot. Pumunta ng G4. Bumili ng blizzard sa dairy queen. Pumasok sa Timezone. Naglaro ng Time Crisis, Air Hockey, Basketball, Go-go Balls at Tekken. Una akong natigok sa Time Crisis. Panalo naman ako sa Air Hockey. Talo ako sa Basketball. Sumakit ang kamay ko sa paglaro ng Go-go Balls. Pambata ang laro na 'to pero enjoy na enjoy ako. Haha!

"Ang noob mo naman!" sabi ni kumag habang naglalaro kame ng Tekken. Si Eddie ang gamit niya, si Hwoarang naman yung sakin.

"Ikaw na magaling!"

"Sus. Si Eddie na nga lang gamit ko, di mo pa matalo-talo!"

"Anyabang mo!"

Obviously, talo ako sa Tekken. Sunod naman niya yaya sakin eh yung Dance Revo. Di ako pumayag. Siya lang ang sumayaw. Hindi man lang pinawisan. Abnormal yata 'tong taong to eh.

"Music zone naman!" sabi niya pagkalapit sakin.

"..na naman?" tanong ko.

"Tara na baby, 'wag ka na umarte!" sabi niya sabay hila sakin.

Kilig much. First time niya akong tawagin baby simula kahapon nung nagkasama kame. Oo nga pala, baby ang gusto niyang tawagan namin nung tinanong ko siya dati. Pagdating namin sa may music zone, walang bakante. Kelangan pa namin maghintay. Sabi ko, wag na lang kame magmusic zone, hindi siya pumayag. Umupo na lang muna ako. Siya naman, nanonood ng naglalaro ng Tekken. Di ko naiwasan mapatitig sa kanya. Ang kyut niya lang pagmasdan na nanonood. Nakangiti, parang batang musmos Haha.

"Baka naman matunaw ako sa kakatitig mo!" sabi niya sakin nang nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Kinindatan ko siya bilang sagot. Lumapit siya sakin kung saan ako nakaupo. Tinabihan ako. Inakbayan ako habang nanonood ulit dun sa naglalaro ng Tekken.

"Gusto mo round 2?" tanong ko sa kanya.

"Round 2 ng ginawa natin kagabi?" balik niyang tanong habang nakangisi.

"Libog mo. Air Hockey tinutukoy ko..." sabay tayo at pumuwesto sa kabila.

As usual, talo na naman ang kumag sa Air Hockey. Nood kasi. Hihirit pa sana ako ng round 3 kaso may bakante na sa music zone. Syempre, nauna na ang kumag bago ko pa sabihin na may bakante. Napaka-alisto talaga. Pagpasok ko, hawak na niya ang song at naghahanap na ng kanta.

"Tig-isang kanta lang tayo baby ah?" sabi niya nung nakaupo na kame.

"Bakit?" tanong ko.

"May pupuntahan pa kasi tayo eh."

"Saan?"

"Basta baby, malalaman mo din!"

Wala akong maisip kung ano yung kakantahin ko. Sabi niya, dapat yung kakantahin ko eh yung kanta ko daw para sa kanya o di kaya eh theme song namin. Alam ko na ang kakantahin ng kumag. At dahil siya ang mauunang kumanta, di ko na pwedeng piliin ang kantang yun.

"May napili ka na baby?" tanong niya.

"Oo naman!" sagot ko.

"Ano naman?" tanong ulit niya.

"Basta! Haha!" sabi ko.

Tumayo na ang kumag. Pinindot ang numero ng kanta. Ni-swipe ang card. Pinagawa ko na rin sa kanya yung para sa kanta ko para di na ako tumayo.

oooo0000 VINCENT 0000oooo

You'll Always Be My Baby - David Cook

Habang kumakanta ang kumag, patingin-tingin pa sakin. Akala mo professional singer talaga. Wala naman sa tono. Piyok naman ng piyok. Haha. Pero kinilig ako nung hinawakan niya ang kamay ko habang kumakanta.

oooo0000 PAOLO 0000oooo

Baby I Love Your Way - Mig Ayesa

Mula simula hanggang matapos ang kanta, hindi ko tiningnan si Vincent. Nahihiya ako. Kaya pag inihaharap niya yung mukha ko sa kanya, pumipikit ako. Pagkatapos kong kumanta, tumayo agad ako at nilagay yung mic sa lagayan nito. Di ko namalayan na tumayo din si Vincent sa likod ko. Bigla akong niyakap at ninakawan ng halik sa pisngi.

"Bakit yun?" tanong niya sakin habang palabas kame ng timezone.

"Bakit ang alin?" balik kong tanong.

"Bakit yun ang kinanta mo kanina?" tanong ulit niya.

"Kasi lahat ng gusto kong sabihin sa'yo, nasa kantang yun!" sagot ko.

"Kaya pala..."

"Kaya pala ano?"

"You wanna be with me night and day!" sabi niya sabay kindat.

"Conceited!"

"Asus! Deny ka pa. Halika ka nga dito!"

Bigla akong inakbayan ni kumag. Nakaakbay siya sakin habang naglalakad. Pag tinatanggal ko pagkaakbay, binabalik ulit niya. Wala daw siya pakialam sa mga tumitingin. Anlakas ng loob akbayan ako eh anliit niya sakin. Para tuloy siyang engot. Akala ko pauwi na kame pero hindi sa carpark ang wag namin. Sa ibang way ako dinadala ni Vincent at mukhang may iba pa kaming puntahan. Nabanggit kasi niya yun kanina habang nasa music zone kame. Kaya tig-isang lang kame ng kinanta. Parang alam ko na kung saan kame papunta pero baka may bibilhin lang siya dun na pagkain. Pero naglunch na kame sa bahay. Sana mali ako. Ayoko umabsent sa trabaho pero ayoko din matapos ang araw na 'to na hindi siya kasama.

Argh! Bahala na!

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon