Malamig na naman ang simoy ng hangin. Siguro dahil malapit na rin ang pasko. Ansarap matulog. Nakakatamad pumasok sa trabaho. Panahon na naman ng bigayan. Marami na naman bait-baitan. Pag panahon ng kapaskuhan, kalungkutan ang nararamdaman ko. Disyembre kasi namatay si erpat nun eh, yung Tito ko naman isang araw pagkatapos ng araw ng pasko. Tandang-tanda ko pa nun, desidido akong kumpletuhin yung 9 mornings. Sabi kasi nila, kapag nagawa mo daw yun, matutupad ang wish mo. Naalala ko nun, excited ako sa unang araw, ang aga ko nagising. Kasama ko ang mga kaibigan ko sa misa. Pagkatapos ng misa, may libreng kape at tinapay sa labas ng simbahan. Sa pangalawang araw, di na ako nakasama sa mga kaibigan ko sa misa. Namatay si erpat ng madaling araw.
Nung unang araw pa lang pag-uwi ko, nakita ko na hinang-hina na si erpat pagkakita ko sa kanya na nakahiga. Mga bandang alas-otso ng umaga, nagdesisyon si Mama na isugod siya sa ospital. Pero di naman magawa dahil sobrang bigat ni erpat nun. Triple nung timbang niya ng araw na yun. Parang may gustong ipahiwatig. Pati yung Tito ko at kuya ko ay di siya mabuhat. Kinailangan pa nila ilagay siya sa upuan para mabuhat. Pumunta ako sa hospital ng gabi, para kung may kailangan ipabili, ako ang gagawa. Tatlo lang kame nakabantay kay Papa - ako, si ate at si Mama. 'Yung iba kong kapatid, hindi namin mahagilap. Umuwi saglit si Ate, si Mama naman bumili ng gamot at pinuntahan yung doctor. Nung nakabalik silang dalawa, may pinabili sakin si Mama. Si ate, pinapakain si erpat para makainom na ng gamot.
Pagbalik ko ng ICU, nagpatulong si ate na lagyan ng NGT si erpat, di na kasi kaya ng katawan ni erpat na kumain eh. Hindi rin nagwork yun paggamit ng NGT. Nung time na yun, nagpabili sakin si Mama ng makakain. Pagbalik ko, kinakausap na nila si erpat. Pareho silang umiiyak habang kausap siya. Kita ko si Papa na lumuluha kahit hindi makapagsalita habang nakatingin sa akin. Kinausap ulit siya ni Mama, sinabi niya sila na bahala sa akin. Alam ko naman kasi na kaya siya ayaw muna bumitaw dahil inaalala niya ako. Gusto niya makita na makapagtapos ako ng pag-aaral. Nakatayo lang ako sa likod ni Mama, di ko alam ang gagawin ko. At exactly 3:40 in the morning, he was declared dead. Ang hirap. Lalo na 'pag nasaksihan mo ang kanyang huling paghinga. Mas doble ang sakit.
DECEMBER 17, 2009
"Baby, Happy 4 months! See you later. I love you!" text sakin ni Vincent habang nasa work ako.
"I love you too." reply ko sa kanya.Hindi ko alam kung paano ipagdiriwang 'tong 4 months naming relasyon dalawa ngayon araw. December 17 kasi namatay si erpat eh, 3 years ago. Hindi pa ako nakakapagmove-on sa pagkamatay niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko mamaya pagkita namin. Kelangan ko ba sabihin o hinde? Baka kasi kung ano ang isipin niya kung di ko sinabi at mahalata niya na malungkot ako. Kung sasabihin ko naman, baka maging malungkot din yun. Bahala na siguro mamaya. Magsisimba lang naman kame, kakain tapos manonood ng movie. Malamang samin ulit siya matutulog dahil mapapagabi na naman kame panigurado.
Pagkalabas ko galing work, umuwi muna ako saglit para makapagpalit at kunin yung regalo ko kay Vincent. Di na kame nakapagsimba dahil late na kame dumating. Nagdasal na lang ako para kay erpat. Pagkatapos nun, kumain kame sa Wendy's dahil isang oras pa bago magsimula ang movie.
"Having a bad day?" tanong niya sakin habang papasok kame ng sinehan.
"No. I'm just tired, I guess." sagot ko sa kanya.Umuwi na kame kaagad pagkatapos ng movie kahit gusto pa niya muna tumambay kame kung saan. Sumang-ayon na rin siya dahil napansin siguro na na parang wala ako sa mood. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Nauna na akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kwarto. Sumunod siya pagkatapos magbayad ng pamasahe sa taxi.
"May iba na ba?" tanong niya sakin pagpasok niya sa kwarto. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Walang iba. Pagod lang siguro talaga ako..." sagot ko sa kanya.
"I know you when you're tired. Kahit pagod ka, you don't give me cold treatment like yung ginagawa mo ngayon."
"Walang iba, okay? Walang iba. Ikaw lang!"
"Then, tell me what's wrong? Para di ako mag-isip ng kung anu-ano..." sabi niya sabay labas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]
RomanceThis is based on a true story. Names of the characters were changed for security and privacy purposes.