CHAPTER TWENTY FIVE

214 16 0
                                    

"88 Missed Calls, 43 Messages Received" nakalagay sa screen ng cellphone ko pagkagising ko kinabukasan.

Pag-check ko kung sinu-sino mga tumawag at nagtext, karamihan galing kay Vincent at dun sa number na nagtext sakin kagabi. Meron din galing sa mga kasama ko sa trabaho. Naka-silent pala ang phone ko kaya siguro di ko namalayan na tumatawag si Vincent kanina madaling araw. Hindi ko na rin binasa muna ang mga texts niya, malamang puro na naman excuses yun. Hindi ko na rin pala nagawang replyan yung nagtext kagabi dahil sa antok at hilo. Sanay na rin ako na may nagtetext sakin ng ganun. Nagtitrip man o seryoso, hindi ko na rin pinapansin. Ako lang din naman mahihirapan. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako kaagad at pumasok ng maaga sa trabaho. Hindi na rin ako nag-almusal. As usual, dating gawa na naman ako para iwas lungkot, puro trabaho. Magpapakalunod na naman ako sa trabaho.

Pagdating ko sa trabaho, tsaka ko binasa ang mga mensahe ni Vincent sakin habang tumatambay sa coffee shop.

"Baby, nakalimutan ko. I'm sorry! "

"Baby, sana mapatawad mo ko. Di ko talaga naalala! Sorry na please?"

"Sorry na baby oh, please? Babawi ako sa'yo! Promise!"

"Sagutin mo naman tawag ko please?"

"Ayaw mo na ba sakin? Sagutin mo na tawag ko. Gusto kita makausap!"

"Ayusin natin 'to baby!'"

"I love you so much baby! " mga sampung beses niyang sinend.

"I miss you from here to there!"

Sus. Miss daw. Binola pa ako. Uutuin pa ako ni kumag. Malaman ko lang kung ano ang ginawa niyang kabalastugan buong araw kahapon, mata niya lang ang walang latay. Pero kinilig ako sa huli niyang dalawang texts. Mas kikiligin siguro ako kung sinabi niya sakin yun sa personal. Lintik na pag-ibig, nagiging corny tuloy ako.

"Good morning Vincent! Ayos lang yun. Ingat parati!" text ko sa kanya. Sinadya kong hindi siya tawaging baby.

"Bakit Vincent na lang?" " reply niya.

"Vincent name mo diba?"

"Baby naman eh! T_T"

"Call me Paolo. That's my name! "

"Ayusin natin 'to, please?"

Hindi na ako nagreply kay kumag. Bahala siya. Kung wala siyang balak makipagkita sakin, wala na akong pakialam dun. Bumalik na ako sa office at sinimulan ko nang magtrabaho. Konti lang ang trabaho ko today dahil nagawa ko na yung iba last week. Kaya medyo petiks din ako at hawak ko yung oras ko. Maya-maya tumatawag na naman si kumag pero hindi ko sinasagot. Naka-ilang tawag din ang kumag.

"HOY!"

"HOY KA RIN!"

"Paolo naman eh!"

"Okay."

"SAGUTIN MO TAWAG KO!"

"Ayaw!"

"Okay. Fine."

"Whatever!"

Hindi na nagreply ang kumag. Napikon na siguro. Ayaw pa naman nun na sinusuway siya. Gusto niya, gawin mo kaagad yung sasabihin niya kung ayaw mo ng World War III. Dahil hindi na nagreply si Vincent, bumalik na rin ako sa trabaho at tinapos na ang mga pinapagawa sakin sa araw na yun. Natapos ko na mga gawain ko bago lunchtime namin. Kaya napaaga ang kain ko, gutom na rin ako dahil hindi ako nakapagbreakfast. Sa may mini-stop na lang ako kumain dahil tinatamad ako gumala sa compound para maghanap ng makakain.

"Hey, are you busy?" text sakin ni James habang kumakain ako.

"Nope. Just having brunch." reply ko.

You'll Always Be My Baby! [Pinoy BoyXBoy Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon